Kabanata 45
Auction
Dahil ngayon magaganap ang charity event na dadaluhan namin ni Wein. Dinala muna niya ako sa isang kilalang salon para paayusan.
Kilala si Wein sa salon na'to dahil madalas niya raw hinahatid dito si tita Arabella at lola Eupemia, kapag gusto nilang magpaayos. Kaibigan din daw kasi ni Wein ang may-ari nito.
Habang ikinukulot ako ng isang gwapong bading. Mula rito sa kinauupuan ko ay natatanaw sa salamin si Wein na prenteng nakaupo sa may waiting area. Nakadekwatro siya at nagbabasa ng magazine. Sa isang gilid naman ay makikitang nagkukumpulan doon ang ilang staff ng salon. Mga mukhang kinikilig ang mga ito habang nakatingin kay Wein. Ang iba nga ay palihim pa siyang kinukuhanan ng picture, mula sa kanilang cellphone.
"Tignan mo ang mga bruhang 'yon. Pinagkakaguluhan na naman si fafa Wein." ani Daniel nang mapansin niya ang mga staff niya na ganoon ang ginagawa.
"Teka nga."
Huminto siya saglit sa ginagawa niyang pagkukulot sa akin. Namaywang siya at itinaas ang isa niyang kilay at saka naglakad papunta sa nagkukumpulang staff.
"Ang gagaling niyo talaga. Anong gusto niyo? Ako na lang ang kikilos at sesesantehin ko na kayong lahat?" galit pero malumanay na panenermon niya sa mga ito.
"Go back to work. Now!" matapang na utos ni Daniel na nagpatigil kay Wein sa pagbabasa ng magazine.
"What's going on?" inosenteng tanong niya kay Daniel.
Hilaw na ngumiti si Daniel kay Wein. "Ah...wala naman, Wein." Are you sure na okay ka lang dyan? Medyo matagal-tagal pa kasi ang hihintayin mo."
"Yes. I'll be fine."
Hindi ko na narinig pa ang ibang pinag-usapan ni Wein at Daniel. Basta nakita kong umangat ang isang sulok ng labi ni Wein at tumingin siya sa kinaroroonan ko.
"Uy, ikaw huh." ani Daniel nang muli niya akong nilapitan.
"B-Bakit?"
"Mukhang mahal na mahal ka ni Weinard. Alam mo bang kapag dinadala niya si tita Arabella at lola Eupemia dito, hindi siya nagtatyagang maghintay. Umaalis 'yan, tapos babalik na lang kapag susunduin na niya sila. Pero ikaw, hinihintay pa niya. Ang swerte mo talaga." kwento niya. "And he said that I have to make you look more even good. Iyong magagandahan ka rin sa sarili mo, kasi magandang maganda ka na raw sa paningin niya. Ang bongga mo girl!"
Napangiti ako sa kwento ni Daniel.
"May ibang babae na bang dinala si Wein dito, bukod kay lola Eupemia at tita Arabella?"
"Wala naman. Ikaw pa lang. O baka naman sa ibang salon niya dinadala. Pero alam mo, swerte ka talaga dyan kay Wein. Alam mo ba, dati...na body shot ko 'yan."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Body shot?"
"Yes, body shot. When he was so drunk. Pansin ko kasi, kapag nag-iinuman kami at nalalasing 'yang si Weinard. Sobrang bait niya. Kung anong ikinasungit niya kapag di siya lasing, saksakan ng bait niyan kapag nalalasing. Pwede mong gahasain, pero syempre hindi ko 'yon ginawa."
"Nalaman niya ba 'yong ginawa mo?"
"Oo sinabi naman ng HBB 'yon 'tsaka consequence kasi 'yon dahil natalo yata kami 'non sa beer pong. Hindi naman siya nagalit kasi wala lang naman 'yon. Minsan sumama ka sa hangout namin baka maranasan mo rin ang naranasan ko."
Napangiwi ako. "Kahit wag na."
"Kung sabagay. Mukhang matindi pa sa body shot ang naranasan mo kay Wein eh. Aminin." itinaas-taas ni Daniel ang isa niyang kilay at nakakaloko siyang nakangisi sa akin.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
