Kabanata 23
Panggap
Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Ken, ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay, para hindi malaman ni Wein na gising pa ako.
Ibinagsak ko ang aking sarili sa queen size bed na hinihigaan namin ng kapatid ko. Napatitig ako sa kisame at muling naalala ang mga narinig kong sinabi ni Wein.
Napahikbi ako nang muling dumaloy ang hapdi sa puso ko. Hapding dulot ng katotohanang nahulog ako sa taong, may ibang gusto.
Naramdaman ko rin ang pagbagsak ng mainit kong luha na dumaloy sa aking sintido. Hinayaan ko lang ito. Nakakapagod din kasi na parati na lang akong nagpipigil.
This time, pakakawalan ko ang mga luha ko hanggang sa maubos ito. Hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko o kahit mabawasan man lang itong bigat na dinadala ng kalooban ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at ipinikit ang aking mga mata.
Ito na ang huling beses na iiyakan ko si Wein. Dahil sa pagsapit ng umaga, hindi na ako magpapatalo sa damdamin ko para sa kanya.
Hahayaan ko pa rin ang puso ko na mahalin siya, pero magiging manhid na ako sa sakit na ipaparamdam niya. Hindi ko naman kasi mapipigilan ang puso ko na tumibok sa taong gusto nito.
Hihintayin ko na lang na mapagod akong mahalin si Wein.
Ako si Keight Barcelo. Nananatili akong buhay sa mundong 'to, dahil matibay kong hinarap ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. Hindi ako mawawasak ng dahil lang sa isang tao o ng dahil sa pag-ibig.
Alas-siete pa lang ng umaga ay nagising na ako. Para maghanda ng almusal namin ni Wien na hanggang ngayon ay tulog pa.
Pasipol-sipol kong sinabayan ang tugtog sa cellphone ko na nakalapag sa island counter, habang isinasalin ko sa malalim at malapad na mangkok ang sinangag na niluto ko.
Pagkatapos kong isalin ito ay napapaindak akong naglakad papunta sa komedor. Ngunit habang papunta ako roon ay nasalubong ko si Wein, nahkagulatan nga kami at as usual, wala na naman siyang pang-itaas. Nakasuot lang siya ng sweat pants na kulay abo and obviously, bakat na bakat ang kanyang morning hood.
Agad akong nag-angat ng tingin. Hilaw ko siyang nginitian at saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
"Mukhang maganda ang gising mo, huh? Naririnig pa kitang sumisipol-sipol kanina. I didn't know that you can whistle?"
Inilapag ko muna ang dala kong mangkok sa ibabaw ng mesa at saka tumingin kay Wein na nakahalukipkip at may sumisilip na ngiti sa labi.
"Now you know." Tugon ko sa kanya at saka ako naglakad palapit sa kanya.
Huminto ako sa paglalakad ng ilang hakbang na lang ako kay Wein. "Kape? Gusto mo?" Itinaas ko ang isa kong kilay habang nginingitian ko siya.
"Actually, magtitimpla nga sana ako."
"Ako na." malumanay kong sabi.
Hinawakan ko sa braso si Wein at pasimple kong ipinadalusdos ang palad ko sa kanyang makinis at maputing balat. Bago ako lumampas sa kanya.
Napapangiti ako habang tahimik na nagtitimpla ng kape namin ni Wein.
Hindi ako makapaniwala na nagawa kong haplusin ang matigas niyang braso ng hindi nanginginig ang mga tuhod ko, kinausap ko pa siya na ng hindi ako nauutal kahit na nakalahad sa mga mata ko ang kanyang matipunong katawan.
Nakontrol ko ang sarili ko. Good Job, Keight.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay huminga muna ako ng malalim at saka ako naglakad pabalik sa komedor kung saan naghihintay si Wein.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Narrativa generaleAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
