Kabanata 48

9.7K 214 38
                                        

I want to dedicate this to @mhElaYniE because I always enjoyed reading your feedback. Nakakatuwang malaman na may taong laging dalang-dala sa update ko.

Kabanata 48
Karma

"May kasunduan tayo, Wein." tila nagpapaalalang sabi ni Bethilda.

Nag-igting naman ang mga panga ni Wein. "Hindi ko nakakalimutan 'yon. Now, tell her the truth."

"Where do you want me to start?"

Naningkit ang mga mata ni Wein habang nakatingin siya kay Bethilda. Bakas doon ang pagkairita.

"Alright." Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Bethilda at matiim niya akong tinignan.

"I did it. Ako ang kumuha ng relo ni Wein."

Napaawang ang bibig ko sa walang kagatol-gatol na kumpisal ni Bethilda.

Para bang napakagaan lang ng ginawa niya at ni hindi man lang siya nautal o nabulol ng sabihin niya iyon.

Nagtangis ang mga bagang ko sa inis at naikuyom ko ang aking mga kamao.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat." mariin kong sabi habang tinitimbang ko ang aking galit.

"Hindi lahat. Naaalala mo ba 'yong araw na pumunta kayo ni Wein sa isang meeting. Nakasalubong niyo ako noon na papasok ng elevator. Papunta ako 'non sa office ni Wein. Madali akong nakapasok sa loob because I still have my duplicate key."

Oo nga. Dalawa kami ni Bethilda na may duplicate key.

"Pagpasok ko sa office ni Wein. Naghanap agad ako ng bagay na importante sa kanya at hahanapin niya. Luckily, nakita ko sa drawer niya ang relo niya na noon pa man ay napapansin ko ng hinuhubad niya. Kinuha ko 'yon at itinago. Naghanap ng tyempo kung kailan ko iyon ilalabas. Ang swerte ko pa nga kasi nang araw na'yon, nakatakip ang cctv sa office ni Wein."

Iyon ay dahil tinakpan ni Wein 'yon. At iyon ang araw na may nangyari sa amin sa office niya.

"He used to do that when we fvck." nakangiaing dagdag pa ni Bethilda.

"Pero hindi ka pa rin makakatakas sa cctv na nakakabit sa pwesto ni Keight. Kitang-kita ang pagpasok mo roon ng ireview ko." ani Wein.

"Ang ibig sabihin ba ay ikaw din ang kumuha ng mga alahas na nawala sa charity event?" tanong ko naman kay Bethilda.

"Nope. Ang ate ko ang kumuha 'non."

Kumunot ang noo ko. "Ate? S-Sino?"

"Yung babaeng maikli ang buhok na pinagdidiinang magnanakaw ka. Kanina ko lang din nalaman na kapatid niya 'yon. Ang akala ko kasi, nasa ibang bansa ang kapatid niya." sagot ni Wein.

Agad na pumasok sa isip ko ang babaeng nakabunggo ko sa charity event. Sa lahat ng taong naroon ay siya ang talagang pinagdidiinang magnanakaw ako. Siya ang unang tumawag sa akin na magnanakaw. Paulit-ulit niya akong tinawag na ganoon.

"Kapatid mo ang babaeng 'yon?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo. Hindi ko lang siya kapatid. We're also bestfriends. Kami ang magkasangga sa lahat. Kasi kaming dalawa na lang naman ang magkakampi. She loves me very much, she will do anything for me, just to make me happy. Wala akong sikretong hindi sinasabi sa kanya, siya rin ang takbuhan ko kapag may problema. At ang kaaway ko, kaaway din niya. Hindi ko plano na sirain ka sa harap ng maraming tao. Iyon ang ganti ng kapatid ko dahil sa pang-aagaw mo sa akin, kay Wein."

"Bethilda, I told you. If you want to make a revenge. Sa akin na lang. Wag mo ng idamay pa si---"

"Shut up! At bakit hindi ko siya idadamay? Siya ang dahilan kung bakit tayo nasira."

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon