Kabanata 8
Nice to meet you
"Tumayo ka nga!" maawtoridad na sabi ni Wein.
Hinila niya ang braso ko kaya napatayo ako, pero nanatili akong nakayuko.
"Hindi ko talaga sinasadyang matabig 'yong mesa. Nabali kasi ang takong ng sapato---"
"Stop talking."
Hinila niya ako palayo sa mga taong mapanghusga akong tinitignan. Magpapatianod na nga lang sana ako sa panghihila ni Wein, kaya lang ay bigla kong naalala ang kapatid ko at saka nahihirapan na rin akong maglakad dahil sa isa kong sandals na nabali ang takong.
"Wein, sandali lang, 'yong kapatid ko."
Huminto naman siya agad sa paghila sa akin at kunot ang noo na hinarap niya ako.
"Baka napaano na si Ken, naiirinan 'yon kanina 'nong iniwan ko siya para kumuha ng tubig."
"Stay right right there. Ako na ang kukuha sa kanya."
"Si Jhel pa, kasama ko rin siya. Baka hanapin niya ako."
Ipinamaywang ni Wein ang isa niyang kamay at ang isa naman ay naitutop niya sa kanyang noo.
"A, basta...kukunin ko si Ken, dyan ka lang. Saan ba banda ang pwesto niyo?"
"Doon sa may mesa na nasa pinakasulok sa may right---"
Hindi na ako pinatapos pa ni Wein sa sinasabi ko kasi tinalikuran niya na agad ako at naglakad palayo sa akin.
Tignan mo nga naman ang lalaking 'yon, nagtatanong tapos hindi naman ako patatapusin sa sagot ko. Bastos!
Dahil natatakot akong may hindi na naman magandang mangyayari ay hindi talaga ako umalis kung saan ako iniwan ni Wein. Hanggang sa makabalik na siya kasama si Ken.
Agad kong kinamusta ang kapatid ko paglapit nila sa akin. Ikinuwento niya na kaaalis ko lang daw nang may lumapit na waiter sa kanya at binigyan siya ng tubig.
Gusto kong tawanan ang sarili ko kasi nakagawa pa ako ng kapalpakan, para lang kumuha ng tubig kasi ang ending pala 'non, may waiter din naman na mag-aabot ng tubig sa kapatid ko.
Napabuntong hininga na lang ako at saka niyakap ang kapatid ko. Kapag talaga, malas ka, gagawa at gagawa ang tadhana ng ikamamalas mo.
Hinatid kami ni Wein sa itaas ng bahay ni lola Eupemia kung saan may sala set din dito at may malaking flat screen TV. Binuksan niya pa nga ito at inilipat sa cartoon channel.
"Maiwan ko na kayo dyan, huh?" paalam niya sa akin.
Naramdaman ko naman ang paghiga ni Ken sa hita ko.
"Wein, kapag nakita mo si Jhel...pakisabi namang nandito kami."
"I will. Sasabihin ko rin kay grandma na nandito kayo, kanina ka pa rin kasi niya hinahanap."
Tumango ako at nginitian siya bago siya naglakad. Medyo malayo na si Wein at nasa bungad na siya ng hagdan nang maalala kong magpasalamat sa kanya.
"Wein!" Tinawag ko siya kasi ramdam ko 'yong eagerness na makapagpasalamat sa kanya.
Lumingon siya sa akin at nagtatanong akong tinignan.
"Salamat." anas ko.
"No problem." tipid naman niyang tugon sa akin bago siya muling naglakad. Sinundan siya ng mga mata ko, hanggang sa mawala siya sa aking paningin.
Dahil centralized ang aircon dito sa bahay ni lola Eupemia at ang lambot pa ng sofa na inuupuan namin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at ang kapatid ko, nagising na lang ako nang maramdaman kong bumigat ang balikat ko at makaamoy ako ng alak.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
