Chapter 1

3.3K 158 14
                                    

John Benedict's POV

"Ma! Pa! Alis na ako!" Pasigaw na pagpapaalam ko sa kanila dahil nasa main door na ako ng bahay namin.

"Alright anak, mag iingat ka!" Sigaw pabalik ni mom dahil nasa kusina sya.

Alam nya kasing ayaw kong ma late dahil first day ko ngayon. And yes! I'm grade 9 student na!

Naglakad ako palabas ng bahay saka sinulyapan ang oras sa relo ko.

Luh? 6:30 palang? May 1 hour pa para magsimula ang flag ceremony. Makapag lakad na nga lang papasok.

Well.. hindi naman ganun kalayo ang University namin sa subdivision kung saan kami nakatira.

So habang nag lalakad ako lulubos lubusin ko na ang pagkakataon.

Hi! Im John Benedict Segundo. My friends call me Ben. Hindi ko malaman kung bakit nahihirapan sila sa pagtawag sa akin ng Benedict dahil ang totoo nyan. Meron naman 'John' nag imbento pa.

Marami naman akong kaibigan sa school. Hindi rin naman ako na a out of place kapag nag uusap usap. May sense of humor naman akong kausap. Pero alam nyo yun? Wala man lang natatawa sa joke ko bagkus sa tawa ko sila natatawa. Mga baliw rin eh.

May trabaho ang mga magulang ko at nakaka angat naman kami sa buhay kaya nila ako napag aral sa isang private school.

Nagising na lamang ako sa mundong ibabaw ng may biglaang umakbay sa akin. Halatadong hindi kami mag ka height kaya bahagya akong napa yuko.

"Yow! Wazzup, Ben!?" Si Khent pala ito. Ngiting ngiti pa sya habang nakatingin sa akin.

Sya si Khentlee Bello. Magaling syang mag gitara. Napakinggan na rin namin ang boses nya. Boses palaka kung hindi sineseryoso at maganda naman ang tinig kung seryoso sya. Yun nga lang. Tuwing may pinag dadaanan lang sya nagseseryoso sa pagkanta. Kapag maganda ang boses nyan. Halatang may problema.

"Yes! Matapos ang summer break nagka kitaan nanaman tayo!" Masayang sabi ni John Lloyd.

Yan naman si John Lloyd Abanador. Isang basket ball player na mahilig sa center court. Mahangin din ang isang toh kaya minsan muntikan ko ng nasasapak pinipigilan ko lang.

"Yahh! Simula nanaman ang panibagong taon! Malayo nanaman ang summer!" Yamot na sabi ni Arvic na animo'y ayaw pa talagang pumasok.

Arvic Sales ang pangalan ng sira ulong toh. Sya ang pinaka payatot sa grupo namin na akala ko makakalas ang mga buto sa pagtakbo. Hindi sya gwapo. Cute lang XD

Tinawanan na lamang namin sya habang patuloy parin sa paglalakad papasok ng gate ng University namin.

Agaran na bumungad sa amin ang malawak na paaralan na ito. Halatang maraming buwan at pera ang iginugol para lamang mapatayo ang University na ito.

High School, Senior High, at College ang nandito. Maraming High School student kaya talagang nasakop halos kalahati ng University ng High Building.

"Nakakamiss rin palang pumasok!" Nasambit ko na lamang at muli nanaman kaming naglakad papunta ng bulletin board. Doon kasi naka paskil ang pangalan mo at kung anong section ka.

Marami na ring tao ang naroroon kaya nakioag siksikan kami.

Nang makapunta kami sa harapan ay agaran naming hinanap ang mga pangalan namin.

"Yow! Magkakaklase tayo!" Masayang sabi ng tatlo kong mga kaibigan.

Masaya naman ako eh. Ang kaso may napansin lang akong kakaiba.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon