Kabanata 9

10.3K 260 12
                                        

Kabanata 9
Magkamag-anak

Lumapit kami ni lola Eupemia sa mesa na nasa pinakaunahan kung saan naroon ang parents ni Wein at ang kapatid nito na katabi ang kanyang magiging asawa.

"We're glad to finally meet you, Keight. Mom, always talks about you. Sobrang nagpapasalamat kami sa pagliligtas mo sa kanya, pasensya ka na kung hindi kami nakadalaw 'non sa ospital." sabi ng tatay ni Wein na si Mr. Rocco.

Nginitian ko naman ito. "Ayos lang po, sir. Hindi naman po malala ang tinamo ko 'non."

"Kahit na. Hindi man lang kami nakapagpasalamat sa ginawa mong pagliligtas kay mama."

"At least ngayon, nagawa niyo na po."

Tumawa ang mag-asawang Hernandez sa sinabi ko.

"Oo nga naman." ani Mrs. Arabella. Ang nanay ni Wein.

Kahit na may edad na ang mga magulang ni Wein ay kitang-kita pa rin ang kagandahan at kagwapuhan ng mga ito. Hindi kataka-taka na sila ang ama at ina ni Wein, nakuha niya ang gandang lalaki niya sa mga ito.

"Happy birthday po." Bati ko naman sa kuya Wade ni Wein ng ipakilala ako ni lola Eupemia sa kanya.

Nginitian ako nito at nagpasalamat siya sa akin. Tinanong niya pa ako kung nag e-enjoy daw ba ako sa party. Omoo naman ako kahit na hindi iyon ang tunay kong nararamdaman ngayon.

Sa totoo lang kasi ay ramdam na ramdam kong ibang-iba ako sa mga taong narito. Kahit pa sabihing kasama ko ngayon si lola Eupemia, na o-op pa rin ako, pero sinusubukan ko namang alisin 'tong nararamdaman ko o di kaya naman ay itago.

Nakilala ko rin ang fiancé ng kuya ni Wein. Mas cute pa pala ito sa malapitan. Singkit din naman ang mga mata ko katulad nito, pero umaapaw sa kacutan ang fiancé ni kuya Wade. Para nga itong isang cosplayer dahil mukha siyang nabubuhay na anime.

Pagkatapos akong ipakilala ni lola Eupemia sa iba pang bisita ay naupo na kami sa pwesto niya kanina, sa mesa kasama ang mga magulang ni Wein.

"Tignan mo ang girlfriend ni Wade. Hindi ba't singkit din? Parang ikaw. Maputi lang sa'yo si Mikaela but believe me, mahilig talaga sa singkit ang mga apo ko, kasi the last time na may idinate si Wein, singkit din 'yon." Bulong sa akin ni lola Eupemia. Magkatabi kaming dalawa rito sa upuan, hilaw pa nga akong ngumiti sa sinabi niya.

Ako, gusto ni Wein? Siguro kung mahilig man talaga siya sa singkit. Exempted ako sa magugustuhan niya. Masama ang tingin niya sa akin, kaya bakit niya ako magugustuhan?

"Mahilig din po sa sexy ang apo niyo." sabi ko naman.

"Natural lang sa mga lalaki ang mahilig sa sexy. Madalas nga, katawan na ang una nilang tinitignan kaysa sa mukha. Mas lamang na kasi ang katawan ngayon, but once na makita nila na maganda ka, 'tsaka sila nagkakainteres na kilalanin ka. At kapag nakilala na nila 'yong ugali mo, matatabunan na 'yong body attraction nila and probably, mas lumalamang na sa kanila, 'yong attitude mo, lalo na kung napakapositive 'non."

Hilaw akong napangiti ulit sa sinabi ni lola Eupemia, may kasamang pag-iling pa nga. Hindi ko talaga lubos maisip na magkakagusto sa akin si Wein.

Siguro sa one hundred percent, nasa one lang ang chance na mangyari 'yon.

"Malabo po talaga na magustuhan ako ng apo niyo."

"Keight, ayaw mo ba sa apo ko?"

Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mukha ni lola Eupemia.

"H-Hindi naman po sa ganoon. Sadyang malabo lang po talaga ang sinasabi niyo."

"At bakit naman? Ikaw 'yong tipo niyang babae, mabait ka naman at parati mo siyang makakasama kaya for sure, magkakagusto ang apo ko sa'yo."

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon