CHOICE Love Team♡♡♡
Joyce's POV
Hindi ko malaman kung anong trip nitong Choi na ito at naisipang hawakan ang kamay ko saka na ako hinila sa garden dito sa campus.
Nakangiti pa sya habang naglalakad kami ng magkahawak ang kamay. Ano sya? Pinahawak ko lang naman talaga ang kamay ko dahil sa ayokong maligaw. Tatlong araw palang kami nandito at hindi ko pa masyadong saulo ang bawat daan dito sa campus.
Tahimik akong nagmumuni muni habang sya naman ay hinihila ako papuntang garden.
Ang sabi nya kasi talagang napaka peaceful sa loob ng garden. Lalo na tuwing gabi. Naku! Wag lang biglang umentra ang killer at ako mismo ang papatay sa kanya!
Napangiti ako ng palihim sa kung ano ang naisip ko. Talagang pagkasama ko si Choi. Kakaiba ang dating nya sa akin. Bawat haplos. Bawat hawak. Nakakapagbigay ng libo libong boltahe sa katawan ko.
Talagang kinikilig ako sa tuwing nakatingin sya sa akin. Halos manawan naman ako ng ulirat kung sya ay tititig.
Gustong gusto kong kumanta ng "I think Im Inlove" pero hindi ko magawa. Lalo na pag kasama ko ang Mr. Loverboy ko.
Yeah. Pinangalananan ko sya ng Mr. Loverboy dahil minsan nya ng pinaramdam sa akin kung gaano ako ka imprtante sa kanya.
Palagi nyang binibiro lahat ng gawa nyang effort. Ni hindi man lang nakuhang mag seryoso pero alam kong galing rin sa puso bawat pagbibiro nya.
Ika nga.
Jokes are half meant
Yun ang pinanghahawakan ko kaya ako nahulog sa kanya.
Kaya rin ako patuloy na umaasa na sasaluhin nya ako. Na magkakaroon naman ng 'tayo' sa pagitan naming dalawa.
Natigil ako sa mala imahinasyon kong pag iisip ng maramdaman kong hinila ako ni Choi paupo sa damuhan.
Muntikan pa nga akong mapatili kung hindi kong lang napigilan. G@gong Choi talaga!
Sinamaan ko sya ng tingin at pinagpagan ang sarili ko.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito? Baka hanapin tayo sa hotel." Sabi ko sa kanya habang nagpapagpag ng siko ko.
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.
"Wala yun. Hayaan mo silang sumakit ang mga ulo kakaisip at kahihintay sa Joker na yun. Malamang ay hindi parin sya tapos sa pagpatay kay Vicson." Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya iyon.
Nakangisi ang loko!
Agad ko naman syang binatukan kaya napa himas himas sya roon.
"Sira ulo! Kaklase parin natin si Vicson kung nakakalimutan mo!" Inis kong sabi sa kanya.
Napahimas himas sya ng konti sa uluhan nya bago nya ako hinila palapit sa kanya. Napasandal ako sa balikat nya saka nya ako inakbayan.
Aalis sana ako dahil talagang nagwawala na itong puso ko ng bumulong sya. Sapat na ang ma salitang binigkas nya para makalimutan ko kung ano ang pangalan ko. Damn! Para akong nasa langit!
"Wag ka ng umalis pa sa tabi ko. Dahil kahit anong gawin mo. Hihilahin at hihilahin kita pabalik."
Hindi ko naman makita ang mukha ng loko! Talagang kinakabahan na ang puso ko!
Natahimik kami.. ilang segundo hanggang sa maging minuto. Walang umiimik sa amin. Nakatingin lang kami sa langit na syang akala mo binudburan ng glitters ang kalangitan. Nakakapagbigay ganda at ningning sa mga mata namin ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...