Kabanata 49

10.7K 222 26
                                        

Kabanata 49
Effort

"Ma'am, saan po ang kwarto ni Eupemia Hernandez?" tanong ko sa staff ng hospital na narito ngayon sa information desk.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong naman nito sa akin.

"Isa ako sa mga natulungan ng pamilya niya."

Kumunot ang noo nito. "Pasensya na ma'am. Nagpapahinga ngayon si ma'am Eupemia. Mahigpit na bilin din ng pamilya niya na mga malalapit na kaibigan lang ang maaaring dumalaw sa kanya."

"Malapit ako sa mga Hernandez. Pamilya na ang turing ko sa kanila. Sige na, payagan mo na akong makita siya. Hindi mapapanatag ang loob ko hanggat hindi ko nakikitang maayos na ang kalagayan niya. Please naman." Ipinagsalikop ko ang aking mga kamay habang nagsusumamo ako rito.

"Hindi talaga pwede. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

"Kung gusto mo. Ihatid mo pa ako roon. Gusto ko lang siyang makita saglit. Sige na, please."

Hindi ko alam kung nakulitan lang ba ito sa akin o sadyang naramdaman niya ang pagsusumamo ko, kaya pinagbigyan ako nito.

Sa third floor kami napadpad at naglakad sa isang mahaba at puting pasilyo.

Bawat yabag namin ay naririnig ko at tila nag e-echo sa buong pasilyo dahil sa tahimik dito. Para ngang ganito ang pasilyo na napapanood ko sa mga horror movies.

Huminto kami sa harap ng pangalawang pinto sa dulo at kumatok dito ang staff na kasama ko.

Saglit lang ay may nagbukas ng pinto. Nagkagulatan pa nga kami ni tita Arabella.

"Keight! Anong ginagawa mo rito?"

"Ma'am, gusto niya raw po makita si ma'am Eupemia." sagot ng staff kay tita.

"Okay lang po ba, tita?" tanong ko naman.

"O-Oo naman. Halika rito."

Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko sa tuwa. Pero bago ako pumasok ay nagpasalamat muna ako sa staff na naghatid sa akin.

Tipid na ngiti ang itinugon niya sa akin bago siya naglakad paalis.

"Ma, may bisita po kayo." dinig kong sabi ni tita Arabella at saka siya ngumiti at tumango sa akin, hudyat na pinapapasok na niya ako.

Huminga muna ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang mga luha kong gusto na namang bumagsak sa mga mata ko.

Nagiging iyakin na ako ngayon.

Pagpasok ko sa kwarto ni lola Eupemia ay napahikbi ako. Nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa kanyang hospital bed at nanonood ng TV. Naroon din si ate Mikaela sa isang sulok. Nakaupo siya sa single sofa na nasa harap ng bintana, at may hawak pa siyang libro.

"L-Lola, k-kamusta po?"

"Keight."

Kinagat ko ang ibaba kong labi. Gustong-gusto na kasing tumulo ng mabigat kong mga luha.

"Lola Eupemia, galit pa po ba kayo sa akin?"

Tumawa siya. "Why would I have get mad at you?"

Hindi siya galit sa akin? Ang ibig sabihin ay okay pa rin kami ng mga Hernandez?

"Ang akala ko, hindi ka na magpapakita sa amin. Ipapasundo na sana kita sa bahay ng kaibigan mo."

"Alam niyo po?"

"I have a lot of source, Keight." Nakangiti niyang sabi. "Come over here." yaya niya pa habang bahagyang nakadipa ang kanyang mga palad.

Sa labis na tuwa ay mahigpit akong napayakap kay lola Eupemia at tuluyan na akong napahiyak.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon