S.2 - 24 (Flashback)

380 29 0
                                    

Grade 5

Wag ng masyadong patagalin pa.

Namuo ang galit sa puso ni Ashley. Halos araw araw kasi naiinggit sya sa kakambal. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na hindi lamang iyon basta basta inggit. Kundi mas malala pa doon.

Insecurity.

Na iinsicure sya sa kakambal dahil pinatunayan lamang nito sa kanya na 'mas' sya sa lahat.

Palagi na lamang silang pinag kukumpara.

Higit na mas maganda si Ahliya kesa kay Ashley.

Oo, nga. Puti pa lamang ng kutis eh. Lamang na lamang na.

Maganda daw ang boses ni Ahliya?

Aba'y sample naman dyan!

Alam mo na, mana sa tatay.

Hoy! Baka kamo, mana sa nanay!

Mas nadagdagan ang kanyang pagka selos kay Ahliya.

Higit na mas napapansin na ito ngayon. Kesa, dati.

Marami na rin syang laruan ang nabalibag at nasayang kakasaksak ng gunting sa katawan nito.

Minsan pa nga nyang kinuha ng palihim ang manikang iniuwi ng kanilang tatay galing Saudi.

Kinuha nya iyon saka tinorture.

Saan ka pa? Alam mo na talaga ang magiging future neto paglaki.

Pero ang mas ikinagalit ni Ashley ay ang dalawa silang mag top sa klase!

And take note! Magkaparehas sila ng magkaparehas ng grades!

Tuwang tuwa ang kanyang kakambal dahil sa nag tie silang dalawa.

Ang katalinuhan na lamang ang tangi nyang alas. Hindi nya hahayaang mawala pa ito sa kanya. Hindi nya hahayaang maagaw pa ni Ahliya. Sa kanya lamang iyon!

Basta pagdating sa katalinuhan!

Sya ang reyna! Sya ang pinaka matalino sa kanilang dalawa! Sya ang 'pinaka' at 'mas' kapag pinag kukumpara sila.

Pero, dumating parin sa puntong nangyare ang lahat ng ikinatatakot nya.

Nakakatawa.

Dahil ang huling alas nya. Nakuha rin ni Ahliya...

Sobra syang na dissapoint sa sarili. Dahil ni hindi nya nahigitan ang kakambal. Ni hindi nya man lang napanatili ang pagiging top 1 nya sa klase.

Pati sa patalinuhan si Ahliya parin ang nagwagi.

At nang dahil doon.

Mas lalo pa syang nagalit sa kakambal. Sobrang galit na ang kanyang naramdaman. Galit na galit sya rito. Nang gigigil sya dahil sa ginawa nito.

Bakit ba palagi syang nagpapapansin!?

"Arghhhhhh!!!!" Naisigaw nya na lamang saka naikalat ang mga librong nasa kanyang study table.

Walang nagawa ang pag aaral dahil si Ahliya parin ang panalo.

Napa higpit na lamang ang kanyang pagkakahawak sa kanilang picture frame. Noong mga bata pa sila. Kung saan yung mga panahong close na close pa nila ang isat isa.

Nang gigigil syang itinapon iyon sa walk in closet nya.

Nakarinig sya ng pagkabasag nito saka sya napahiga sa kama. Inis nyang tinanggal ang mga medalya sa kanyang leeg saka ito tinapon kung saan.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon