Kabanata 31
Vacation house
Hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa rin naririnig sa isip ko ang mga sinabi ni Wein kanina. Para 'yong kantang nakaka-LSS.
Kaya lang ay ayoko muna paniwalaan agad ang mga sinabi niya. Nakakabigla kasi na pagkatapos ng tatlong araw na hindi siya nagparamdam, susulpot siya bigla at ngayon sasabihin niyang in love na siya sa akin?
Sa totoo lang. Isa 'to sa mga hinihiling ko, eh. Ang mahalin din ako ng taong mahal ko. Kaya lang kasi ay kilala ko na 'tong si Wein.
Siya 'yong tipo ng lalaki na madaling ma-fall out of love. Base sa naging observation ko sa kanila ni Bethilda. Aminado naman akong wala akong alam sa kung ano mang nakaraan ang meron siya, pero hindi niya ako masisisi na mabigyan ko siya ng hindi magandang impresyon dahil sa ginawa niya kay Bethilda.
Natatakot lang ako na baka pati sa akin ay ma-fall out of love din siya.
Basta ang bilis ng mga pangyayari. Bakit all of a sudden, in love na sa akin si Wein? Bakit at saan nagsimula ang lahat? Naguguluhan pa rin ako.
Kailangan ko munang alamin ang sagot sa mga tanong na bumabagabag dito sa isip ko, bago ako maniwalang totoo ang mga sinabi ni Wein.
"Ken, okay ka lang dyan? Nagugutom ka ba?" Tanong ni Wein habang nagmamaneho siya at pasulyap-sulyap sa rear-view mirror.
Hindi ko naman narinig na sumagot ang kapatid ko kaya nilingon ko siya at nakita kong abala ito sa paglalaro ng games sa ipad na ibinigay sa kanya ni Wein.
"Ken, tinatanong ka ng kuya Wein mo kung nagugutom ka raw ba?"
Tanging pagtango lang ang naging sagot sa akin ng kapatid kong tila ayaw papigil sa paglalaro.
"Ikaw ba, Keight. Nagugutom ka? Ihihinto ko muna 'tong sasakyan sa drive thru, bibili ako ng makakain natin."
"Fried chicken po, kuya Wein!"
Napataas ang isa kong kilay at muli kong nilingon ang kapatid ko. Nakakagulat kasi ang bigla nitong pagrerequest.
Nang muli ko siyang lingunin ay nakatutok pa rin siya sa ipad.
Nasasanay na talaga ang kapatid ko sa mga bagay na 'to. Natatakot tuloy ako na kapag natapos na ang lahat sa pagitan namin ni Wein ay manibago ang kapatid ko.
"Okay. I got it." Nakangiting tugon naman ni Wein.
"Ilang oras ba ang byahe simula manila papuntang baguio, Wein?"
"Siguro mga four hours."
Nanlaki ang mga mata ko. "Four hours? Ang haba pala ng byahe. Akala ko mga dalawang oras lang."
Tumawa siya sa sinabi ko. "Nako, dito nga sa atin, kapag dumaan ka sa edsa. Dalawang oras kang maiistuck sa traffic kaya ang ending, dalawang oras ang byahe mo kahit na kung tutuusin, malapit lang naman ang pupuntahan mo."
"Ito kasi ang unang beses na makakarating kami ni Ken sa baguio. Buong bahay namin, nasa manila lang kami. Bata pa lang kasi ako nang lumuwas kami rito sa manila, taga-davao daw kami."
"Talaga? Di bale, pagdating natin sa baguio. Marami tayong pupuntahan doon. Papasyal tayo."
"Malamig ba talaga sa baguio?"
"Oo. Kahit na sumisikat ang araw. Hindi mo mararamdaman ang init kasi nananalo 'yong cold temperature. Lalo na ngayong december, mas malamig doon."
"Excited na talaga ako!"
Paghinto ni Wein sa drive thru ay nag order siya ng isang bucket ng fried chicken, dalawang burger at spaghetti, apat na large fries at dalawang kape para sa amin. Mabuti na lang at nakapagbaon ako ng dalawang maliit na bote ng tubig para kay Ken.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
