Chapter 4

1.1K 111 0
                                    

Tahimik kaming nagsasagot para sa aming practicum ng biglaang magpatay sindi ang ilaw sa amin kaya napukaw iyon ang aming mga atensyon.

Prestigious school. Kumukurap ang ilaw? Kalokohan.

Parang mga baliw naman yung ma kaklase ko. Feeling nila nasa horror film na sila dahil lang sa bahagyang pagbukas sara ng ilaw.

Napairap ako ng palihim kaya napadako ako sa tv namin.

Bumukas kasi ito ng mag isa. Tiningnan ko ang saksakan nito ngunit hindi naman ito nakasaksak.

Kinabahan ako ng husto ng maging malinaw na ng paunti unti ang nasa tv.

"Ahhh!!!!" Matinis na sigaw ni Elizabeth saka ito nag panic sa loob ng classroom.

Dahil sa pagpapanic nito at dahil doon sa nakikita namin sa tv ay hindi na rin maiwasan ng iba ang magpanic at magsigawan.

Napatayo ako at pilit na pinakalma ang lahat.

"Everyone! Wag mag panic! Wag mag panic!" Sigaw ko sa kanila. Pero hindi sila nakinig. Pilit na nilang kinakalabog ang pintuan dahil nalaman din naming na lock ito.

Ang mga babae nag iiyakan na. Nagkalat ang lakat ng gamit namin sa kabuuan ng classroom. Kinakabahan na rin ako sa mga nangyayare ngayon pero dapat hindi ako magpaapekto.

Pinuntahan ko si mam Tuazon. Nakatulala at nanonood lang sya sa mga kaganapan sa tv. Tila nag iisip sya sa kung ano ang pwedeng gawin.

"Mam. Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya na syang nakapagpatingin nya sa akin.

Napailing ito ng tatlong beses.

"H-hindi ko alam." Kinakabahan nitong sagot sa akin saka muling napatingin sa tv kung saan naroroon ang dalawa naming kaklase.

Si John Lloyd at si Josephina.

~¤~¤~

Someone's POV

Pumunta ako sa tapat ng monitor dito sa PTA room. Nandito kasi ang halos lahat ng kagamitan para ma monitor ang lahat ng estudyante.

As well. Kaya ako nakapasok dito ay dahil meron nga akong connections. No need para patayin ang kung sino mang tao ang nasa loob nito.

Malaya kong tinitingnan ang mga estudyanteng payapang nagtuturo at walang kaalam alam sa nangyayare sa section 1.

Binuksan ko ang speaker kung saan naka konekta sa room 9-1.

Matinis na tunog lamang mula sa speaker ay nakuha ko na ang atensyon nila.

Itinapat ko ang bibig ko sa mic saka nagsalita.

"Good day. 9-1." Nakangisi kong sambit.

Benedict's POV

Agad kong naiyukom ang aking mga kamao ng marinig ko syang nagsalita sa speaker.

"Walanghya! Nasaan si John Lloyd!" Sigaw ni Khent na halatang nagagalit na sa kung sino mang demonyong nagsasalita sa speaker.

Narinig namin ang bahagyang nakakainis na pagtawa nito.

"B^lls#it of yours. Shut up guys." Mapang asar nitong sambit sa amin. Halatang iniinis kami.

Natahimik ang classroom saka pinakinggan ang kung sino mang nakikiaglaro sa amin ngayon.

"Now, nakikita nyo ngayon ang dalawang kaklase nyong nasa loob ng isang aquarium. Di naman siguro kayo bobo kung anong mangyayare sa kanilang dalawa pag hindi kayo nakipaglaro sa akin?" Saka sya tumawa ng sobrang lakas.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon