Author's:
Nakakainis talaga. Nakakainis nakakainis nakakainis!
Nawala yung chapter 12.2 hayst!
Ngayon. Ulit ulit ulit ulit ulit ulit uli!
Nakakainis talaga!
Expect na pati ang chapter 13 ay magbabago. Sana'y nabasa nyo yung note ko bago binura ang 13 at binago ang 12.
Ngayon ulit from the top! Hayst!
~¤~¤~
Benedict's POV
3:07:55 am
*alarm rings*
Napakunot ako ng noo ng marinig ang alarm na yun. Parang may mali sa alarm na yun. Teka.. may mali talaga eh.
Kakaiba ang alarm ngayon dahil its only 3 in the morning then natapos na agad ang game.
Napatingin ako kay Sam.
"Tapos na yung game?" Tanong nya at akmang aalis na sana ng pigilan ko sya.
May mali talaga akong nararamdaman eh.
Teka..
Ibig sabihin lang nito..
Bumagsak ang mga balikat ko sa naisip ko.
Nanalo nanaman sya.
Walang wala ang lahat ng kapaguran at panalangin ko sa ma bathala dahil sa mga nangyare ngayon. Nakakainis talaga at nanalo nanaman sya.
Just great.. (insert sarcasm)
Maya maya nagising na lamang ako sa mundong ibabaw ng marinig ko ang matinis na tunog na walang dudang nagmumula sa speaker.
Ilang minuto nga lang ay narinig na namin syang magsalita.
Sumilip rin ako kung talagang hindi na sya nakikipag laro sa amin.
Tahimik na nga ang labas. Hindi katulad kanina na palaging may tumatakbo at nagsisigawan.
Iniisip ko rin kung sino na ang mga namatay.
Nalukot ang mukha ko dahil sa naisip ko.
"Attention: all students, please gather at the auditorium. Once again. All students, please gather at the auditorium." Sabi sa speaker at agad na rin namang nawala ang boses doon.
Nang marinig na ang mga dapat na marinig ay agad ko ng binuksan ang pintuan ng classroom na pinagtataguan namin ni Sam.
"Mauuna na ako. Pupuntahan ko lang sila Mika." Pagpapaalam nito sa akin.
Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Mag iingat ka." Sabi ko sa kanya.
Nginitian nya ako at naglakad na.
"Mamahalin pa kita." Bulong ko na alam kong malabo nya ng marinig dahil nakalayo na sya.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Bakit ba hanggang ngayon hindi ko matanong tanong sa kanya kung gusto nya rin ba ako?
Sumasakit na ang ulo ko dahil sa kaiisip na baka hindi nya ako gusto. Na baka ako nalang ang nagpapaniwala sa sarili kong meron syang nararamdaman sa akin.
Napanguso ako at nagsimula na ring maglakad papuntang auditorium.
Hindi ko na sasabihin kung paano ko nalaman ang papuntang auditorium.
Ikaw ba namang minsan ng makapag tago rito eh. Hindi mo pa ba matatandaan yung lugar na yun.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko sila Dex kasama si Charles na pawis na pawis.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...