I dedicate this chapter to Justine Rose Mendoza Flores. Hindi ko malagay 'yong username mo sa dedication kaya shoutout na lang. haha.
Kabanata 38
Secretary
Ilang araw matapos ang huling beses na may nangyari sa amin ni Wein. Para bang mas lalo pa siyang naging clingy sa akin.
Hindi na siya 'yong patago kung maglambing kasi nilalambing niya na rin ako ngayon kahit kasama namin ang kapatid ko. Nakikita ko nga si Ken na napapangiwi kapag nakikita niyang niyayakap ako ni Wein at hinahalikan sa pisngi.
Minsan, kapag katabi ko si Ken sa sofa at bigla akong aakbayan ni Wein at bubulong-bulungan habang kinakagat niya ang tenga ko. Syempre nakikiliti ako, tapos sinasaway ko siya, at the same time ay natatawa ako. Tapos, namamalayan ko na lang na wala na sa tabi ko ang kapatid ko, kasi nasa sahig na siya at naglalaro ng mga laruan niya.
Kung sabagay, kapag nakikita ko noon ang mga magulang namin na naglalambingan ay nasasagwaan ako. Para bang kinikilabutan ako, siguro dahil wala pa akong malay sa pag-ibig noon at para sa akin. Masagwa ang ginagawa nila.
Hindi ko pa alam noon na maswerte ako kasi nabuhay ako sa mundong 'to bunga ng tunay na pag-ibig na meron ang mama at papa ko. Hindi ko alam na hindi pala madaling mahanap ang tunay na pag-ibig, kasi bago 'yon dumating. Kailangan mo muna masaktan at kung minsan, dapat ka pang magsakripisyo.
Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa malaking salamin dito sa kwarto.
Handa na akong pumunta sa opisina ni Wein dala ang tanghalin niya na ginawa ko mismo. Nagluto ako ng paborito niyang chicken adobo, calamares at cheese roll. Dinamihan ko pa nga dahil siguradong aayain na naman niya akong sabayan ko siya.
Naeexcite ako kasi hindi ako pupunta ng H. Co building ngayon para magtinda. Pupunta ako roon bilang girlfriend ni Wein.
Pagharap ko sa salamin ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili, mula ulo hanggang paa. Napapangiti ako habang tinitignan ko ang reflection ko sa salamin.
Suot ko ang itim na bestidang may all over pattern. Si Wein ang bumili sa akin nito ng minsan kaming mamasyal sa mall. Siguradong matutuwa siya kapag nakita niya akong suot ang bestidang ito.
Nang makuntento na ako sa ayos ko. Inilagay ko na sa isang paperbag ang lunchbox na dala ko at saka ako lumabas ng condo.
Dahil sanay akong mag jeep. Nag jeep lang ako papunta sa H.Co building at saka ito ang pinakamurang transportation. Kalahati ng pamasahe dito ang ibabayad mo kung ang sasakyan mo ay taxi, fx, grab o kung ano pa man. Ang kaibahan lang ay ibababa ka ng mga ito sa tapat mismo ng building na pupuntahan mo, samantalang ang jeep. Sakayan at babaan ka lang talaga ibababa.
Pero okay na talaga sa akin ang jeep kahit pa kailangan ko pang tumawid sa pedestrian lane, papunta sa kabilang sidewalk. At least, exercise na rin 'yong paglalakad ko.
Napatingala ako at napangiti nang sa wakas ay nasa tapat na ako ng H.Co.
Madalas ko namang ginagawa ang maglakad sa katirikan ng araw papunta rito, pero ang hirap pala kapag nakabestida kang naglalakad. Ang init at ang kati sa pakiramdam.
Papasok na ako sa H.Co building nang makita ko ang pagtataka sa mga tingin ng security guard na nasa entrance. Siya 'yong guard na parati kong nakakakonpronta, para kasing ang laki ng galit niya sa akin. Iba talaga ang tingin niya sa akin, para bang lagi siyang nangmamaliit. Nanghuhusga ang mga tingin na ipinupukol niya.
Kapag talaga hindi ko natantya 'tong si manong guard, sasamain 'to sa akin ng bongga.
Pagdaan ko sa front desk ay binati ako ng dalawang babaeng empleyado roon na nakakakilala sa akin. Inaalok ko rin kasi sila ng tinda ko, mga suki ko rin ang mga 'to.

BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Aktuelle LiteraturAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...