S.2 - 25 (Flashback)

372 29 0
                                    

Grade 6

Huling araw ng review para sa exam kinabukasan...

Pus pusan ang paghahanda ni Ashley para sya ang makakuha ng title na 'Valedictorian' sa taong ito. Kampante syang sya na ang magiging valedictorian ng kanilang klase. Pero, kilala nya ang kakambal. Alam nyang gagawin rin nito ang lahat para makuha ang title na 'valedictorian' ng kanilang school sa taong ito.

Hindi sya magpapatalo sa kakambal! Kelangan nyang magpursige sa pag re review ng maging proud sa kanya ang kanyang mga magulang.

At syempre. Para mapansin sya ng lahat.

Habang nag re review. Hindi nya napansin ang oras. Mag a alas nuebe na na ng gabi hindi parin sya nag hahapunan.

Kanina kumatok ang kanyang mama sa kanyang pintuan para kumain. Ngunit, tinanggihan nya iyon dahil bukod sa busy. Ayaw nyang makasabay sa pagkain si Ahliya. Baka mas lalo lamang syang mawala sa focus kung ginawa nya iyon.

Tumayo na sya dahil sa pangilan ngilang pagtunog ng kanyang tyan. Tila, nakikipag usap na ang kanyang bituka sa bulate nya sa tyan sa sobrang kagutuman nito. Na bore na yata.

Naglakad sya patungong pintuan palabas ng kanyang kwarto. Lumabas sya saka naglakad pababa ng hagdan.

Pero hindi pa man sya tuluyang nakaka baba ng kanilang ground floor ay narinig nya na ang masayang boses ng kanyang papa sa dining room nila.

Napangiti sya dahil pagkakataon nya na yun upang muling masolo ang kanyang papa.

Nang biglang sumunod roon ang mga tawa ni Ahliya. Tila nahinto ang kanyang mundo at bumigat ang kanyang pag hinga.

Muli nanamang nadagdagan ang galit nya mula sa kakambal.

Lahat nalang inaagaw mo sa akin.

Napahinga na lamang sya ng malalim saka napa indian seat sa sahig habang nakikinig sa pinag uusapan ng kanyang kakambal at kanyang papa sa dining table.

"Oh, diba sabi ko naman sayo. Mas masarap mag review kapag may ice cream?" Masayang sabi ng kanyang papa kay Ahliya.

"Uhmmm! Kaso nga lang nakakangilo masyado kapag malamig!" Saka sila muling nagtawanan sa dining room.

Napapikit na lamang ng mariin si Ashley dahil sa mga paraan ng pagtawa ng kanyang papa sa tuwing si Ahliya ang kasama. Ibang iba iyon kumpara sa kanya.

Pati ba naman si papa! Aagawin mo rin sa akin!?

Napa yukom na lamang sya ng kanyang mga kamao. Napahigpit ang pagkakahawak nya sa laylayan ng kanyang damit.

"Okey, ano na ba ang sunod mong subject na ire review?" Tanong ng kanyang papa kay Ahliya.

"Hmmmm... papa, gusto ko tulungan mo akong mag review sa Science. Please!" Rinig nyang sabi nito.

Napangisi sya sa naisip. Alam nyang hindi mahilig ang kanilang papa sa subject na may kinalaman sa Science.

Pero heto at ipinipilit ito sa kanya ni Ahliya. Kampante syang tatanggihan ng ama ang sinasabi ng kakamba.

"Papa, please.." rinig nya pang muling pagpupumilit ni Ahliya sa kanilang ama.

Pero, hindi nya inaasahan ang isinagot ng kanilang papa sa kanyang kakambal.

"Hay... ano pa nga bang magagawa ko? Eh alam mo naman sa lahat ng tatlong anak ko ikaw ang pinaka cute at ang pinaka makulit sa lahat. Makakatanggi pa ba si papa?"

"Yehey!!!" Masayang sigaw ni Ahliya.

Natulala naman si Ashley dahil sa narinig. Para bang biglang naglaho sa kanyang isipan na kakain pala sya kaya sya bumaba.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon