S.2 - 37

370 22 0
                                    

Tumayo si Charles Agasa sa kanyang kinauupuan. Maya maya ay pumunta sya sa kinauupuan ni Samantha. Saka nya inialay ang kanyang kamay sa dalaga. Parang nag aaya ng isang sayaw.

Kanya kanyang kantyawan naman ang naging gawain ng iba. Ngayon lang kasi naging ganito si Charles Agasa.

Hindi naman na nagpakipot pa si Samantha at tinanggap na rin ang kamay ni Agasa. Mas okey ng tanggapin nya ang inaalok ng binata kesa ang makipag sayaw kay Allen. Alam nyang nangako sya kay Benedict na hindi makikioagsayaw ninoman. Pero anong magagawa nya? Kelangan nya ring makipagsayaw ngayong gabi para mabawas bawasan ang pag ka bored nya sa party.

Ayaw nyang makipagsayaw kay Allen. May kakaiba kasi sa ugali nito na hindi nya gusto o natatatakot syang talaga.

Ang mga tingin nito. May mga laman. Parang may kung anong tumatakbo sa isipan ni Allen na hindi nya malaman kung ano. Alam nyang kaibigan nya ang binata pero hindi na kasi sila yung dating close na close. Para sa kanya. Simula ng mangyareng pumasok sila ng campus noon. Nagbago na ang lahat kay Allen. Parang palagi na lamang itong may iniisip na masamang balak dahil sa mga tingin na rin nito at mga galaw.

Naglakad sila Agasa at Samantha sa gitna ng Dance floor. Maya maya ay nagsimula na silang igalaw ang kanilang mga katawan. Nagsimula na silang magsayaw ng mga sweet and slow dance na sinasabayan ng mga love songs.

Tahimik lamang silang nag sasayaw.

Ngunit, ang katahimikang iyon ay binasag ni Agasa ng ito'y maunang magsalita.

"Sam, may sasabihin ako sayo. Importanteng importante." Halos pabulong na lamang na sabi ni Agasa sa dalaga.

Kumunot ang noo ni Sam.

"Ano naman iyon?" Tanong nya sa binata.

"Hindi pa patay si Joker." Nasabi nito na syang ikinatigil ni Samantha. Para syang nabingi ng sabihin iyon ni Agasa.

"Hindi ka naman siguro seryoso?" Alanganin nitong tanong sa binata ngunit ang seryosong mukha lamang nito ang syang sumagot sa kanya.

"Kung gusto mong malaman kung paano ko nasabi. Kelangan nating mag usap privately. I need you to come with me bago ako mamatay ngayon." Nasabi nito na syang ikinabigla ni Samantha.

"What!? Are you crazy!? Walang mamamatay!" Matigas na sabi ni Sam na kung hindi sinenyasan ni Agasa ay malamang naisigaw na nito ang gustong sabihin.

"Its true. I can sense it. Dadating na sya. Si Joker. Yung totoong Joker." Nasabi ni Agasa bago sya nito iwan sa gitna ng dance floor at naglakad palabas ng fire exit.

Wala sa loob na sumunod si Samantha. Shock na shock sya sa mga pang yayareng ito! Hindi sya makapaniwala!

Sumibol ang takot sa kanyang dibdib. Umakyat ang kaba sa kanyang buong katawan, nagpapatayo sa kanyang mga balahibo.

Kinakabahan sya sa maaaring kahihinatnan ng pag uusap nila ni Agasa.

Nakarating si Sam ng Fire exit. Nakita nyang bumababa si Agasa sa hagdanan papunta sa pinaka baba.

Sinundan nya lamang ang binata hanggang sa makalabas na sila sa parking lot ng school.

Sumakay si Agasa sa isang sasakyan. May nakasakay na driver nito sa driver's seat. Pinagbuksan sya ni Agasa ng pintuan ng kotse kaya naman sumakay na rin sya sa tabi nito.

"Kuya, sa Park tayo." Utos nito sa driver na syang agad rin namang sinang ayunan ng driver at agad na pinatakbo ang sasakyan palabas ng University.

Sa kabilang dako.

Halos mataranta si Allen ng maramdaman nyang muli ang panginginig ng kanyang kalamnan. Nang gigigil sya!

"Alam ko! Ikaw ang pumatay kay Ahliya at hindi sya nagpakamatay lang! Hindi ganung bata si Ahliya at alam ko yun! Dahil sayo nagdusa si Ashley! Dahil sayo kaya sya itinakwil ng kanyang mga magulang! Nang dahil sa ginawa mo kaya napilitan si Ashley mag higanti sa buong klase nyo! Napaka sama mo! Hayop!" Halos mawalan na ng hininga si Yaya Fe ng ibulyaw nya ito kay Allen na syang nakatayo lamang sa isang gilid at naka tungkod ang mga kamay sa isang stall dito sa kitchen.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon