S.2 - 35

379 21 0
                                    

Jonalyn's POV

(Pyuh! Nagkaroon na ulit ng tauhan POV! Nakakabanas hindi ako sanay mag third person! Okey mabalik na nga tayo sa kasalukuyan at ayoko na sa nakaraan! Hugot? Hays! Nababaliw nanaman ako! Ito na nga yung story!)

Matapos kong ikwento ang nangyare sa buhay ko sa nakaraan ay nanatiling tahimik si Benedict. Wala syang sinasabi kahit isang word kanina pa. Nakikinig lang sya sa bawat galit at lungkot na syang ibinibigkas at inilalabas ko sa kanya.

Natahimik kami ng halos ilang minuto hanggang sa nagsalita na sya. Anyway. Wala rin naman akong balak magsalita. Im done with this. Tapos ko ng sabihin sa kanya kung ano ang dahilan ko now tell me kung may masasabi pa ako sa ma ugali nila? Wala. Wala na talaga. Mag aaksaya lang ako ng laway.

"Mali.." pagsabi nya.

Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya.

Tuliro ang mga mata at parang balisa sya. Pinagpapawisan sya kahit pa malamig ang klima rito at napansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay at mangilan ngilan na pagtaas baba ng kanyang lalamunan.

"Anong mali?" Tanong ko sa kanya.

"Maling mali..." ang tanging nai usal nya lamang.

"Tell me. Anong mali sa mga sinabi ko. Nalaman mo naman na kung ano ang dahilan kung bakit ko nagagawang patayin kayo isa isa!? Ben, akala ko ba matalino ka!?" Inis kong sigaw sa kanya.

"Jonalyn! Mali! Mali na pinatay mo ang mga kaklase natin dahil hindi! HINDI NAGPAKAMATAY SI AHLIYA! PINATAY SYA! PINATAY SYA!"

Yan ang sinabi ni Benedict matapos nun ay ang pag ikot ng aking paligid at ang pagbagsak ko sa sahig.

~¤~¤~

Benedict's POV

Nang sabihin ko kay Jonalyn ang mga katagang iyon ay nawalan sya ng malay.

Agad ko syang dinaluhan saka sya binuhat at nagmamadaling itinakbo ang bahay na tinitirahan ko ngayon. Malapit nalang kasi ang bahay ko rito sa park kung saan kami nagkausap kesa sa balikan pa namin ang kotse nya doon sa Seoul.

Nang makarating na ako sa bahay ay agad ko syang ibinaba sa sofa bed ko dito sa bahay at saka ako dumiretso sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Bumaba na rin ako kaagad at binuksan ang heater dito sa salas. Para naman mainitan kahit konti si Jonalyn.

Matapos ay kumuha ako ng face towel at maligamgam na tubig.

Ibinabad ko ang fae towel sa tubig saka na ito ipinamdampi dampi sa noo nya.

Habang nakatingin sa kanya. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa nangyare kay Jonalyn--- I mean. Kay Ashley. Oo nga pala. ang totoo nyang pangalan ay Ashley.

Pero, sya parin si Jonalyn na naging mabuti kong kaibigan at hindi yung other side nya na kinain na ng galit ang buong pagkatao dahil na rin sa lahat ng mga nangyare sa kanya.

I can't believe na kakambal nya pala si Ahliya.

Oo, nagkasala rin ako kay Ahliya dahil naroroon ako nung mga panahong binubully sya pero wala akong ginawa. Wala talaga akong ginawa at pinabayaan lamang sya.

Napangiti ako ng mapait.

May isa pa pala akong kasalanan..

Ngayon, alam ko na kung sino pa yung isang mamamatay tao.

At yun?

Alam kong sya ang dahilan. Sya ang puno't dulo nga lahat. Sya ang ugat ng problema kung bakit ito nangyayare lahat.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon