Author's:
Nagloloko si Wattie😳😳😳
~¤~¤~
Patuloy kong ginawa ang pagpe perform ko. Pawis na pawis konh pinunasan ang noo ko habang maingat na hinihiwaan ng manipis ang balat nya. Iningatan kong walang masamang laman sa ginagawa ko.
Habang ingat na ingat ko syang binabalatan ng buhay ay sya naman tong sigaw ng sigaw. Matibay ang isang toh. Ni hindi man lang napagod kasisigaw.
Pinunit ako ng iilan sa laylayan ng damit nya at ginawang pamalsak sa bibig nya.
Matapos ay natahimik na rin sya. Iyak lang sya ng iyak habang muli kong hinihiwa ng maingat ang balat.
Hmm.. pwedeng pwede na akong mag autopsy ng mga bangkay. Well.. mas magaling pa nga ako dahil buhay tong ino autopsy ko.
Habang busy'ng busy ako sa ginagawa ko ay agad ko na rin sa wakas nailagay ang gusto kong ilagay sa katawan nya
Tinahi ko ng maingat ang dibdib nya saka ipinantapal ang balat na syang kinuha ko sa mga hita nya. Tahimik lang sya at hirap na hirap na nakatingin lang sa mga pinag gagagawa ko.
Muli akong napangisi. Nginitian ko sya ng matamis at masayang winika ang:
"Ayan! Tapos na!" Masaya kong sabi.
Autopsy..
Nalaman na kaya nila ang gusto kong ipahiwatig?
~¤~¤~
Mikaella's POV
Tahimik akong naka upo sa sofa habang nag iisip ng mataman. Naiisip ko kung sino nga ba si Joker.
Nang may kung sinong tumapik ng balikat ko.
"Hindi ka ba matutulog?" Tanong nya sa akin at tumabi sa tabi ko.
Bumuntong hininga ako.
"Sa mga nangyayare dito. Makakatulog ka pa kaya ng payapa?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Natahimik sya sinabi ko. Mukhang tinamaan rin ang loko.
Napatango tango sya matapos ang ilang minuto.
"Kanina pa kita pinagmamasdan parang ang lalim lalim ng iniisip mo eh. Share ka naman." Sabi nito at bahagyang binunggo ang braso ko.
Sandali akong napanguso at sinabi na sa kanya ang kung ano mang natakbo sa isipan ko.
Naisip lang ng malikod na bulate sa utak ko ang bawat logic ng pagkakapatay. Parang may gustong sabihin sa amin ang killer. Para talagang may gusto syang ipahiwatig sa bawat pagkakapatay nya.
Naisip ko lang..
Bakit sila Abanador at Ablian ang nauna. Pwede namang si Choi?
Akala ko nun by alphabet ang pagpatay pero hindi. Dahil si Kyle agad ang sumunod rito.
Young..
At bakit nga ba Libing ang ginawa rito ng killer eh pwede namang nilaslasan lang sya sa leeg saka dinidplay sa labas ng main door. Bakit hindi yung tinorture na muna sya bago pinatay?
Dahil noong inihatid namin si Kyle sa kwarto nito ay makikitang ang ikinamatay nito ay ang kawalan ng oxygen dahil sa humihinga pa ito noong inilibing sya ng buhay.
Kung pagsasamahin ko lahat ng apelyido ng mga namatay may mabubuo kaya ako?
Nag isip isip ako..
Una sila John Lloyd at si Josephina.
Abanador
Ablian
Sumunod si Kyle.
Young
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...