Kabanata 15

10.5K 231 22
                                        

Kabanata 15
Lipat bahay

"Akala ko pa naman, matagal pa bago tayo magkakahiwalay. Ang laki na naman ng gagastusin ko rito sa apartment, wala na akong kahati." Bakas ang lungkot sa mukha ni Jhel na nanghahaba pa ang nguso habang tinutulungan niya akong ikahon ang mga gamit namin ng kapatid ko.

Ngayong araw ay susunduin ako ni Wein dito sa apartment para tulungan akong maglipat ng mga gamit namin ng kapatid ko, papunta sa condo niya. Kapag nailipat na namin ang mga gamit namin roon ay pwede na rin kami mag stay agad doon.

"Hayaan mo at kakausapin ko si Wein na kung pwede ay doon ka na rin tumira sa condo niya. Pinoproblema ko rin kasi kung kanino ko iiwan si Ken kapag umalis ako. Hindi ko alam kung kanino ko siya ibibilin habang nagtatrabaho ako."

"Hala! Oo nga pala." Namimilog ang mga matang sabi ni Jhel. "Wala ng Brenan na mapagkakatiwalaan sa kapatid mo."

Speaking of Brenan. Huli ko siyang nakita noong gabing nakipag date ako kay sir Feil. Gusto ko sana na bago man lang ako umalis ay makapagpasalamat ako sa kanya, pero until now...hindi ko pa siya nakikita.

"Pakisabi na lang pala kay boss na hindi ako papasok mamaya, huh? Sabihin mo naglipat ng bahay at walang mapag-iwanan sa kapatid niya."

Tumango si Jhel. "Siya nga pala, diba hindi natuloy 'yong date niyo ni boss at nangako ka na babawi ka sa kanya? Paano na ngayon 'yan,  eh ikakasal ka na kay Wein? Hindi ka na pwedeng makipag date. May fiancé ka na, day." Nang-aasar na tumawa si Jhel, pasayaw-sayaw pa ang gaga.

Nirolyohan ko naman siya ng mga mata ko. "Hindi kami ikakasal ni Wein, gagawa nga siya ng paraan para hindi iyon matuloy, diba? At saka ano ba ang pake ni Wein kung makipag date ako? Siya nga hindi ko naman pinakikialaman. Mag fiancé man kami, wala naman kaming nararamdaman para isat-isa. Walang romance na namamagitan sa amin."

"Kung sabagay hindi niyo naman talaga gusto ang isat-isa. Pero mag-fiance kayo. May mga bagay na kayong kailangang iwasan. Lalo na kapag napamalita na sa marami na ikakasal na kayo. Kailangan niyong mag ingat. Mahirap na at maraming mga taong mapanghusga, kahit hindi ka naman ganoon kakilala, kung ano ang nakita nila...'yon ang paniniwalaan nila."

"Hindi 'yan mangyayari. Gagawa ng paraan si Wein para hindi matuloy 'yong engagement party na plano ni grandma, kung saan ipapamalita niya sa lahat na ikakasal na kami."

"Wow, huh! Ang laki ng tiwala mo dyan kay Wein, samantalang nasira nga ang plano niya, simula pa lang."

"Kailangan kong magtiwala sa kanya. Ayoko rin naman makasal eh, kung magpapakasal ako...doon dapat sa taong mahal ko. Hindi sa taong kinaiinisan ko."

Ngumisi si Jhel. "The more you hate, the more you love nga kasi."

"Che!"

Maya-maya pa'y dumating na si Wein sa apartment. Kahit na simpleng t-shirt lang na kulay abo at cargo shorts na mapusyaw at kulay tsokolate ang suot niya ay mukha pa rin siyang mayaman, mabango at umaapaw sa kagwapuhan.

Pagpasok ni Wein sa loob ng apartment namin ay nagpaligid-ligid ang kanyang mga mata, tila bawat sulok ng apartment ay inuusisa niya.

"Nagkasya kayo dito? Ang liit." aniya.

Nagkatinginan naman kami ni Jhel dahil sa sinabi niya at bahagyang napangiti, inaasahan na kasi namin ng kaibigan ko na iyon ang magiging obserbasyon ni Wein sa apartment namin.

"Nasaan si Ken?" Tanong pa ni Wein.

"Pumasok." Tipid ko namang sagot.

"Oh, I forgot! Hindi nga pala ako pumasok ngayon para tulungan kang ilipat ang mga gamit niyo sa condo ko."

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon