Kabanata 39
Pinaasa
"Ah...teka lang, mister? Mister ano? Ahh." Mabilis kong itinipa sa cellphone ko ang pangalan ng investor na nakatakdang makipag meet kay Wein bukas.
Ang dami na naman niyang meeting.
"Okay. Nakuha ko na. Salamat, Axel."
Pagbaba ko ng telepono ay napabuntong hininga ako at napasandal sa swivel chair na inuupuan ko. Tatlong araw na nang magsimula akong maging secretary ni Wein.
Ang akala ko madali lang ang trabahong 'to, kasi kapag nakikita ko noon si Bethilda ay para bang paeasy-easy lang siya sa pwesto niya.
Samantalang ako, sa tuwing may tatawag sa telepono, nagpapadala ng email at tatawagin ako ni Wein, halos hindi na ako magkandaugaga.
Sana kayanin ko 'to. Nagsisimula pa lang naman ako, kailangan ko lang mag-adjust.
Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ko sa pagrerecord ng mga activities ng company and at the same time, gumagawa rin ako ng report para sa mga magaganap pang activities at saka chinicheck ko rin ng mabuti ang schedule ni Wein. Kailangan ko rin asikasuhin ang magaganap na meeting next monday.
Ganito pala kahirap ang trabaho kapag wala kang experience. Mangangapa ka ng bongga. Pero ayoko namang mag give up agad kasi ginusto ko 'to eh. Ayoko na sabihin ni Wein o ni Bethilda na 'I told you so'
Napatigil ako sa pagtatype sa computer at napapikit at saka hinilot ko ang aking sintido. Pakiramdam ko ay binabarena ang utak ko.
"What's wrong?"
Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Wein. Pero nanatili akong nakapikit at dinadama ang pangmamasahe niya sa mga balikat ko.
Hanggang sa maramdaman kong dahan-dahan ng dumadalusdos ang mga kamay niya, pababa sa aking mga braso. At ang kanyang mga labi naman ay nakadampi na sa leeg ko.
"Wein, nasa trabaho tayo." Pananaway ko sa kanya, pero hindi iyon ang sinasabi ng katawan ko na unti-unting nagigising ang kakaibang init dahil sa nakalapat na mga labi ni Wein.
"Wein!"
Lumayo ako sa kanya kaya napatigil siya.
"Tinutulungan lang naman kitang mag-relax." Nakanguso niyang sabi.
"Hindi ka nakakatulong." Sabi ko naman.
"But I can help you with that.?"
"Uhm?" Napatingin ako sa kanya.
Nakatingin siya sa monitor na nasa harap naming dalawa.
"Wag na. Trabaho ko 'to." Pangtanggi ko sa kanya.
"Pero mukhang stress ka na sa trabaho, eh."
Muli akong napapikit nang hilutin naman ni Wein ngayon ang aking sintido.
"Uhmm." Ungol ko. Ang sarap niya kasing manghilot.
"That was a sexy moan. Your turning me on, honey." Bulong ni Wein.
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya. "Itigil mo na nga 'yang ginagawa mo. Hindi ako makapag-concentrate rito sa ginagawa ko eh." Tinanggal ko ang mga kamay niyang nasa sintido ko.
"But I just wanna help you."
"Hindi ka nakakatulong. Bumalik ka na nga sa mesa mo."
Napakamot ng ulo niya si Wein. "Are you sure you don't want my help?"
"No thanks. By the way, may meeting ka mamaya, kay Mr. Lou."
"Lunch time?"
"Oo."
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Ficción GeneralAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
