Chapter 27

647 66 0
                                    

A/N:

#1

Happy happy happy rank#69 in Mystery/Thriller! Super saya talaga! At dahil dyan! Bubusugin ko kayo ng update ko!😂😂😂

Boyfriend and Girlfriend thingy♡

Ahrjay ♡ Elizabeth.

Muli... wala pong ibang side story sila Elizabeth at Ahrjay na may kaugnayan sa "9-1: Section of Death". Malayong malayo ang personality nila Ahrjay at Elizabeth dito sa Ahrjay at Elizabeth na ginawan ko ng 'one Shot' entitled "Taking Risk". Kahit basahin nyo iyon. Malayong malayo ang personality. Ty!

~¤~¤~

Elizabeth's POV

"Biee<3..." pagtawag sa akin ni Ahrjay habang nilalaro laro ang dulo ng buhok ko.

Naririto kami ngayon sa green house ng campus. Wala naman siguro si Joker ngayon para lang makipaglaro.

Kasi kung makikipaglaro sya. Dapat kanina pa nagsimula. Dapat nga may nakukuha na isa man sa amin eh.

Ohhh.. tinatawag pala ako ng Biee ko. Hihihi..

"Yes, Biee?" Tanong ko sa kanya at pilit syang tiningnan kahit pa naka sandal ang ulo nya sa balikat ko.

"Kahit anong mangyare palagi mong iisipin na nandito lang ako. Handang handa kitang protektahan kahit kanino. Kahit kay Joker pa." Nakangiti nyang sabi kahit pa nahihirapan syang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako ng malungkot. Tila hindi nagustuhan ng puso ko ang anumang sinabi nya sa akin. Kahit na sa pandinig ko ay sobrang nakakakilig. Kabaliktaran nito ang sinasabi ng puso ko.

Hindi nakakakilig.

Nakakatakot.

Nakakakaba.

Natatakot akong dahil sa pagliligtas nya sa akin ay mawala sya sa piling ko.

Matagal ko na syang minamahal. Matagal na rin kaming magkasama.

At ayokong sa isang iglap lang ay mawawala sya ng parang bula sa akin.

Gusto ko pa syang makasama ng matagal na matagal. Sobrang tagal.

Gusto kong mawala sa mundong ibabaw ng kasama sya...

Kaya pag inisip kong mawala sya sa akin? Hinding hindi ko kakayanin.

Kasi mahal ko..

"Oh Biee.. natahimik ka yata?" Tanong nya sa akin at bumangon mula sa pagkakahilig nya sa balikat ko.

Alala ang mga mata nya akong tiningnan.

"Biee..." pagtawag nya sa akin.

Walang pasabi ko syang sinugod ng yakap. Yakap yakap ko lang sya ng mahigpit na mahigpit. Tila hindi ko na sya pakakawalan. Tila ayoko na syang mawala pa sa akin.

Hindi ko na rin mapigilan ang pagluha ko. Iyak lang ako ng iyak habang yakap yakap ko sya.

Palihim akong umiiyak ng mapahikbi ako ng wala sa oras.

Mukhang naramdaman nya ring nababasa na ang balikat nya kaya pilit syang kumalas sa pagkakayakap namin.

At nagtagumpay naman sya.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Bakit? Anong problema bakit ka umiiyak?" Alala nyang tanong sa akin habang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi.

Napanguso ako habang hawak hawak ko ang dalawang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.

Ipinunta ko iyon sa aking labi saka iyon hinalikan..

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon