A/N: wag pong malilito. Gusto kong mag 3rd person!!!
Still 3rd person's POV
(Update na raw sabi ni Shawy♡__♡ Happy birthday!!! Muah muah! Labyu!!!)
~¤~¤~
Continuation..
Tuluyan na ngang nakapasok sa loob si Izean. Mataman syang nakatingin sa killer habang ang killer ay ngising ngisi na sa kanya. Hindi man nakikita ang mga nakamamatay nitong ngising natatabingan ng maskara nya. Hindi sya nagpaawat. Nagsalita pa ito base sa tunay nitong boses na syang ikinagulat ni Izean.
"Nice.. Izean.. very very nice.." nakangiting nakakaloko nitong bigkas sa kanya.
Gumapang ang takot at kaba kay Izean sa kanyang katawan. Silipin man natin o hindi ang kanyang puso. Makikita nating mabilis na ang pagtibok nito. Para na syang mahihimatay sa sobrang kaba na kanyang nararamdaman.
"I-ikaw?" Nangangatal sa kaba nitong tanong sa kanya.
Napatango tango ng marahan si Joker. Kalaunan ay ibinato sa kanya ang isang kutsilyo. Hindi lang basta kutsilyo. Matalas na kutsilyo.
"Makikipaglaban ka sa akin? O ililigtas mo ang kaibigan mo?" Tanong ni Joker sa kanya habang nakatitig ng mataman si Izean sa kutsilyong nasa tapat lamang ng talampakan nya.
Kinakabahan sya.
Napatingin sya kay Faye. Nagmamakaawa ang mga mata nitong ilabas sya mula sa kinalalagyan nya. Hirap na hirap na itong makahinga sa kakaunting hangin na nakulong sa loob.
Sampung minuto lamang ang itatagal ay mapupuno na ng Carbon Dioxide ang kabuuan ng malaking kahon at mamamatay na ang taong nasa loob nito.
Samantala..
Iba na ang tumatakbo sa isipan ni Izean. Gusto nyang maligtas ang kaibigan ngunit marami ang nangangailangan ng kanyang tulong. Kailangan nyang makalaban ang killer. Alam nyang mahina ito at kayang kaya nyang patayin.
Binigyan na sya nito ng pagkakataon. Ang kailangan na lamang ay ang isa sa kanila ay mag buwis ng buhay at ang isa naman ay tataya para sa buhay ng iba.
Walang takas. Pareho parin silang mamamatay..
Hindi nya inintindi ang anumang sinasabi ng kanyang utak. Kinakabahan sya oo. Pero mas natatakot sya sa kung ano pa ang pwede nyang gawin para lamang sa mga matitirang kaklase nya na pwede nyang maiwan pagkaraan ng ilang minutong nalalabi sa kanyang buhay.
Walang pag aalinlangan nyang kinuha ang matalim na patalim saka tiningnan ang mga blangkong pader na nasa harapan nya. Pinaniniwalaang one way mirror ang glass plastic na syang naghihiwalay sa kanyang mga kaklase at sa kanilang tatlo.
Kinalampag na lamang ng kinalampag ni Faye ang salamin habang umiiyak.
nagsimula na rin ang timer na syang magiging limitation ng kanilang laro.
Matapos ng sampung minuto makikita kung sino ang panalo.
Sa kabilang banda..
Tahimik na nanonood si Benedict sa pinaka taas ng auditorium. Tila sya ay nag iisip sa bawat galaw ni Joker.
Naguluhanan rin sya na imbis hanapin at pindutin ni Izean ang button na inilagay ng killer sa mga pako ay kinuha nito ang patalim saka itinapat sa killer.
Mukhang napaglaruan pa sya..
Napailing na lamang sya saka pinaglaruan ang laylayan ng kanyang polong uniform. Kinakabahan sya sa mga nangyayare pero wala syang magagawa. Kung sa bagay. kapag katapat mo naman na talaga ang killer eh ma ba blanko ang isipan.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...