Kabanata 14
Where to stay?"Feil, pasensya na kung nasira 'tong date natin. Babawi na lang ako sa'yo next time."
Nakita ko ang pagngiti ng boss ko habang nagmamaneho siya.
"Sinabi mo 'yan, huh? Aasahan ko 'yan." aniya, saglit niya pa nga akong nilingon at nginitian 'tsaka niya muling itinuon ang tingin niya sa kalsada.
"Promise, babawi ako. Nakakahiya naman kasi na nagpareserve ka sa restaurant na 'yon, tapos ang ending...naghintay ka ng matagal sa lobby ng hospital. Nakakahiya talaga." Napayuko at napanguso.
"Ano ka'ba, it's okay. Nauunawaan ko naman ang lahat, eh. By the way, kamusta na nga pala ang lola ni Wein?"
"Okay na raw siya. Pwede na nga siyang umuwi bukas." At napapayag niya kaming magpakasal ni Wein dahil ang akala namin kanina ay mamamaalam na siya.
Bakit ba kasi ang nega namin kanina?
"That's good to hear. Mahal na mahal nilang magkapatid ang lola nila, kasi si lola Eupemia ang nag-aalaga sa kanila noon kapag masyadong busy sa work ang parents nila. Iyon ang kwento sa akin ni Wade."
Nang mabanggit ni Feil ang kuya ni Wein na si Wade. Bigla kong naalala ang kwento ni Wein kanina. Magkaibigan daw si Feil at kuya Wade noon, pero dahil nagmahal sila ng iisang babae, nasira 'yong friendship nila.
Kaya siguro hindi ko nakita si boss noon sa birthday party ni kuya Wade ay dahil hindi pa rin okay si boss, kahit kanina nga ay halatang umiiwas pa rin siya kay kuya Wade at ate Mikaela.
Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang kotse ni boss sa tapat ng gate papasok sa maliit na compound kung saan naroon ang apartment na tinitirahan ko. Inaya ko si boss na pumasok muna sa loob para makapagkape o makakain, pero tumanggi siya.
"Ingat na lang po sa pagmamaneho." Bilin ko sa kanya bago ako lumabas sa kanyang kotse.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate ay bumungad naman sa akin ang malakas na tawanan ni Brenan at ng dalawang lalaking kasama niya. Nag-iinuman sila at sa tapat pa ng apartment namin.
"Good evening, Keight." Malambing na bati ni Brenan.
Hilaw akong ngumiti sa kanya at saka kinatok ang pinto ng apartment namin.
"Kamusta ang date niyo ng boss mo? Nag-enjoy ka ba?" Tanong pa sa akin ni Brenan habang nakatalikod ako sa kanila.
"Kaya ka pala nag-ayang uminom? Nakipag-date sa iba ang prinsesa mo." Dinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Brenan. Tumawa pa nga ito na sinabayan pa ng isa sa mga kasama ni Brenan.
Nilakasan ko na ang pagkatok sa pinto dahil ang tagal buksan ni Jhel.
"Wala kasi akong panama sa boss niya. Hindi ko siya kayang dalhin sa mamahaling restaurant, pero kung tutuusin...mas gwapo ako roon." Pagyayabang pa ni Brenan. "Diba, Keight mas gwapo ako sa boss mo? Mapera lang naman 'yon kaya ka nakipag-date sa kanya, di bale...kapag nagkatrabaho na ako, dadalhin din kita sa mamahaling restaurant."
Nag-igting ang panga ko sa sinabi ni Brenan. Alam kong lasing na siya dahil iba na ang tono ng boses niya, pero hindi ko maiwasang mainis dahil sa narinig ko. Pakiramdam ko ay hinuhusgahan na naman ako. Iniisip ni Brenan na pumapatol ako sa boss ko dahil mayaman 'yon.
Bakit ba ang hilig manghusga ng mga lalaki?
"Keight, sorry. Di ko narinig ang katok mo. Nasa banyo kasi ako kanina, tapos si Ken naman nasa kwarto na at natutulog." Paliwanag ni Jhel ng pagbuksan niya ako ng pinto. Mukhang bagong ligo ito dahil nakabalot sa ulo niya ang puting tuwalya at amoy na amoy ang sabon na ginamit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/72981521-288-k180907.jpg)
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Fiction généraleAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...