Ahrjay's POV
Kasalukuyan kami ngayong nasa bahay ni Elizabeth. Sya ang may pinaka malapit na bahay sa school. Ayaw naming magtagal pa roon dahil ayaw naming masaksihan ang kung paano kami titigan ng mga estudyante dahil lang sa may nakitang patay sa horror house.
Ayaw na rin kasi naming makipag usap pa sa mga kapulisan. Mga mababagal rin kasi sila kumilos.
Tingnan mo.
Kung saan doon na nagkaroon ng engkwentruhan. Doon sila pupunta. Eh nasaan sila nung mga panahong nangangailangan palang? Gusto lang rin kasing sumikat kaya ganyan eh. Ang hinihintay nila is kung may nasakatan or worst may namatay na sa insidente.
Naka higa na ngayon si Elizabeth dahil pinainom muna sya ng mama nya ng pampakalma. Magaling nga palang doktor ang mama nya kaya alam nito kung paano patatahanin si Elizabeth.
Natutulog na sya ngayon habang kami ay nandito sa mini sala ni Elizabeth sa loob ng kwarto nya.
Mga mulat na mulat ang mga mata at tila wala sa mood na matulog dahil sa mga pangyayare.
Ikaw kayang makakita ng patay sa horror house. And worst kaklase mo pa!
Ano bang nangyayare? Bakit nangyayare nanamang ito!?
Naupo ako sa isa sa mga sofa doon at napa hawak na lamang sa aking noo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung ano ang iisipin ko.
Ayaw man isipin ng isipan ko. Pero...
Parang buhay pa nga si Joker.
Pero..
Si Reigne pa na ba iyon? O may panibago nanaman?
Maya maya ay narinig ko ang malakas na pagbubuntong hininga ni Arvic. Alam ko sa lahat sa amin. Sya ang pinaka naapektuhan.
Sya ang pumatay kay Reigne. Paano kung hindi naman pala si Reigne ang totoong may gawa ng mga patayan sa Campus? Paano kung may iba pang Joker aside kay Reigne ang syang nakatakas sa Campus.
Biglang nagbalik sa aking isipan ang naging pagsabog sa campus noong mga nasa loob na kami ng tunnel.
Doon pa nga namatay sila Charles Mendoza at si Dexter.
Napabuntong hininga na lamang akong muli.
"Naaalala nyo ba noong nasa tunnel na tayo?" Tanong ni Sam sa amin habang nakatulala ito sa labas ng terrace ni Elizabeth.
Nakuha nya naman ang atensyon naming lahat.
"May nagpasabog nun sa loob ng Campus. Pinasadyang pasabugin iyon para wala ng makita pang ebidensya sa lugar na yun para magkaroon pa ng panlaban sa totong salarin." Nasabi nya pa.
Tahimik parin ang pumapagitna sa aming lahat.
"Pero naisip ba nating baka nga ginamit lang rin ng totoong Joker si Reigne para paghinalaan natin sya at makatakas pa ang totoong Joker?" Nasabi pa nito saka tiningnan kami isa isa.
"Alam mo naisip ko na rin yan." Panimula ni Mary saa nagkunot ito ng noo. "Pero malabong makatakas pa sya ng lagay na yun kung sya mismo ang nagpasabog ng bomba. Ang sabi nga ni Jasper. Yung tunnel lang na dinaanan natin ang tanging daanan para makalabas ng campus." Dugtong pa ni Mary.
"Shortcut." Nabigkas ni Glaiza habang nakayuko. "Malamang marami itong alam sa campus. Marami syang alam na pasikit sikot. Malamamg marami rin syang shortcuts palabas at papasok ng campus." Dugtong pa nito.
Napatango tango kaming lahat.
"Hanggang ngayon hindi ko parin malaman kung anong gustong ipahiwatig ng killer. Parang may patterns kung bakit nya iyon ginagawa eh. Hindi lang iyon basta bastang pagpatay." Nasabi ni Mikaella sa amin.
Doon kami mas lalong natahimik. Binigyan nya kami ng malaking malaking katanungan sa aming isipan.
Patterns?
Logic?
Clues?
I dont think so. Sasakit lang ang ulo ko sa kaiisip baka naman trip lang talaga ng psycho na killer na yun ang paglaruan ang buhay namin.
Pero isang katanungan ang syang nabuo sa aking isipan.
Bakit 9-1 lang?
Benedict's POV
"Anak.." unang bungad na boses ang syang narinig ko pagmulat palang ng mga mata ko.
Nanlalabo pa ang mga mata ko hanggang sa nakita ko na si mom na nasa gilid ko lang pala.
Base sa kinalalagyan ko nasa hospital ako ngayon. Ano bang nangyare?
"Nag stressed out ka anak kaya ka nahimatay kagabi." Alalang sabi ni mom sa akin. Napatingin ako sa kanya saka ko sinubukang maupo sa kama. Agad naman akong tinulungan ni mom na makaupo sa kama.
"Mom, anong nangyare?" Tanong ko sa kanya.
kita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata ni mom kaya minabuti ko ng magsalit muli.
"Mom, anong nangyare?" Tanong kong muli. Pero mas dumiin na ang pagtatanong ko ngayon.
Napabuntong hininga si mom saka nya sinagot ang katanungan ko.
"Anak, yung tungkol sa kaso ng pagpatay sa kwarto mo. Yun yung nangyare kagabi." Nasabi ni mom.
Doon parang pelikula na nag flashback sa isipan ko ang mga nangyare.
Agad akong nakadama ng takot. Natakot ako sa mga pwedeng mangyare. Kinakabahan ako sa mga pwedeng gawin ng killer sa amin.
"Anak. Nakapag desisyon na kami ng dad mo." Sabi sa akin ni mom.
"Ano po yun?" Tanong ko sa kanila.
"Gusto ka naming iligtas anak. Ipapadala ka namin sa ibang bansa." Nasabi nito sa akin.
Agad na bumagsak ang dalawang balikat ko.
"Mom! Ayoko!" Naisigaw ko kay mom.
"Para ito sa kaligtasan mo anak. Kaya namin ito ginagawa ng dad mo" pagpupumilit ni mom sa akin.
"No mom. Hindi ko sila iiwan. Hindi ko kayang iwanan sila." Nasabi ko sa kanya.
"At sapat na yung dahilan para iwanan mo kami ng papa mo?!" Naisigaw nya.
Hindi ko napansing umiiyak na si mom. nanlambot ako ng makita syang umiiyak.
Agad kong inabot ang kamay nya saka sya niyakap.
"Anak.. ikaw lang ang nag iisang anak namin ng daddy mo. Please naman. Wag mo naman kaming iwanan." Malungkot na sabi ni mom sa akin.
"Mom..." tanging nasambit ko na lamang sa kanya at napabuntong hininga.
Nakapag desisyon na sila. Wala na akong ibang magagawa.
~¤~¤~
sorry for the late update guys! Pagpasensyahan nyo na ang inyong author! Im so so so so so so so so soooooooooorry!!!
Promise didire diretsuhin ko na ito.
Hays.. ano na nga kayang kahahantungan ng mga bida sa kwento?
May mamamatay pa kaya?
Nuh ba yan hirap mag isip😑
~AmISaying
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...