A/N: di ko kayo matiis eh. Sige na nga. Mamaya nalang yung iba pang lovers. Uunahin ko na sya..
~¤~¤~♡
Hannah's POV
Prente akong nakaupo sa sofa habang bored na bored na nilalaro laro ang dulo ng buhok ko. Iniikot ikot ko ito sa daliri ko habang bumubulong bulong ng isang kanta.
Minsan pala nakaka miss rin yung bawat gabi na may 'bloody game' na nagaganap. Kaya naman pala may pakikipaglaro na ibinibigay ni Joker sa amin dahil talagang ma bo bored ka sa gabing wala talagang larong nagaganap.
Nakanguso ako habang patuloy sa pag iikot ng buhok ko sa mga daliri ko ng may kung sinong tumabi sa akin saka hinila ng bahagya ang buhok ko.
"Aray!" Sigaw ko at tumingin sa kanya saka sya sinamaan ng tingin.
Napatawa naman sya saka bahagyang hinaplos ang buhok ko.
Napatingin ako sa kanya at ng magtama ang aming mga paningin ay muli ko itong iniwas.
Natahimik lang ako habang pinapakiramdaman ang bawat pag hagod nya sa buhok ko.
Hanggang sa nagsalita sya maya maya.
"Umupo ka nga sa lapag at nahihirapan ako sayo." Utos nito sa akin.
Tumingin pa muna ako sa kanya saglit saka na sya sinunod.
Umupo ako patalikod sa harapan nya. Saka muli syang pinakiramdaman.
Muli nyang ginamit ang mga daliri nya sa pag suklay ng buhok ko. Napapapikit ako sa bawat pag hagod nya. Feel na feel ko ang bawat magagaan na pag hagod nya sa buhok ko.
"Hannah.." pagtawag nya sa akin.
Napamulat ako ng mga mata saka sumagot.
"B-bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto kong matulog." He gently whispher behind my ears. That's give me chills.
Hindi ako maka react agad. Para akong hindi maka hinga. Parang sandaling natigil ang pag ikot ng mundo ko. Parang biglang nagsi takbuhan ang mga kabayo sa puso ko.
Nang maka get over ako sa ginawa nya..
"A-ahh.. a-ano namang gagawin ko! Edi matulog ka!" Sigaw ko sa kanya. Kahit na naghuhumarado parin sa bilis ang tibok ng puso ko. I manage to say that dahil baka bigla nalang ako mahinatay rito.
Narinig ko ang pagbubuntong hininga nya saka muli kong naramdaman ang mga pag hagod nya sa buhok ko.
"Ang tagal naman kasi ng killer." Base sa boses nito bored na bored na rin ito.
Napangisi ako.
"Bakit? Gusto mo pa ba may mamatay na naman ngayong gabi? Gusto mo may mawala nanaman sa atin?" Tanong ko sa kanya habang nilalaro laro ko ang daliri ko.
Natahimik sya sa likod ko. Parang natigilan rin sya dahil totoo naman talaga.
Wala na akong gusto pang mamatay sa amin. Ang gusto ko lang ay yung maglalaro kami tapos walang malalagas sa amin. Si Joker pa ang mahuhuli namin.
Pero wala eh. Bad luck palagi. May namamatay kada gabi. Ni hindi nga namin alam kung kelan kami makakalaya dito.
Nagising na lamang ako sa realidad ng bigla nyang hilahin ang kamay ko palabas ng hotel.
Nanlalaki ang mga mata ko habang hinihila nya ako palabas.
"A-ahh! Saan mo ako dadalhin!?" Sigaw ko sa kanya at pilit na hinihila pabalik ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...