Tulad nga ng inaasahan. Dahil sa nahuli ng kanilang teacher si Ashley sa aktong kumukuha ng answer sheet.
Si Ahliya na nga ang tuluyang naging valedictorian ng kanilang taon.
Sobrang saya ng lahat dahil sa rami ng nauwi nitong rewards. May rewards rin namang natanggap si Ashley pero hindi iyon ganun karami tulad ni Ahliya. Limang medalya. Sino ang nagsuot niyon sa kanya? Isa sa mga teacher nya. Samantalang, kasama nya ang buong pamilya nya. Nanonood at natutuwa nang nagsimula ng umakyat ng stage si Ahliya.
Ang mismong papa nila ang nagsabit ng medalya nito sa kanya.
16 medals, 12 certificate, with high honors pa sya.
Top 1, valedictorian nga.
Kumikinang at halos naka yuko na lamang ito noong nagsalita sya ng kanyang pasasalamat sa stage.
Matapos ay sabay sabay na inihagis nila ang kanilang mga sumbrero sa itaas matapos ilipat ang tali nito sa kabilang gilid.
Nalulungkot parin si Ashley. Bago pa man tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha ay nagtatatakbo na ito paalis ng school.
Palabas na sya nun ng gate ng kanilang school ng may kung anong kotse ang pumarada sa harapan nya.
Kahit nanlalabo ang paningin ay kita nyang bumaba ang isang matipunong lalaki mula sa sasakyan saka sya binigyan ng panyo.
"Tito Raul?" Umiiyak nitong pagtawag sa kanya.
"Ako nga." Nakangiti nitong sabi saka nya ginulo ang buhok ng batang paslit.
"B-bakit p-po kayo nandito?" Humihikbi nitong sabi.
Lumuhod naman ng bahagya ang lalaki at tinapatan si Ashley.
Pinunasan nya ang mga luha nito at ngumiti ng matamis.
"Sinusundo na kita."
~¤~¤~
Lumipas ang isang linggo.
Nagising si Ashley sa kanyang bagong kwarto. Napa upo sya saka nag inat inat.
Habang nag iinat ay bigla nyang naisipang bumaba para hanapin ang kanyang tito Raul.
Ang kanyang tito Raul ang syang kapatid ng kanyang papa. Close ang magkapatid kaya naman noong nakiusap si Raul sa kapatid nitong sa kanya na muna manirahan si Ashley. Pumabor naman ito agad sa kanya dahil na rin sa nangyare.
Sa isang linggong lumipas. Napalapit sa isat isa ang dalawa. Nagkapalagayan ng loob dahil na rin sa magkaparehong magkapareho sila ng ugali.
Na e enjoy rin nila ang company nila sa isat isa.
Kaya nga ang tawag na ni Ashley rito ay:
"DADDY!!!" Pagtawag ni Ashley sa kanyang tito Raul nang makita nya itong nagkakape sa kanilang dining area.
Nakangiti naman itong sinalubong ng halik ni Raul. Hinalikan nya si Ashley sa noo nito bago ito umupo sa kaliwang bahagi nya.
"Kamusta naman ang tulog mo, Sweety?" Malambing nitong tanong sa kanya.
"Hmm! Masarap, dad." Nakangiti nyang sagot sa kanyang tito.
Sa tagal na nyang naninirahan sa mundo. Ngayon nya lang naramdaman ang mahalin ng isang ama sa piling ng kanyang tito Raul. Dito nya naramdamang higit pa sa spesyal ang tingin nito sa kanya.
Para sa kanya. Anak na talaga ang tingin nya kay Ashley.
Ang taong nagpuna ng pagmamahal ng isang ama na nangungulila sa kanyang anak.
Byudo na si Raul. Ang asawa nito ay nasama sa pagpatay ng mga minassacre na hote dito sa Pilipinas. Kinuha na nga sa kanya ang kanyang asawa. Sinama pa ang kanyang kaisa isang anak na babae.
Si Mae.
Galit na galit sya sa nang massacre sa hotel na iyon. Kaya nadamay pa ang kanyang mag ina.
Feeling nya mamamatay na rin sya ng mga panahong nalulumbay sya sa piling ng anak. Mahal na mahal nya ito at kaya nyang gawin ang lahat para lamang dito.
Nang minsan syang bumisita sa bahay ng kapatid ay doon nya nakita si Ashley at ang kakambal nitong si Ahliya.
Naging magkasundo sila ni Ashley kahit pa iba ang ugali nito kumpara sa kakambal nito.
Masungit kasi ito at talaga nga namang spoil kung titingnan.
Doon nya nakita sa kanya si Mae.
Masungit rin kasi ito pero sweet at mabait na bata.
Kaya nang malaman nya ang nangyare patungkol sa pagkuha ng answer sheet ni Ashley.
Agad nyang kinausap ang kapatid saka sinabi ang pakay.
Sa kanya na muna maninirahan si Ashley.
Nabalik sya sa realidad ng marinig nyang magsalita si Ashley sa tabi.
"Dad, you're spacing out." Seryoso nitong sabi sa kanya.
Agad namang ngumiti si Raul saka sya muling humigop ng mainit na kape.
"Why are you always spacing out, dad?" Tanong pa nitong muli.
"I just thingking.. kung ano ba ang pwede kong ipangalan sayo. Tutal sabi mo nga sa akin. Ayaw mo na muna sa pamilya mo. And... gusto mo ring mag bago ng katauhan para hindi kayo mapagkumparang magkakambal. So... may naisip a na ba?" Tanong nya kay Ashley.
Napanguso naman si Ashley na animoy nag iisip ng magandang pangalan.
"Akala ko kasi tito hindi ka seryoso ng sabihin ko sayong gusto kong magbago ng katauhan." Nakapalumbaba na sabi nito sa kanyang tito.
Agad namang tinabig ng kanyang tito ang nakapalumbaba nyang kamay saka sumimangot ng parang bata.
"Masama sa hapag ang naka palumbaba, Ashley. Mawawalan tayo ng masaganang biyaya nyan." Pangaral nito sa kanya.
Mas lalo lamang syang ngumuso.
"Sorry po." Nasabi nito.
Huminga ng malalim ang kanyang tito.
"So.. mabalik tayo sa pinag uusapan. Ano na nga bang bagong pangalan mo?" Tanong nito sa kanya.
Sandaling nag isip ng mataman si Ashley. Natahimik rin ang kanilang hapag. Nakaka tatlong higop na si Raul ng kanyang mainit na kape ng maka isip na si Ashley ng kanyang bagong pangalan.
"Tito.. kapag nalaman nyo na kung anong bago kong pangalan. Ano ng gagawin nyo?" Tanong nito sa kanyang tito.
Kumunot naman ang noo ng kanyang tito.
"Hmm.. babaguhin natin lahat ng papeles mo. Birth certificate. Parents. Passport. Lahat lahat babaguhin natin." Nakangiti nyang sabi sa pamangkit.
Natawa naman si Ashley.
"Seriously? Tito, bakit pati mga magulang?" Tanong nito sa kanyang tito.
Tumawa naman ang kanyang tito.
"Di naman sa ganun, Ash. Pero ang sa akin lang. Diba sabi mo gusto mo ng magbagong tao. Kaya syempre. Lahat babaguhin sayo." Naging seryoso bigla ang boses nito.
Natahimik na lamang sya saka ginalaw galaw ang pagkaing nasa harapan.
"Bakit, Ashley. Ano bang gusto mong mangyare?" Tanong nito.
"Gusto ko po sanang. Sila mom and dad parin ang mga magulang ko. Gusto ko rin sanang ang pangalan ko lang ang magbabago. Pero ang apelyido ni mama ang gagamitin ko." Sabi niya sa kanyang tito Raul.
Napatango tango naman ang lalaki sa sinabi nya.
"Then, spill out. What's your new name?" Nakangiting sabi ng kanyang tito.
Sandali syang natahimik. Pagdakay iwinika ang nagustuhang bagong pangalan.
"Jonalyn.. My new name is Jonalyn Marie Bombales."
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...