A/N: isa isa ng naglalabasan ang mga flashbacks!!!!
~¤~¤~
"Boarding to Korea----" nasabi ng nasa speaker kaya agad ko ng inayos ang pagkaka upo ko at ang pagkakasandal ko sa upuan ko. Huminga rin ako ng malalim saka dinama kung paano nga ba mag landing ang eroplano mula himpapawid.
nang naramdaman ko na iyon. Maya maya lamang ay tumayo na ako at nakisabay na sa mga pasaherong naglalakad palabas ng eroplano.
Nang makalabas ng eroplano ay agad na sumalubong sa akin ang malamig na klima ng Korea. Hmmm... oo nga pala. Medyo nasa Chrismas season na sila rito.
Pagka apak pala ng mga paa ko sa Korea ay agad ko ng kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinanggal ang pagkaka flight mode nito.
Agad kong tinawagan sila mom.
[Son.] Nasabi sa kabilang linya. Mukha hinihintay rin ni dad ang tawag ko.
"Dad, nasa Korea na ako." Nasabi ko.
[Mabuti naman at nakapunta ka ng maayos dyan, anak.] Boses ni mom ang sumagot sa akin sa kabilang linya.
"Opo nga po." Nasabi ko habang naglalakad.
[Oh. Yung bahay natin alam mo naman kung saan na yun noh? Yung susi nilagay ko doon sa bagahe mo doon sa pinaka harapan na bulsang maliit.] sabi ni mom sa akin.
Tumango tango ako.
"Yes, mom. Siguro mga pang sampung paalala mo na sakin yan magmula ng umalis ako ng Pilipinas." Tatawa tawa kong sabi sa kanila.
[Hay.. pinaaalahanan lang naman kita anak] sabi nya sa akin.
"Basta, mom. Yung napag usapan natin okey? Paki bantayan po si Sam at yung ibang kaklase ko. Sinunod ko kayo kaya dapat may kapalit po yun. Ayaw ko silang magalit sa akin dahil lang sa tinakasan ko sila. Gusto ko kahit na wala ako dyan nababantayan ko parin sila." I said.
[Yes, Sir!] Si Dad naman ang sumagot sa akin nun.
Natawa ako.
"Good. Sige mom, dad. Tawagan ko nalang uli kayo kapag nasa bahay na ako." Pagpapaalam ko sa kanila.
[Yes, son. Aantayin namin yan] nasabi nila bago na nila pinatay ang tawag.
Agad naman na akong pumwesto sa kuhaan ng bagahe at ng makuha ko na ang bagahe ko ay agad na akong naglakad palabas ng airport hanggang sa maka para na ako ng taxi at iuwi na ako sa aming bahay.
Pagkadating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama.
Sobrang pagod na pagod ako ngayong araw na ito. Pagod na pagod na ang isipan ko sa kaiisip. Pagod na pagod ang katawan ko sa byahe. Pagod na pagod ang emosyon ko sa bigat ng lahat ng toh.
Oh Lord! Sana naman matulungan ko pa sila. Sana hindi pa huli ang lahat.
Napa dapa ako sa kama at napapikit ng mga mata. Iniisip ko ang mga nangyare.
Ano bang kinalaman ng buong 9-1 kay Joker. Bakit ganun nalang sya ka pursige na patayin kami. Patayin kaming mga kaklase nya.
Sa tagal ko ng nag aaral sa Anna Villancia. Kahit ngayon ko lang naging kaklase ang mga kaklase ko ngayon. Matagal ko naman na silang kilala. Naging magkakaibigan kami kahit pa 8-2 ako noon.
Hindi ko alam kung ano ba ang uunahing isipin.
Nakatulog na ako sa sakit ng ulo dahil sa kaiisip ng mga kung ano ano.
Someone's POV
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyang ito at nakatanaw sa isang bahay na syang pinasukan ni Benedict.
"Pwede mo namang pasukin, Ma'am" nagulat ako at napatingin sa driver.
"Pilipino ka?" Tanong ko sa kanya.
Napangiti sya at natawa.
"Opo. OFW dito sa bansang Korea." Nasabi nya sa akin.
Nakakahawa naman yung ngiti ni Kuyang Driver kaya napangiti nalang rin ako.
Inutusan ko na syang ipaandar ang sasakyan at sabihin kung nasaan ang bahay ko.
Habang binabagtas namin ang kahabaan ng high way. Agad akong napa isip. Wala akong anumang driver dito sa Korea. Although marunong akong mag drive ayoko namang papuntahin pa ni tito si Kuya Neil rito.
"Kuya, I have a agreement with you." Sabi ko sa kanya at tumingin sa salamin sa harapan namin.
Napatingin rin sya doon pero agad ring ibinalik ang tingin sa daan.
"Ano naman yun?" Tanong nya sa akin.
"Bitawan mo na ang pagiging driver mo. Sa akin ka na mag trabaho." Sabi ko.
Natawa sya sa sinabi ko.
"Alam mo, Ma'am. Mahirap ang buhay sa Korea. Sa ngayon mahirap maghanap ng mapapasukang trabaho. Swerte na nga itong nakapasok ako bilang taxi driver." Nakangiti nyang sabi sa akin.
"5,000 Korea's dollar. kada kinsenas. Katumbas ng malaking pera sa Pilipinas. Papayag ka na ba?" Nakangisi kong sabi sa kanya.
Agad nyang nahinto ang taxi na minamaneho nya. Mabuti na lamang at naka seat belt ako. Pero hindi parin natitinag ang pagkakangisi ko sa kanya.
"M-malaking p-pera yun." Naibulong nya sa sarili nya na syang narinig ko.
"Malaki talaga. Pwedeng pwede ng makapagpatapos ng isang may Kolehiyong anak" sabi ko.
"Mag ka college pa naman si Mark sa susunod na taon." Naibulong nyang muli.
"So ano? Deal?" Tanong ko.
"Sigurado ka bang totoo iyon?" Tanong nya sa akin.
"Kahit hindi pa tayo lubos na magkakilala lahat ng sinasabi ko sa mga taong pinangakuan ko ay tinutupad ko." Seryoso kong sabo sa kanya.
Napabuntong hininga sya.
"S-sige.." sabi nya.
Agad akong napangisi.
Saka na nya muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Muli akong napatingin sa labas ng bintana at napangiti ng mapait.
"Ey, alam mo gustong gusto ko talagang makarating ng Korea. Kung saan pinanganak si papa?" Mala anghel na ngiti ang syang iginawad nya sa akin.
"ganun? Bakit hindi ka na umalis ngayon?" Nakasimangot kong sabi sa kanya.
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
"Ihhh! Gusto ko kasama kita. Kasama ko ang pinaka mamahal kong-------"
Nagising ako ng makaramdam ako ng mahihinang mga tapik sa akin.
Nagmulat ako ng mga mata saka tumingin kay Kuyang Taxi Driver na syang magiging bago kong Driver dito sa Korea.
"Ahmm.. Ma'am. Nandito na po tayo." Nakangiti nitong sabi sa akin.
Napalingon lingon ako at tiningnan ang kabuuan ng lugar.
Isang malaking bahay na Korea'n Style talaga dahil sa bintana nitong sliding window at kahit din sa pintuan nitong sliding door rin.
"Ganito ba lahat ng bahay sa Korea?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmm... sa totoo nyan ma'am ang bahay mo ay isa sa mga malalaking bahay na may Old Style ng Korea Home. Karamihan na rin kasi sa mga bahay rito sa Korea ay nasa modernisasyon na rin" nasabi nito.
Napatango tango na lamang ako saka ibinigay ang calling card ko saka sya sinabihang mag door bell nalang bukas para sa unang araw ng tarabaho nya.
Matapos nun ay dire diretso akong naglakad papasok saka dumiretso sa kwarto. Napabuntong hininga ako saka dumapa sa kama at tuluyan ng tinuloy ang aking naudlot na tulog.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...