Nang matapos na ay agad nyang pinasabihan ang batang si Andrea na matulog na muna sa kabilang kwarto para maging konportable ang pakiramdam nito at hindi magalaw kapag nakatulog na sya.
Agad namang sumang ayon ang bata saka ito nagpasalamat kay Glaiza at nagtatatakbo palabas ng kanyang kwarto.
Saglit nyang pinatay ang kanyang laptop at inayos ang kanyang sarili. Para naman maging maganda sya sa paningin ng kanyang mga magulang at syempre para kay Allen.
Lingid sa kanyang kaalaman. Matapos lumabas ng batang si Andrea sa kwarto ni Glaiza ay di sinasadyang may nakita syang dugo sa sahig sa baba. Katapat kasi ng hagdanan pababa ang kwarto ni Glaiza.
At agad syang nahintakutan ng makitang napa upo si Allen sa sahig habang hawak hawak ag isang kutsilyong puno na ng dugo!.
Napahawak sya sa kanyang bibig saka sya nagtatatakbo papunta ng kabilang kwarto. Marahan nyang sinarado ang pintuan para hindi sya marinig.
Saka sya pumasok sa isang cabinet at doon tahimik na umiyak dahil sa takot sa mga susunod na mangyayare.
Hindi man alam ang mga nangyayareng kababalaghan. Lumabas na ng kanyang kwarto si Glaiza saka sya nagmamadaling bumaba ng hagdan dahil sa excited na kanyang nararamdaman para makita kung ano na ang nangyare sa pag uusap ng kanyang mga magulang kay Allen.
Nasa kalagitnaan palang sya ng hagdan ay pahina na ng pahina ang bawat paglalakad nya hanggang sa tuluyan syang napa upo at nadulas dahil sa sobrang gulat sa kanyang nadatnan.
Nakita nya ang kanyang mga magulang. Naka handusay. Puno ng dugo ang katawan. At pawang mga walang buhay na. Bumuhos ang iba't ibang emosyon sa kanyang sistema. Para syang sasabog na machine!
Napa hawak sya sa kanyang bibig. Pilit nyang isinasaksak sa kanyang isipan na hindi si Allen ang gumawa ng ganung bagay sa kanyang mga magulang.
Pero, sya na mismo ang nakakita. Ang lalaking mahal nya ay punong puno ng dugo sa kanyang damit. Para itong naliligo sa dugo!. Di rin nagpalagpas sa mga mata ni Glaiza ang kutsilyong mahigpit na hawak ni Allen habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya.
"A-allen..." umiiyak na tawag ni Glaiza sa binata. Para naman itong nabuhusan ng malamig na tubig. Dahilan para mabitawan nya ang hawak hawak nyang kutsilyo.
Nakaramdam ng kaba si Glaiza. Para sa kanya ay hindi na si Allen ang kaharap nya. Para syang masisiraan ng ulo sa mga nangyayare ngayon!
Nagdadalawang isip na lumapit si Allen sa dalaga. Agad na napa urong si Glaiza dahil sa takot na saktan rin sya ni Allen.
Parang nadudurog ang puso nya dahil sa mga nangyayare ngayon. Nalulungkot sya. Matapos pala lahat lahat ng pagte treatment nila at pag pa practice nila sa pag control ay hindi parin pala kontrolado ni Allen ang sakit nito. At mas lalo lamang itong lumala! Muling bumalik ang dating si Allen!
Nanginginig na silang dalawa sa isa't isa. Kapwa umiiyak.
"G-glaiza... H-hindi ko sinasadya.." umiiyak na pagsusumamo ni Allen sa dalaga.
Umiling iling si Glaiza.
"No, Allen. Ginusto mo." umiiyak na sabi ni Glaiza na syang ikina angat ng tingin ni Allen sa kanya.
"Glaiza naman. Alam mo ang kondisyon ko!" patuloy na pagsusumamo ni Allen kay Glaiza na syang ikina iling ng dalaga.
"Liar!" para itong naging mabangis na hayop dahil sa galit na naramdaman nya. Pinatay ng kanyang nobyo ang kanyang mga pinaka mamahal na mga magulang.
Hindi ka pa ba magagalit sa sinumang taong papatay sa mga magulang mo?. Sobrang sakit na makita ang mga magulang mong pinaslang sa mismong bahay nyo.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...