Nagpatuloy ang pagkwe kwento ni Joker.
"Bata palang ang dalawa. Makikita na ang pagkakaiba sa kanila. Ang isa kasi. Natural. Pure. Wala man syang gawin, kilala sya ng lahat. Natutuwa sa kanya ang lahat. Samantalang, ang isa naman.. opposite. Why? Dahil hindi sya natural. May halong fake. Hindi sya pure. Kasi kadalasan napipilitan. at kung hindi man sya gumawa. Wala lang. Edi hindi sya pansin." Parang wala lang na sabi ni Joker sa kanila. Nagpatuloy ito sa pagkwe kwento.
"Nagseselos yung isa. Dahil hindi sya ang spot light, apple of the eye, o yung angat sa kanilang dalawa. Kapag pinagtabi talaga silang kambal. Hindi maiiwasang makumparahan sya nito." Sabi ni Joker. Nasimula itong maglakad lakad sa stage.
"Kaya matapos ang insidenteng nangyare nung grade 6 sila. Nagbago na ang buhay nila sa isat isa. Nagbago ang katauhan ng isa. Lahat binago nya sa sarili nya. Lumayo sya sa kakambal at naging sikat sa kanilang school pagkaraan ng first year na sila. Samantalang, nagparaya ang isa. Naging nerd sya sa kanilang school. An angel disguise a nobody. Oo, nasa iisang classroom sila. Pero, ang layo layo nila sa isat isa. Alam nyo ba kung gaano kasakit yun? Napaka sakit dahil nakikita nyang binubully ang kakambal nya! At dahil sa walang kwentang fame na yan! Hindi nya ito magawang tulungan. Kaya naman pagkaraan ng bakasyon. Humingi sya ng tawad sa kanyang kakambal. Gladly, pinatawad sya nito. At hinding hindi na sila muling mag aaway pang muli."
"But, then dumating na ang kinatatakutan nya. Nangyare ang hindi nangyare. Nasundan ang kakambal nya sa bago nitong school at doon binully ng mga dati nilang mga kaklase. Oo, naging mas sikat sya kesa sa kakambal nya na naiwan sa Anna Villancia. Pero, masy sadya talagang mga famewhore na patuloy na gumgulo sa buhay nya. Hanggang sa hindi na nito nakayanan at tuluyan ng nagpakamatay." Nasabi nito sa kanila.
"And then, the plan works perfectly. Umaayon sa akin ang lahat. Dahil sa pagkamatay ni Ahliya. Natuto akong maghiganti sa inyo." Saka ito muling tumawa.
'Kakambal nya si Ahliya!?' Yan ang iisang tanong na nasa kani kanilang mga isipan. Ngayon, kinakabahan na sila kung tumama man ang kanilang mga hula.
At tama nga..
"Yeah, sya nga si Ashley. Si Jonalyn na syang ginamit nyo para sumikat. And its payback time." Nasabi ni Jonalyn sa maliit na mic na nakalagay sa kanyang damit habang nakatitig sa kanila at nagtatago sa isang gilid.
Nakangisi sya saka ipinagtatatapon ang mga bombang dala dala sa magkakabilang gilid.
Mabilis syang naglakad palabas ng building saka sumakay sa isang kotse na nakaparada sa may bungad.
Pinagmamasdan nya ang mga taong nag papanic habang nakakarinig ng mga pagsabog sa loob.
Napangisi sya habang nakatingin sa maliit na remote control na syang hawak hawak nya.
Napasandal sya.
Naisip nya ring hindi lang si Allen ang kelangan nyang paghigantihan at patayin. Pati na rin syempre ang mga kaklase nyang nagsimula ng gulo at ang nagtulak sa kanyang kakambal na umuwi ng araw na iyon at mapatay ni Allen.
Pinindot nya ang red botton saka nito pinagmasdan ang unti unting pag guho ng building.
Samantala..
Hindi na namalayan ng 9-1 ang pagsabog ng mga bomba sa kanilang paligid.
Tanggap na nila. Tapos na ang laro. Ngayon, malinaw na ang lahat sa kanila. Ang kelangan na lamang ay ang pagbayaran na nila ang nangyare kay Ahliya. Dahil alam nilang sila ang may kasalanan ng lahat. In short. Pinatay nila si Ahliya using their bad words. And now, its payback time. Naghiganti rin sa kanila ang tadhana.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...