Someone's POV
Nakatingin ako kay Benedict na lakad takbo kung tahakin ang daan. Walang emosyon akong nakatingin sa bawat pag galaw nya.
Bakit ba kasi hindi nya naisip yung mga clues na ibinigay ko sa kanila noong nandoon palang kami sa campus.
Tsk. Napaka slow naman nila sa lahat ng mga nangyayare. Aba! Napaka simple lang ng mga clues and logic ko hindi parin nila alam? Tsss...
Ipinagpag ko ang kamay ko sa laylayan ng damit ko at malumanay na naglakad sa madilim na bahagi.
Kelangan ko ng maisakatuparan ang mga plano ko sa lalong madaling panahon. Nauubusan na ako ng oras.
Sumakay ako sa isang sasakyan.
"Kuya Neil, diretso bahay tayo." Sabi ko sa driver ko.
"Sige po, Ma'am." Pag sang ayon nya sa akin saka na nito pinatakbo ang kanyang sasakyan.
Habang itinatahak ang daan nakatingin lang ako sa bintana.
Iniisip ko ang mga nangyare sa buhay ko. Hindi ko naman yun naiaalis sa isipan ko eh. Hanggang ngayon yun parin ang nasa isip ko. Hindi ko maalis yun sa isip ko dahil hindi ko kaya. At hinding hindi yun mangyayare.
Galit ako.
Galit ako sa buong 9-1.
At higit sa lahat.
Galit ako sa sarili ko.
Napuno at nabalutan ng galit ang puso ko.
Sila ang nagsimula nito. Hindi ako. Kaya wala silang karapatang sisihin ako sa ma pinag gagagawa ko sa kanila. Wala silang karapatan kung pinapatay ko sila.
Bakit? Pinatay na rin naman nila ako ah? Pinatay na nila ako... bumalik lang ako para maningil.
Nagising na lamang ako sa realidad ng magring ang phone ko.
Tiningnan ko ang screen ng phone ko at napabuntong hininga.
Napansin yata iyon ni Kuya Neil kaya agad nya akong tinanong.
"Bakit, Ma'am? May problema kayo? Bakit ayaw nyong sagutin?" Tanong nya sa akin.
"Wala kuya. Wag nyo nalang ako pansinin." Nasabi ko sa kanya kaya agad syang napatango tango at muling ibinalik ang atensyon sa daan.
Natapos na rin ang pag re ring ng caller sa phone ko.
Pero hindi pa man nag la lock ang screen lock ko ay muli syang tumawag sa cellphone ko.
Sinagot ko na rin ang tawag. Baka naman kasi mahalaga.
"Tito?" Sagot ko sa kabilang linya.
[Im here at your house. I have an offer.] Sambit nito sa akin.
Napakunot ang noo ko.
"What kind of offer?" Tanong ko sa kanya.
Benedict's POV
Nakarating ako ng bahay na maraming pulis ang naroroon. Pati yung mga ibang kapitbahay namin nakatingin sa bahay namin.
Nandito palang ako sa labas ng bahay kita ko na ang sliding window kong may mga talsik ng dugo. Parang tumalsik ang dugo roon habang pinapatay ang kung sino mang taong namatay sa kwarto ko.
Tumakbo ako papasok ng bahay at agad namang sumalubong sa akin sila mom na may pag aalala sa mukha.
"Mom. Ano yun? Anong nangyare?" Tanong ko sa kanila.
"Son.." nasabi ni mom sa akin na para bang may sasabihin pero hindi maituloy.
Agad namang sumingit yung pulis.
"Benedict, gusto lang sana naming maka usap ka. Pwede ka bang makipag cooperate sa amin?" Tanong ng hepe ng kapulisan sa akin. Kita ko yun base sa nakalagay sa kaliwang dibdib nya.
Agad naman akong napatango.
"Pero mawalang galang na, Chief. Pwede nyo po bang sabihin sa akin kung ano po ang nangyare?" Tanong ko sa kanila.
Napatingin muna si Chief kela mom at dad bago ito tumingin sa akin at ibinigay ang mga pictures na nakunan nila sa crime scene.
Nang makita ko ang mga iyon ay agad akong napatigalgal. Napanganga pa ako ng bahagya ng makita kung gaano naging ka grabe ang pagkakapatay rito.
Hindi mo na makilala ang mukha nito dahil sa mga tama ng saksak na sa mukha mismo itinarak ng paulit ulit.
Nanginginig na muli akong napatingin sa kanila.
"P-paanong n-nangyare toh s-s-sa kwarto k-ko? S-sino toh?" Nanginginig kong tanong sa kanila habang nakaturo sa litrato ng taong napatay na nakita nga sa kwarto ko.
"Ikaw ang pangunahing suspect dahil sa kwarto mo nangyare ang pagpatay. Kaya kailangan mong makipag usap sa amin nang maipagtanggol ang sarili mo." Sabi ni Chief sa akin.
Tiningnan ko sya.
"Sa tingin nyo ba makakayanan kong makapatay ng ganyan sa kwarto ko!? Wala ako buong maghapon dito! Kahit itanong nyo pa ang mga kaklase ko." Sabi ko at napa upo na lamang sa sofa dito sa salas.
Tumabi naman si mom sa tabi ko at agad akong niyakap.
"Wala akong alam dyan." Nasambit ko sa kanila.
Napatango tango na lamang si Chief.
"Pero diba kasama ka sa 9-1 na nawala ng halos limang buwan?" Nasabi nito sa amin.
Napatango tango ako.
"Hanggang ngayon wala paring update sa iba nyong mga kaklase na hanggang ngayon ay patuloy na nawawala." Nasabi nito na animoy nag iisip.
"Ano po bang ipinupunto nyo?" Inis kong tanong sa kanya
Ngumisi sya.
"Alam mo bang ang napatay lang naman sa kwarto mo. Ay walang iba kundi si Jaimelyn Lozano na syang estudyante ng Anna Villancia---- room 9-1." Sambit nito at ipinakita ang picture ng I.D. nitong nakasabit pa sa leeg nito.
Napahawak na lamang ako sa noo ko dahil sa mga rebelasyong natutuklasan ko ngayon.
"Ni report nyo sa amin noon na napatay nyo ang killer sa loob mismo ng campus. Eh ano ito, bata? Wag nyong sabihin na nasundan nya kayo dito sa labas?" Nakangisi parin nitong sabi saka tinapik ang balikat ko.
Nanatili akong nakatulala. Hindi ko na maisip pa kung ano ang uunahin kong isipin.
Kinakabahan ako dahil sa sinabi ng pulis sa akin..
Posible kayang buhay pa si Reigne nang iwan namin sya?
Napakunot ang noo ko.
Imposible.
Nakita kong pinatay sya ni Arvic. Binaril sya nito sa noo eh.
Pero iisa lamang ang nasa isipan ko.
May isa pa kayang Joker liban kay Reigne?
Matapos nun ay nanlabo na ang paningin ko. Nanghihina na rin ang pandinig ko.
Ang huli ko lamang nakita ay ang nag aalalang mukha ni mom habang tinatawag si dad at ibang pulis para buhatin ako.
And everything went black.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...