Chapter 7

939 106 0
                                    

Matapos kumain ay agad na rin naman naming napagyayaan na matulog na. Gusto na kasi naming magpahinga ng dahil sa haba ng araw. At saka may bukas pa naman para sa paghahanap kay Kyle.

Kung mahahanap pa namin sya..

Tila nawawalan na ako ng pag asa na makita pa sya. Naglalagi lang sa ibat ibang dako ang killer. Pwedeng pwede nya kaming patayin.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama. Dito sa kwarto ko.

Patuloy kong iniisip kung sino ang pwedeng maging killer.

Alam kong hindi lang sya basta bastang killer.

Kasama namin sya.

Kaklase.

Napaisip kasi ako sa mga sinabi ni Charles. Alam kong may gusto syang sabihin sa akin na dinaan nya sa pag lo logic.

Iniling ko na lamang ang aking ulo at ipinikit ang mga mata.

Nang biglang isang nakakabinging serena ang syang gumising sa inaantok kong diwa.

Napaupo ako at tarantang tumayo.

Narinig ko na rin ang mga katok nila Anthony at Sheena sa labas ng kwarto ko.

"Ben! Ben!" Sigaw nila habang patuloy sa pagkatok ng pintuan ko.

Agad ko iyong binuksan at agad na bumungad sa akin sila Anthony, Sheena at Arvic. Sila sila kasi ang mga kalapit kong kwarto.

"Ano yun!?" Sigaw ko saka naglakad palabas ng kwarto. Nagsisilabasan na rin ang iba na parang nagising rin sa sirenang yun.

Napalabas tuloy kami ng wala sa oras palabas ng hotel. Napunta kami sa gitna ng malawak na track 'n field. Napansin ko kasi dito ang linya na tinatakbuhan ng mga runners.

Dito medyo wala na yung sirena pero maririnig parin namin.

"Ano yun?" Tanong ni Anthony.

"Malamang sirena." Pabalang na sagot ni Sherwin kaya muli nanaman silang nagsamaan ng tingin.

"Di na kayo magtigil. May panganib nanaman nga eh." Inis na sabi sa kanila ni Cloe.

Natahimik na lamang sila.

"So, ano nanaman toh? Some kind of joke?" Sabi ni Elizabeth. Malamang ay inis nanaman sya sa kung sino man ang gumawa nun.

"Its not just a joke." Nakatulalang sabi ni Belladel.

Napatingin kami sa kanya na nakatulala lang sa isang lugar.

Sinundan namin ang anumang kinatitingnan nya at doon nakita namin ang bulto ng taong naka maluwag na hood pababa sa kanyang talampakan.

Napasinghap kami ng may hawak hawak itong matalim na katana. Pero ang mas ikinagulat namin ay ang may dala dala pa itong latigo sa kabilang kamay.

Natakot kami ng iangat nya ang kanyang mukha.

"Joker.." nabulong ko na lamang

Choi's POV

Umurong ako ng bahagya dahil sa takot sa kung ano ang susunod nyang gagawin.

Pag urong ko ay agad kong nahawakan ang braso ni Joyce. Napatingin ako sa kanya at kahit rin sya sa akin.

Nagkatitigan kami at naputol lamang yun ng makarinig kami ng boses. Hindi lang basta boses. Galing yun sa killer.

"Good evening, classmate." Sabi nito at muli nanaman naming narinig ang mala demonyo nitong tawa. Well. Literally naman syang demonyo eh.

Mas hinawakan ko lamang ang braso ni Joyce.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon