Chapter 8

782 95 0
                                    

2:34:07 am

Halos mulat na mulat parin ang mga mata ko ngayon. Ikaw ba naman makatulog pa ng mahimbing ngayon? Eh baka pag gising mo kaharap mo na si Lord.

Kinilabutan naman ako sa sinabi ko.

Duhh.. sinong gugustuhing makita agad si Lord? Ni wala pa nga akong nagiging anak?

Napatingin ako kay Joyce na mukhang nangawit na sa kinalalgyan natin.

"Joyce.. gising ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako makatulog. Nag aalala ako sa mga kaibigan ko " halata nga sa boses nyang kinakabahan na rin sya sa mga kaibigan nya.

"Wag kang mag alala. Baka naman nakatago sila ng mabuti." Pagpapanatag ko ng loob nya.

Hindi sya sumagot sa akin pero ramdam ko ang pag galaw ng panga nya. Senyales na muli ko syang napangiti.

Points pa Choi!

Natahimik kami saglit. Puputulin ko na sana ang katahimikang yun ng bigla kaming makarinig ng malakas na hiyaw sa labas lamang ng building na ito.

Nakiramdam ako sa paligid.

Narinig ko ang pagtakbo ng isang babae dahil sa medyo takong na tunog ng sapatos nya.

"Wahhh! Ahhh!!! Tulong! Tulong!" Sigaw ng kung sino man.

Napasinghap si Joyce.

Gusto nya na sanang lumabas ng hawakan ko sya pabalik at takpan ang bibig nya.

"Wag kang maingay." Sabi ko sa kanya.

Nabasa na ang kamay kong nakatakip sa kanya. Malamang ay nakilala nya ang boses ng tumatakbo.

"Si Lyeichelle yun." Mahina nyang bulong habang umiiyak ng tahimik.

Hinimas ko ang likuran nya.

"Ipagdasal nalang nating makaligtas si Ly." Sabi ko sa kanya.

Muli nya lamang akong tinanguan.

Maya maya ay nawala na ang mga yabag matapos ang malakas na pagsigaw ni Lyeichelle.

Kinakabahan na ako sa mga mangyayare pero pinanatili ko ang katatagan sa sarili ko na hindi nya kami mahuhuli dito----

*Blag!*

Tila bumagsak ang puso ko sa padabog na pagbukas ng pintuan ng Library.

Nagkatinginan kami ni Joyce.

"Choi.. mukhang alam nya ng may tao dito." Umiiyak nyang sabi sa akin.

Nanginginig na rin ako sa takot pero nagpakatatag lang ako saka muling hinawakan ang kamay nya.

Rinig na rinig ko na ang mga yapak nya. Isasa ulo ko nalang na mas mabilis akong tumakbo kesa sa kanya.

Walang sabi sabi akong hinila palabas si Joyce saka kami tumakbo palayo sa mga yabag  unti unting bumibilis at lalakas.

Siguro di naman sya tanga para di malamang tumatakbo na kami right? Kaya ang ending. Sinundan nya rin ang bawat yabag namin.

Ang nasa isip ko lang nun ay ang maitakas at maitago muli sa ligtas na lugar si Joyce.

Napalunok na lamang ako ng makita ko na ang mala Black Riding Hood nyang kapa na halos nililipad na sa sobrang bilis nya tumakbo.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa makalabas kami ng building at makatakbo papunta sa malawak na campus.

Malayo pa sa amin ang mga building dahil nasa kalagitnaan kami.

Hindi naman ako pwedeng tumigil para makapag isip dahil hinahabol kami ni kamatayan.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon