Sa kabilang banda..
Nakatanaw sa malayo habang hawak hawak ang katanang palagi nyang pinang gagamit para mapatay ang mga estudyante.
Pinapanood nya ang bawat pangyayare na kay sarap panoorin.
Dito nya nakikita ang bawat pagpatay ng magkakaklase sa bawat isa. Para lamang makaligtas.
Oo. Yun ang huling game na lalaruin nila.
Patayan.
Kung sinong apat ang matira. Sya ang makakaligtas at ang makaka alis ng lugar na iyon.
Napangisi sya ng makita ang apat na syang natira habang bitbit bitbit nito ang kanya kanyang ma armas.
Matapos ay tumalon na nga sya pababa ng kanyang kinalalagyan.
Nakuha nya naman ang atensyon ng apat na natira sa labanang iyon.
"Napatay nyong apat ang ibang mga kasamahan nyo para lang makaligtas. Ang tapang nyo mga bro..." nakangising sambit nito sa kanila.
Nanatiling tahimik ang mga kalalakihan dahil sa narinig. Kilalang kilala nila ang boses niyon.
Hindi nga lang nila alam kung ano ang kinalaman ng section nila sa grade na ng lalaking ito. Kung tutuusin nga ay 'kuya' na nila ito. A head na sa kanila ng dalawang taon.
"Anong kasalanan namin sayo at pinatay mo ang mga kaklase namin?" Malungkot ngunit matigas na tanong ni Lucas. Isa sa apat na binatang nakaligtas.
Narinig nila ang nakakarinding tawa nito. Tawa lamang ito ng tawa hanggang sa matanggal nya na ang malaking hood coat nya at ang maskara.
Tulad nga ng palagi nyang ginagawa. Itinatapon lamang nya ang mga ito kung saan saan matapos ang school year at matapos ang laro.
"Gusto nyo ba talagang malaman?" Nakangisi nitong tanong sa kanila.
Tiningnan lang naman sya ng apat. Nanatili itong mga tahimik at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pero tunay na gusto nila na malaman ang nangyare. Kung ano ang dahilan nito.
"Dahilan... gusto kong palagi akong nakakakita ng mga patay na tao. Ng mga taong pinatay at nag hirap sa aking mga kamay. Gusto kong makaamoy ng dugo galing sa kanilang katawan. Gustong gusto ko ang bawat hiyaw dulot ng sakit na syang nagiging musika sa tenga ko. Yun ang mga gusto ko. Yun ang dahilan ko." Nasabi nito sa kanila.
Doon napagtagpi tagpi ng apat ang gustong sabihin ni Aly sa kanila.
"Tama.. may sakit ako sa pag iisip. Psycosis person." Nasabi nito bago ihagis sa kanila ang mapa ng gubat. "Siguraduhin nyo lang na wala ng makakaalam ng lahat ng nangyare rito. Kundi alam nyo na. kayo ang nahuli at kayo rin ang nakasaksi hanggang sa pinaka dulo nitong laro. Nakita nyo kung paano ako makipaglaro. Brutal killings ang hobby ko. Baka mas higut pa roon ang gawin ko sa inyo." Seryosong sabi nito bago tumalikod saka naglakad paalis.
Maya maya pa ay naglaho na ito sa dilim.
~¤~¤~
Grade 7
Nahihiyang naglalakad si Ahliya sa mahabang pasilyo ng kanyang bagong school.
Ayaw nya man. Pero, nang malamang magiging magkaklase na naman sila ng kanyang minamahal na kakambal.
Isang desisyon ang syang namuo sa kanyang puso at pati sa isipan.
Kelangan nyang magpakababa. Kelangan nyang maging no body sa harapan ng iba. Para mas umangat ang kanyang kakambal.
Kaya heto sya.
Mas pina pangit nya ang kanyang sarili.
Naging isang nerd sa harapan ng lahat.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...