S.2 - 4

543 51 1
                                    

Benedict's POV

Naririto kami ngayon sa canteen. Ewan ko ba kung bakit simula ng makalabas kami roon sa campus eh naging mas open kami sa isa't isa. Naging mas close kaming lahat.

Wala paring pinag bago. Kami kami parin ang magkakasama. Mabuti nga at nakaranas rin kami ng kapayapaan sa buhay namin magmula ng matapos ang laro.

Papasok palang ako ng canteen. Kanina pa sila nandoon dahil may ginawa pa ako sa classroom. May nakalimutan kasi akong gawing assignment. Kelangan matapos ko yun dahil kasunod na yun na subject. Hindi naman sya masyadong mahirap para mangopya pa ako sa iba. Kayang kaya na yun ng utak ko.

Pagpasok ko palang may kung sino ng yumakap sa braso ko. Napatingin ako rito saka napailing iling habang nakangiti.

"Hanggang ngayon umaasa ka parin?" Nakangisi kong biro na tanong sa kanya.

Kita ko ang pag nguso nya saka ko naramdaman ang malakas nyang pagbatok sa ulo ko.

"Bobo! Di tayo talo!" Sigaw nya sa akin saka ako inirapan. Nag flip pa ito ng imaginary hair bago muling yumakap ng parang tarsier sa braso ko.

"Eh ano yang mga payakap yakap na yan?" Tanong ko sa kanya habang patuloy lamang sa pag himas ng ulo kong naalog yata dahil sa malakas nyang pag batok.

"Ahm... Ben, lahat kasi ng mga kaklase natin eh pupunta sa booth na pinag hirapan ng SSG para mamaya sa Horror Special Activities. Gusto ko sanang personal na imbitahan ka para makapunta sa booth namin. Sige na Ben.." pagpupumilit nya sa akin.

Makakawala pa ba ako sa kanya?

"Teka.. kasama ba sya??" Tanong ko sa kanya. Kahit hindi ko man sabihin ang pangalan alam na nya ang nasa isip ko.

"Hmp! Natural nandoon yun! SSG officers yun eh!" Nakakunot ang noo nyang sabi.. "So ano nga? Payag ka na?" Nakangiti nitong paanyaya.

Hay.. ano pa nga ba?

"Tsk... oo na oo na sige pupunta na ako." Sabi ko sa kanya kaya nagpapapalakpak sya sa tuwa.

"Yey! Yan sinabi mo na ah! Sinabi mo na! Wala ng bawian, Ben!" Sabi nito sa akin.

"Oo na, Vice President Olaes." Tatawa tawa kong sambit sa kanya.

"Yey!" Parang bata nyang sabi saka napatingin sa kabilang gilid nya.

Napatingin rin ako doon.

"Uy! Allen! Mamaya ah! Yung booth. Pumunta ka! Isa ka pa man din sa mga officers." Sabi ni Sherwin sa kanya.

Napatango tango naman ito.

"Of course pupunta ako noh" sabi nito saka na nagpatiuna sa aming paglalakad.

Hmmm... ano nanaman bang nakain ni Allen at parang may sarili nanamang mundo? Alien ba sya?

Napabuntong hininga nalang si Sherwin habang nakapila kami sa Junk food section.

"Oh. Problemado ka? Mamaya ka pa mag ko costume ng pang tyanak. Mamaya ka na ma mroblema." May halong pambibiro ko sa kanya.

Sinamaan nya lang naman ako ng tingin at napatingin sa mga kaklase naming nasa isang mahabang mesa sa gitna ng canteen.

"Hanggang ngayon peke parin tayo." Makahulugan nitong sabi sa akin.

Napakunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang sa mga kaklase naming nagbibiruan at muling nagtatawanan habang kumakain sa lamesa namin.

"Yung feeling na pinipilit na maging masaya at makisabay sa biruan ng iba. Pero wala eh. Pagbali baliktarin mo man ang mundo. Plastik talaga tayo. Once a plastic. Always a plastic." Seryoso nitong sambit bago na sinabi ang order nya sa ateng tindera ng canteen.

Nalukot ang mukha ko. Tama nga si Sherwin. Mukhang naka move on na nga kami ngayon. Pero hanggang ngayon hindi parin nakaka recover.

Plastic nga kung tawagin.

Napabuntong hininga na lamang ako saka tumingin sa harapan.

"Pero mas mainam ng maging plastic sa harap ng lahat. Kesa balik balikan yunh eksenang matagal ng dapat na nawala sa atin. Bangungot yun hindi panaginip." Malungkot kong sabi kay Sherwin bago ito umalis at lumampas sa kinatatayuan ko.

Nakita ko ang pagtigil nya sa paglalakad. Tila natamaan sya sa sinabi ko.

Ganun naman dapat eh. Kelangang magmukha kang okey para sa kapakanan ng iba.

Eh sila?----

Never mind.

Someone's POV

"What is the square root of ---- blah blah blah blah" inaantok ako sa tutor na hinire ni tito para lang turuan ako. So boring nya magturo.

Mas nakakaantok pa ang boses nya kesa sa mga lullaby music ko sa cellphone ko kapag nagpapaantok ako. Tsk!

Ilang oras na rin syang nagsasalita eh wala na rin naman akong pake sa mga pinag aaralan namin. Tutal sa sobrang boring ko sa bahay binasa ko na yung librong binabasa at pinag aaralan palang namin ngayon. Nasagutan ko na rin yung pasasagutan nya sakin ngayon. Tssss... ano ba yan?

Napahikab ako ng wala sa oras. Nakita kong napahinto sya sa ginagawa nya bago inis na ibinigay sa akin ang makapal na libro saka itinuro ang sasagutan kong seatwork.

Tamad na tamad akong tumayo mula roon saka pinuntahan ang study table ko.

Kinuha ko ang papel ko saka hinanap ang page 73 kung saan nandoon ang pinapasagutan nya. Saka ko binigay sa kanya yun at dire diretsong lumabas ng library.

Dont waste time for such things.

Hindi lang 'such things' ang pag aaral sa akin. Kayamanan nga kung maituturing iyon. Pero pwede ba? Dapat yung tutor na mag tuturo sa akin yung may ka sigla sigla naman sa pagtuturo. Home schooling na nga lang eh! Ang boring boring pa!

Yabang ko ba? Edi sorry!

Napatingin ako sa malaking wall clock ng bahay na nakasabit sa taas ng maindoor. Nakasanayan ko ng ilagay ang wall clock ng bahay sa taas ng main door. Gusto ko kasing palagi akong nakakakita ng orasan.

Sa mga lugar na palagi kong napupuntahan. Palaging may wall clock na nakasabit. At hangga't maari palagi akong may suot suot na relo.

Time is gold

Yan ang motto ko magmula pagkabata. Ayoko ng may nasasayang na oras. Kelangan hangga't maari palaging kinokolekta ang bawat patak ng segundo. Pero imposible ng mangyare yun.

Once is enough.

Kapag nangyare na nangyare na. Wala ng second chance.

Hindi ko maiwasang magbaha sa aking isipan ang mga nagdaang pang yayare sa buhay ko.

Na pinabayaan kong masayang ang oras ko sa mga walang kabuluhan na bagay. At pinabayaan ko yung mga taong sana... sana ay mga kasama ko nung mga oras na yun.

Hindi ko naiwasan ang pagpatak ng luha ko. Hanggang sa ang mga bubutil na patak ng luha ay nagmistulang water falls sa sobrang sakit.

Napasinghap ako at napatingin sa labas ng bintana ko.

Muling pumapatak ang ulan. Tila nakikisabay sa pagdadalamhati ko dahil sa nagdaan.

Kilala ako sa pagiging matapang sa kwentong ito.

Pero..

Minsan ba nasagi sa isipan nyo kung bakit ko ito nagawa?

Na meron akong rason para pumatay?

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon