Kabanata 5

10K 227 13
                                        

Kabanata 5
Malas

"Sir, diba dapat sa bahay ni lola Eupemia mo kami hinatid?" Sabi ko sa kay Wein nang huminto ang sinasakyan namin sa harap ng eskinita kung saan kami nakatira.

"Diba sabi ko, hindi ka na magtatrabaho sa amin dahil ayoko ng pinakikialaman mo ang mga gamit ko. At saka palagay mo ba makakatungtong ka pa sa bahay ni lola, dahil sa nalaman ko? Baka mamaya, malason mo na naman ang isip niya. I won't let that happen anymore, lady. Sorry ka, pero hindi ako pinanganak ngayon lang. Actually...nagdadalawang isip nga ako kung dapat pa ba kitang bigyan ng traba-"

Hinawakan ko ang kanyang braso. "Please, wag mo naman akong alisan ng trabaho." pagmamakaawa ko pa sa kanya.

"Ate, mawawalan ka na ng trabaho? Bakit po?" Inosenteng tanong naman ng kapatid ko na kumakain ng cupcake habang ang isa niyang kamay ay may hawak na chocolate drink.

"Hindi. Hindi mawawalan ng trabaho si ate. Diba, sir?" Binigyan ko ng nagsusumamong tingin si Wein.

Suminghap naman siya at bumuntong hininga at saka bahagyang lumiyad palapit sa akin.

"Pasalamat ka at naaawa ako sa kapatid mo. I'll see you tomorrow on my office. Paghatid mo sa kanya sa school, pumunta ka agad sa office."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Salamat po."

Tumango lang siya at saka ako sinenyasan na lumabas na ng kotse kaya lumabas na kami ng kapatid ko. Pagbaba namin ay agad din umandar ang sasakyan.

Para akong binunutan ng tinik sa dibdib, kasi ngayon. Wala na akong tinatago kay Wein, kaya lang nahihiya ako sa kanya, pero siguro kailangan ko ng alisin 'yon kasi araw-araw na kaming magkakasama.

"Sosyal, huh? Pakotse-kotse na lang ang magkapatid na'to. Hindi naman makabayad ng utang sa tindahan ko. Ano na, Keight? Kailan ka ba magbabayad?" Tanong ni aling Tess habang nakapamaywang ang kanyang mga kamay.

May ari siya isang maliit na sari-sari store kung saan ako nangungutang ng de lata, bigas at kung anu-ano pa.

"Sa sweldo ko na lang po."

Tumaas ang kilay ni aling Tess. "Siguraduhin mo lang at baka magulat ka na isang araw... pinadadampot na kita sa bahay niyo."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kahit na mahinaon siyang nagsasalita ay ramdam ko ang pagbabanta roon.

"Opo. Makaaasa kayo." Sabi ko na lang.

"Eh, sino ba 'yong naghatid sa inyo?"

Si aling Tess talaga, may pagkatsismosa.

"Boss ko po."

"Aba, hinahatid na pala ng boss ngayon ang empleyado niya? Baka naman type ka ng boss mo? Sunggaban mo na 'yan."

Hilaw kong nginitian si aling Tess.

"Ken, may bago akong laruan." Napalingon ako sa dumating na kaibigan ni Ken. May hawak-hawak itong maliit na laruang kotse-kotsehan.

Mangha ang gumuhit sa mukha ng kapatid ko at natuon ang atensyon sa laruan ng kanyang kaibigan.

Muli naman akong tumingin kay aling Tess.

"Nagkataon lang po na nagpapalipas ng oras ang boss ko kaya sumama siya sa akin na sunduin si Ken. Walang gusto sa akin 'yon, aling Tess. Ang sungit-sungit niya nga po sa akin."

"Matanda na ba? Maganda ka naman. Ikaw nga ang parating kinukuhang muse ng mga liga rito sa atin, kasi ikaw ang pinakamaganda. Bulag yata ang boss mo o malabo ang mata."

Bahagya akong napangiti sa pamumuri sa akin ni aling Tess.

Moody talaga ang matandang 'to. Kanina lang inaaway ako, ngayon nakikipagkwentuhan na sa akin.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon