Chapter 5

1.1K 119 1
                                    

A few hours later...

Sa bigat ng ulo ko. Di ko pa masyadong nakikita ang kung ano ang nasa kapalihiran ko. Basta ang alam ko lang nasa kwarto ako dahil sa malambot na kinahihigaan ko at sa naka bukas na lamp na nasa gilid ko.

Unti unti akong napa upo sa kinalalagyan ko.

Unti unti kong inadjust ang mga mata ko sa kadiliman ng kwartong toh.

Nang masanay ako sa dilim ay agad kong binangon ang katawan ko sa kama. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at doo'y napagtanto kong wala ako sa sarili kong kwarto.

Kung ganun? Nasaan ako?

Ininat ko ng konti ang leeg ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Agad na bumulaga sa akin ang mahabang pasilyo at ang maraming pintuan.

Gulong gulo pa ako sa sarili ko pero sinubukan kong maglakad palabas ng hallway hanggang sa makababa ako ng hagdan.

Habang bumababa ako ng hagdan ay may napapansin ako sa labas.

Gabi na pala?

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Inilibot ko ang mala hotel na kinalalagyan ko ngayon.

Hindi ko maalala kung bakit ako napunta rito pero alam ko ay yakap yakap ko si Sam habang pinapa usukan ang classroom namin.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumakbo papunta sa taas para mag kakakatok sa mga pintuang posibleng mga naging kwarto nila.

"Guys! Guys!" Sigaw ko habang tumatakbo at pinag kakakatok ang mga pintuan nila.

Nakarating ako hanggang sa kabilang hallway dahil sa sobrang rami ng pintuan na naririto.

"Guys! Wake up guys!" Sigaw ko habang patuloy sa pagkalabog ng mga pintuan nila.

Nakita ko yung iba ay nagsilabasan na at yung iba ay tila wala pa sa sariling sumunod sa akin.

Ang unang naka get over yata ay si LJ na agad na tumakbo papunta sa akin.

"Anong nangyayare!? Bakit tayo nandito!?" Sigaw nya.

Dahil siguro sa sigaw nya ay agad na nagising ang iba at nagsimula na ngang mag panic at mag ingay ang iba.

"Wag tayong mag panic guys! Sama sama tayo ngayon. Wala tayong dapat na ikabahala. As long as sama sama tayo at na mo monitor natin ang lahat. Magiging ligtas tayo." Sabi ni Mary na parang binibigayan kami ng lakas ng loob para labanan ang kung sino mang tao sa likod ng lahat ng ito.

"Tama si Mary. Iisa lamang ang kalaban. 46 pa tayo. Kayanin natin syang labanan." Matapang na sambit ni Jaime.

"44 nalang tayo. Patay na sila John Lloyd at si Josephina." Malungkot na sabi ni Glaiza. Ang dating masayahin na tao.

Nalulungkot rin ako dahil sa nangyare sa kanila. Pero sana lang. Hindi nila pinapakita ang kung ano mang kalungkutan para hindi nila mahawaan ang iba.

Katahimikan ang namayani matapos nyang sabihin iyon.

Nabawi lamang iyon ng biglang sumigaw si Maja.

"Ahh! Nasaan si Agasa!?" Sigaw nya.

Muling bumalot ang kaba sa dibdib ko.

Hindi ito maaari...

"Si Kyle din! Nawawala din sya!" Sigaw ni Izean sa amin habang nag papanic na ito sa sobrang kaba para sa kaibigan nya.

Marami ng nagsasalita at napupuno na rin ng ingay ang hallway kung saan kami naroroon.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kasi sa totoo. Natatakot na ako para sa buhay ko. Ang gusto ko nalang ay ang makaalis rito at ang makalaya.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon