Third person's POV
(Ang gulo ko rin minsan ano? Hayst! Tae naman kasi! Kelangan ko ng humingi ng tulong kay Live CCTV para magkwento! Sige na nga mabalik na sa story!)
Dumating ang oras ng inaabangang JS Prom ng lahat ng Grade 9, Grade 10, and Senior High students. Talaganag wala ng makapag hintay na sumayaw sa napaka laki at napaka eleganteng dance floor sa pinaka gitna kung saan doon nakasabit ang pinaka malaking chandelier na syang ibinili ng school para lamang ilagay roon.
Kanya kanyang magagarang suot ang mga estudyante habang naglalakad sila papasok ng eleganteng grand entrance.
Mga naka ngiti habang naka suot ang mga kamay ng mga babae sa braso ng mga lalaki. Inaalalayan ng mga ito ang mga ka pareha na maglakad sa mahabang red carpet papasok ng main door kung saan doon gaganapin sa loob ang mahalagang okasyong gaganapin ngayong taon para sa mga Senior High.
Habang naglalakad ang ibat ibang mga estudyante papasok ay agad na natitigil ang mga mundo ng mga ito sa tuwing may mga 9-1 students na pumapasok sa grand entrance at naglalakad sa mahabang red carpet.
Nagsipasukan na ang mga couples.
Una sila Jason at si Jerryline na naka white tube gown na bumagay sa kutis nitong morena. Naka formal naman na kasuotang panlalaki si Jason at may suot na puting kurbata. Aba! Mukhang ikakasal na ang mga ito ah!
Lahat ng estudyanteng nasa section ng 9-1 ay nakasuot ng mga puting damit. Walang nag iba ng kulay ng damit sa kanila. Ito ang nagsisimbolong sila ang mahalagang panauhin sa araw na iyon. Dahil sila pa lamang ang 9-1 na biglang nawala at bigla ring lumitaw ngunit kakaunti na lamang. Nagpapahiwatig na maraming nawala sa kanila at ang nakipag laban sa killer.
Sunod na pumasok sila Sherwin at ang kapareha nitong si Maja
Maya maya sumunod si Samantha at si Allen. Mga nakangiti ang mga ito. Ngunit, iba ang mga ngiting ibinibigay ni Allen. Hindi lang yata ito pansin ng iba.
Sunod si Cloe at ang Boyfriend nitong si Jasper.
Si Joyce at si Choi ang kasunod matapos pumasok ang dalawang iba pang couples.
Sabay sabay na pumasok si Arvic, Charles Agasa, LJ at Belladel sa grand entrance.
Matapos ay sumunod sila Elizabeth at Ahrjay.
Si Mary at Anthony ang magka partner na sumunod sa naunang couple.
Si Qeannu ang kapartner ni Glaiza na pumasok sa loob.
Matapos ay si Reinalyn at Khentlee ang sumunod.
At mag isa namang naglakad sa red carpet si Mikaella. Suot suot ang magara nitong puting simpleng bistida na pinaulanan ng glitters.
Masaya na ang lahat ng makapasok na si Mika sa loob ng hall. Naupo sya sa table na inokupahan ng school para doon sila maupo.
Matapos ay masaya silang nag kwentuhan at pilit iwinaksi ang problema sa kanilang pag iisip.
Maya maya ay nagtanong si Reinalyn.
"Wait, nasaan si Kenji?" Tanong nito na syang ikinatigil ng lahat.
Kinabahan nanaman sila sa kung ano na ang nangyare sa isa nanaman nilang kaklase ng marinig nilang mag ring ang cellphone ni Sam.
Kinuha nya iyon sa maliit nyang pouch bag at sinagot ang tawag.
"Okey." Narinig nilang sabi nito sa kabilang linya bago ibaba ang tawag.
"Sino yun?" Tanong ni Allen sa kanya.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Misterio / Suspenso[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...