S.2 - 12

421 44 1
                                    

Someone's POV

Kasalukuyan akong nagtutupi ng damit ko at isinisilid iyon sa aking maleta. Ngayon ang araw ng alis ko papuntang Korea.

Alam nyo ba kung bakit?

Dahil lang sa agreement na nangyare sa aming dalawa ni lolo. Gusto nya akong pumunta ng Korea dahil sa masyado na raw akong maraming nilabag.

Anong klaseng paglabag?

Pinatay ko si Jaime. Oo. Ako nga ang pumatay kay Jaime.

Nilabag ko ang kasunduan namin ni lolo na huwag papatay ng tao sa ibang bahay. Hindi raw namin pag aari ang lugar na iyon. Paano daw kung nahuli ako sa aktong pinapatay si Jaime sa kwarto ni Ben?

Eh sa trip kong doon sya patayin eh.

Kaya matapos ang mahaba habang dakdakan namin ni tito. Sa huli. Napapayag nya rin akong pumunta ng Korea.

Naisip ko. Paano na yung mga maiiwan ko rito? Paano ko na sila mapapatay? Paano na ako makakapaghiganti kung ganito?

Paano ko na sila mapag babayaran kung ganitong nasa Korea ako?

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip. Naiinis ako sa totoo lang. Ayokong umalis. Pero ayoko rin namang subukan si tito. Alam ko ang mga kaya nyang gawin. Pwede nyang ipapatay nalang ang buong 9-1 para sa ikatatahimik ko pero ayoko. Gusto ko ako ang papatay sa kanila. Hangga't maaari gusto ako ako lang.

*calling*

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Hayst! Bad timing ka nga naman oo!

Palagi ka nalang tumatawag kung saan wala ako sa mood!

"What?" Bored tone kong tanong sa kanya.

[Nabalitaan kong aalis ka na raw?] Hindi ko man kita. Alam kong nakangisi sya ngayon. Alam kong nagugustuhan nyang umaayon sa kanya ang tadhana.

"Tsk!" Nasambit ko na lamang da kabilang linya na syang ikinatawa nya.

[So ano ng plano?] Ayon sa boses nya mukhang nang iinis pa sya huh?

Eh kung hambalusin ko kaya ang mukha nito!?

"Walang plano." Nasabi ko sa kanya.

Narinig ko nanaman ang mga tawa nya. Nakakainis!

[Hay.. Joker. Joker. Joker.. nandito naman ako to kill them eh. Sabihin mo lang. Wag ka ng mahiyang humingi ng tulong sakin.] Talaga bang nang iinis sya? Hayst!

"What the hell are you talking about? Hinding hindi mangyayare yun noh." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko na sya pinagsalita pa at agad ko ng pinatay ang tawag.

Matapos nun ay napatingin ako sa picture frame na nakatabi sa lamp table ko sa gilid ng kama ko.

Kinuha ko yun saka pinag masdan. Hinawak hawakan ko pa ang salamin nito kung saan naroroon ang mga nakangiti nilang mukha.

Isang luha ang syang pumatak sa aking mga mata na syang agad ko namang pinunasan. Sawa na akong umiyak. Ayoko ng umiyak pa.

Huminga ako ng malalim saka tumayo. Agad kong isinarado ang maleta ko at hinila ito palabas ng kwarto ko.

Sa hagdanan pababa doon naghihintay si Kuya Neil na agad rin namang kinuha ang bagahe ko sakin. Naglakad na sya pababa at agad na rin naman akong sumunod.

Doon sa baba nakita kong naghihintay si Tito.

Yumakap ako sa kanya at agad nya rin naman akong niyakap pabalik.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon