Kabanata 20

10.8K 207 19
                                        

Kabanata 20
Nahihiya ako

Ilang araw at gabi ang lumipas. Halos mag-iisang buwan na rin buhat ng lumipat kami ni Ken dito sa condo ni Wein.

Kamakailan lang ay muling nakipagkita sa amin si lola Eupemia. Nag-aya siyang kumain sa labas na hindi naman namin tinanggihan ni Wein.

Napag-usapan pa nga namin na itong darating na sabado, magkakaroon kami ng salo-salo sa bahay nila Wein. Iyon daw kasi ang huling araw ni lola Eupemia sa bahay nila Wein, babalik na kasi ito sa bahay niya dahil mukha namang bumalik na ang dati niyang sigla, kaya lang ay kailangan niya pa rin ituloy ang pag inom ng mga gamot niya at makakasama niya pa rin ang kanyang personal nurse.

Hindi ko naman alam kung aalis na rin ba si Wein dito sa condo at sa bahay na lang nila siya tutuloy, iyon naman kasi ang dati niyang plano, pero sa ngayon ay wala pa siyang sinasabi sa akin kung ano ang kanyang plano.

This past few days ay sobrang busy ni Wein. Malalim na ang gabi kapag umuuwi siya. Katulad ngayon.

Alas-dose pasado na pero wala pa rin siya.

Tulog na si Ken sa kwarto namin. Ako naman ay hindi pa madapuan ng antok kaya nagpapaantok na lang ako rito sa tapat ng TV at nanonood ng isang magandang fantasy movie, habang humihigop ng mainit na kape.

Nasa kalagitnaan na ang pinanonood ko ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Agad akong napalingon sa may pasilyo at dahil nakapatay ang mga ilaw dito at tanging ang nakabukas na TV lamang ang nagbibigay liwanag dito sa sala, na umaabot naman sa hallway.

Isang matangkad na bulto lamang ang naaninag ko and obviously, si Wein iyon.

Actually, isa sa dahilan kung bakit hindi pa ako natutulog ay hinihintay ko siya. Gabi-gabi sa tuwing uuwi siya ay lagi ko siyang hinihintay, pero hindi ako nagpapahalata.

Hindi ako matutulog hanggat hindi siya dumarating. Parating may pangamba at pag-aalala kasi rito sa dibdib ko sa tuwing darating siya ng ganitong oras. At kapag naman dumarating na siya ay gumagaan na rin ang pakiramdam ko.

"O, bakit nagpupuyat ka na naman?" Tanong ni Wein, hawak ang kanyang brief case, habang kinakapa niya ang switch ng ilaw.

At nang mahanap niya iyon. Agad na nagliwanag ang buong sala.

"Hindi pa ako tinatamaan ng antok." Sagot ko kay Wein.

Naglakad naman siya palapit sa akin. Laglag ang kanyang balikat at mukhang hapong-hapo siya, pero hindi pa rin tumatakas sa kanya ang kanyang nakakahalinang presensya.

Sa suot niyang itim na trousers at blazer na may puting longsleeve sa loob. Taglay niya pa rin ang nakakabighaning kagwapuhan. Walang kaduda-duda na isa siya sa pinagpalang anak ng diyos.

Inilagay ni Wein ang dala niyang brief case sa center table paglapit niya rito.

Muli namang umugong ang aking dibdib sa mabilis na pintig ng puso ko dahil pabagsak na umupo si Wein sa tabi ko. Sumandal siya sa upuan at ipinahinga ang kanyang ulo sa headrest.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at kahit na bukas ang TV ay maririnig ang mabigat niyang pagbuga ng malalalim na hininga.

"Pagod na pagod ka na naman. Gusto mo ng tubig o kape?" Alok ko sa kanya.

Awa at pag-aalala ang namutawi sa damdamin ko habang tinitignan ko siya.

"Just give me a water." Sagot ni Wein sa akin ng hindi niya idinidilat ang kanyang mga mata.

Agad naman akong tumayo sa sofa at nagmamadaling kumuha ng tubig para kay Wein.

Natataranta ako habang kumukuha ng tubig sa ref na inilagay ko sa isang mataas na baso. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa sala.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon