Matapos ng araw na iyon ay naging magkaibigan na sila Ahliya at si Allen. Hindi sya nito itinatago tulad ni Ashley. Sa katunayan nga ay maraming na we weirduhan kay Allen dahil parati na silang magkasama ni Ahliya.
Umaga pa nga lang eh.
Sinusundo na ni Allen ang dalaga sa kanilang bahay. Napagkakamalan tuloy syang manliligaw ng papa ni Ahliya.
Pati sa classroom. Inilipat na ni Allen ang pwesto ni Ahliya sa kanyang tabi sa gilid ng bintana nya inilagay si Ahliya upang hindi maging masyadong awkward sa kanilang mga kaklase.
Pati sa recess... silang dalawa ang laging nakikitang magkasama sa ilalim ng puno ng mangga. Doon sila kumakain at masayang nag kwe kwentuhan.
Hanggang sa uwian.. hinahatid parin sya ng binata.
But...
Hindi pa natatapos ang lahat lahat sa paghatid ni Allen kay Ahliya sa kanilang bahay.
Sinusulit pa ng dalawa ang gabi sa pag te text nila o minsan sa chat naman sila nag uusap.
Pero hindi maiiwasan ang mga makikitid na utak ng mga tao. Agad agad na nagpapaniwala sa mga tsismis kaya ang ending... hindi parin nila alam ang totoong istorya.
May mga namumuo na rin daw'ng tsismis na ginayuma raw ni Ahliya si Allen kaya ito naging ganun sa kanya.
Heartrob si Allen. Matalino, Mabait, Tahimik, Pala ngiti rin, saka madalas Seryoso--- In short. Ideal Man ng mga babae sa kanilang magiging karelasyon.
Oo nga naman. Nakakapagtaka na si Allen. Ay papatol kay Ahliya na madalas binbully dahil sa Physical na kaanyuan nito.
Pero, gayun pa man..
Kahit alam na ni Allen ang sikreto sa pagitan nila Ahliya at Ashley o mas kilala nila bilang Jonalyn.
Hindi nya sinasabi kay Ahliya o kahit sa bestfriend nitong si Jason.
Isinaloob nya sa kanyang puso at pinabayaan na lamang na parang wala syang ibang natuklasan ng araw na yun.
Sa kabilang dako naman..
Nakalimutan na rin ni Ashley ang naging huling away nilang magkakambal.
At kahit nasa malayo. Nakikita nya ang mga ngiting naibibigay nito kay Allen sa tuwing magkasama ang dalawang ito.
Kakambal nya parin pala talaga ito..
Kasi.. kilalang kilala nya parin ang bawat galaw nito.
Alam nyang gusto nito si Allen.
Nag pa plano syang imbitahin si Ahliya sa kanilang bahay sa susunod na school year. Ewan ba nya pero gusto nya ng mabantayan pa ng mas maige ang kanyang kakambal.
Feeling nya kasi maraming marami na syang pagkuklang rito.
Walang wala ang pinaplano pa lamang nyang ito sa mga naisakripisyo sa kanya ng kakambal.
Kaya gusto nyang bumawi rito. Gusto nyang magsimula silang muli.
Pero sana.. mananatili parin ang kanilang sikreto. At kelangan. Paunti unti ay makayanan nya na muling magbuhay ng walang kumpetensyang sinasalihan.
Idinial nya ang number ng kanyang papa.
Ito palang ang unang beses nyang kakausapin ang kanyang papa magmula ng umalis sya sa bahay nila. Kaya nakaramdam sya ng kaba sa pwede nitong maging reaksyon kapag narinig na muli ang kanyang boses.
Maya maya pa ay sumagot na ito.
[Hello?] Boses ng kanyang papa ang kanyang narinig.
"Papa.." natawag nya rito.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...