S.2 - 8

424 45 2
                                    

Benedict's POV

Naka simangot parin ako habang naglalakad. Dala dala ang malaking tabacco'ng magsi simbolong ako ay isang kapre. Naman! Pambihira. Bakit ba kasi sa dinami rami ng lalaki sa 9-1 ako pa ang naging kapre? Bakit di nalang naging si Ahrjay? Alam kong mas bagay sa akin ang maging buhay na bangkay kesa sa maging kapre. Mas matangkad kaya sya sakin!

Maya maya ay naupo na kami rito sa isa sa mga lamesang mahahaba dito sa canteen. Agad namang tumayo sila Ahrajay, Charles Agasa, at Sherwin na nagsabing manlilibre daw sila dahil naging succesful ang first ever horror house na ginawa ng SSG.

Dapat lang talaga na ilibre nila kami para naman may ipang bayad sila sa amin. May bayad ang bawat oras ko noh.

Nasa kaliwa ko si Sam habang may kung ano syang tinitipa sa screen ng cellphone  nya. Hmmm... may ka text?

Gusto ko sanang silipin pero syempre bawal naman yung ganun. Mawawalan ako ng respect sa privacy life nya.

Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako saka tinanggal ang wig na suot suot ko. Medyo mahaba na may pagka kulot ang buhok na wig na toh. Parang sa Kapre lang talaga.

Tinanggal ko ang costume ko saka iyon nilagay sa isang tabi. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid saka tiningnan kung may nag message.

Hmmmm... si mom? Bakit naman kaya sya tumawag at marami na ring messages? Ano kayang nangyare?

Nakakunot pa ang noo ko habanh dinadial ang number ni mom sa cellphone ko.

Saka ko iyon tinapat sa tenga ko at pinakinggan ang ring.

Agad naman yung sinagot ni mom.

"Mom, bakit kayo tumatawag saka nag te text? Anong nangyare?" Alala kong tanong sa kanya.

[A-anak..] ramdam ko ang panginginig ng boses ni mom sa kabilang linya. Mas lalo lamang nitong napagtibay na ang hinala kong may nangyare nga talagang masama.

"Mom.. bakit? Anong nangyare?" Kinakabahan kong sabi. Kita kong napatingin na rin sa gawi ko sila Sam at Arvic. Mukhang narinig na rin nila ang boses ko.

[Anak.. ikaw ba ang may gawa ng sulat sa kwarto mo?] Rinig ko ang boses ni dad sa linya. Mukhang kinuha nya ang cellphone ni mom.

"Ha? Dad, nasa school ako buong maghapon. Tanghali lang ako nauwi dyan." Sabi ko sa kanila.

Nakakaramdam na ako ng kaba ng mga oras na yun. Parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang kaba nun.

[WHAT THE HELL ARE YOU SAYING, BENEDICT! May patay sa kwarto mo!] Sigaw ni dad sa akin.

Napatayo ako ng wala sa oras ng isigaw iyon sa akin ni dad. Nakaramdam ako ng takot. Bakit naman nagkaroon ng patay sa kwarto ko!? F^cking serious?!

"Dad! Wag naman kayong magbiro ng ganyan." Nangangatog na sabi ko sa kabilang linya.

[Anong akala mo? Nagbibiro ako? Kilala mo ako, Benedict. Hindi ko ginagawang biro ang buhay ng tao. Maraming pulis ngayon sa bahay. Umuwi ka na at kelangan ka nilang makausap.] Sabi ni dad.

"Pero, Dad---- *toot* *toot*" napakagat ako ng labi ko dahil sa narinig.

"Anong nangyare, Ben?" Tanong sa akin nila Anthony.

Muli akong naupo saka sila tiningnan isa isa.

"Sinong wala sa atin?" Tanong ko sa kanila.

Nagtinginan naman sila sa lahat saka binilang kami.

"Sila.. Christine, si Jaimelyn, wala rin si Robert at Allen." Sabi ni Rei.

"Si Allen forgiven na yun. nag text sa aking umuwi muna sya ng bahay nila at kelangan sya ng mama nya. Saka late na rin daw kasi masyado." Sabi ni Mika sa amin.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon