Chapter 36

554 58 1
                                    

Kinabukasan..

Tahimik..

Nakakabinging tahimik na paligid ang syang sumalubong kay Sam pag gising nya palang mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.

Marami kasi itong nakain pagkauwi palang nila kaninang madaling araw.

Kakamot kamo sa pisngi at pupungas pungas ang mata na pumunta sya sa kusina upang kumuha ng gatas.

Nadatnan nya si Choi na tahimik na naka palumbaba sa lamesa.

tila malalim ang iniisip nito at mukhang naglalakbay na sa ibang dimension ang kanyang utak.

Nagtimpla muna sya ng kanyang gatas at saka lumapit dito pagkaraan ng matapos sya sa pag titimpla.

Agad nyang tinabig ang kamay ni Choi na naka palumbaba dahilan para masubsob ang baba nito sa lamesa.

Inis na tinignan ni Choi si Samantha dahil sa ginawa nito.

Mataman lang namang nakatingin sa kanya si Sam.

"Masama sa umaga ang nagpapalumbaba." Sambit nito sa kanya saka uminom ng gatas.

Inalok nya ng gatas si Choi ngunit tinanggihan nya ito.

Nagtaka si Sam sa ikinikilos nito.

"Malalim yata yang iniisip mo? Mind if you can Share with me." Sabi nito saka sya tinitigan.

Napabuntong hininga si Choi. Hindi nya alam kung paano ipapaintindi kay Sam ang anumang natuklasan nya.

"Sam.." pagtawag nya rito.

"Hmmm??" Tanong ni Sam sa kanya saka muling humigop ng gatas na kanyang timpla.

"Sam..." pagtatawag nitong muli. Tila tinatantya kung sasabihin ang nalalaman o hindi.

"Ano ba?! Kanina ka pa 'Sam' ng 'Sam' ah! Spill it!" Inis na sabi ni Samantha sa kanya. Umagang umaga kasi ay binubwisit sya ni Choi.

"Alam mo bang tatlong araw na kayong tulog?" Tanong nito sa kanya na syang ikinabuga nya ng gatas na nasa kanyang bibig.

Nagkalat ang gatas na syang naibuga nya sa lamesa. Sinamaan lamang sya ng tingin ni Choi.

Nagulat sya dahil sa sinabi nito. Pero hindi maiiwasang biglang nag pop sa isipan nyang baka ginu good time lang sya nito.

"Joke ba yan?" Tanong nito saka tumayo at kumuha ng tissue. "Pwes, hindi magandang Joke, Choi. Panira ka ng umaga." Sabi nito kay Choi habang nagpupunas ng lamesa gamit ang tissue.

"Nauna akong lumabas ng auditorium nung madaling araw na namatay sila Faye at Izean. Nakatulog ako sa sobrang antok doon sa kwarto. Nagising pa nga ako sa katok nila Robert at inaaya akong kumain. Hindi na ako nag alalang bumaba pa dahil hindi naman ako gutom. Kinabukasan ng araw na iyon, nagising ako. Nakakapanibago kasi tahimik yung bahay. Akala ko muling nakikipaglaro si Joker pero hindi. Nakita ko kayong mahimbing na natutulog sa mga kwarto nyo. Akala ko umaga na kayo nakatulog kaya tanghali pa hindi pa kayo nagising pero hindi. Naghintay ako hanggang gabi. Hanggang kahapon ng madaling araw. Tangahali kahapon hanggang gabi. Muli ay kaninang madaling araw saka kayo nagising." Mahaba nitong kwento sa kanya.

Napatulala si Sam. Hindi alam kung ano ang dapat nyang i react. Nabitawan nya ang basong hawak hawak nya sa sobrang panginginig.

Tila nalinawan na rin sya sa lahat ng mga pinagsasasabi ni Choi sa kanya.

"Sa loob rin ng tatlong araw na yun. Ako mismo ang gumagawa ng pagkain. Walang laro. Walang killer. Lahat tulog. Feeling ko mag isa nalang ako. Ni isa sa inyo walang nagising kahit yugyugin ko ng malakas! Anong nangyare sa inyo!?" Naisigaw nito saka nasabunutan ang sarili.

Napa upo si Samantha sa upuan saka mataman na nag isip.

Doon nya napag tagpi tagpi ang lahat.

"Ilang araw na ba tayong nakakulong sa campus na toh? Araw pa ba o buwan na?" Tanong nito na syang ikina kaba ng kanilang sistema.

~¤~¤~

Someone's POV

Prenteng naglalakad ako ngayon. Malaya na nakikisalamuha sa mga tao. Walang nakakakilala sa akin. Habang naglalakad ng tahimik papasok ng isang sikat na mall dito sa Quezon. Agaran akong pumasok sa isang kilalang Chinese Resto na agad namang nilapitan ng isang Servant.

"Mr. Song Reservation." Nakangiti kong matamis na sambit sa babae.

Napangiti naman sya sa magandang pakikitungo ko sa kanya.

"Mr. Song Reservation table.. let me handle to your needs ma'am." Magalang nitong sabi saka na ako inalalayang makapunta sa second floor kung saan sinasabing nandoon ang table kung saan mi reserve para sa amin.

Nang makarating ako roon ay agad akong naupo saka nya naman ibinigay sa akin ang menu folder nila.

"One, Mc' Crèlla Lao Cake." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Agad nya naman iyong itinype sa iPod na gamit para mabilis na makapag serve ang mga chef sa kung ano ang inorder ng kanilang mga special Guests.

"Drinks ma'am?" Tanong nito sa akin.

"Special Lemon Juice." Sabi ko sa kanya na syang i tinap nya naman sa iPod na dala dala nya.

"You're order will be here in a minute ma'am. I'll serve it to you later." Magalang nitong sabi bago bahagyang nag bow sa harapan ko.

Nag bow rin ako bilang pasasalamat sa kanyang ginawang pag aasikaso sa akin.

Hindi naman kasi talaga ako masama...

Sa kanila lang..

Habang tahimik na nagmumuni muni ako sa tahimik at sweet musical songs na ipinapatugtog nila sa Resto na ito ay may lumapit na isang lalaking Servant sa harapan ko kasama ang isang lalaking nasa edad 50's na rin.

Napangiti ako at tumayo saka nag bow sa harapan nya.

Nag bow rin naman sya sa akin saka ako lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Hmmm! I really really miss you, Tanda!"  Masaya kong bigkas sa kanya.

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa saka tinapik tapik ang aking likuran.

Isang mahigpit na yakap pa ay kumalas na rin ako sa kanya.

"Hay! Ang laki na ng pinagbago mo ah! You look great!" Masaya nyang sabi sa akin.

Napangiti ako.

"Of course I do look Great, Tanda. Because, Someday.. alam ko.. nararandaman ko ng ako ang mananalo sa ngayon." Nakangisi kong parang demonyo sa harapan nya.

Muli syang natawa ng mahina sa sinabi ko kasabay nun ay ang pag iiling iling nya.

"You're so rediculous." Nakangisi nitong pahayag.

"Oh, I was born to be Devil! Not just Rediculous. Tsk!"  Sabi ko saka sya nginusuan.

Natawa naman sya.

"Okey, okey. As you've said."

Sambit nya kasabay ng pagpunta ng Servant namin habang may dala dalang pagkaing inorder namin.

Matapos ay sabay naming pinagsaluhan ang pagkain at ang masayang kwentuhan na syang matagal na nung una naming nagawa.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon