Chapter 6

990 105 0
                                    

John Benedict's POV

Nakarating na kami sa hotel kung saan nandoon na ang mga kaklase namin.

Pinagpapawisan kaming lahat kahit na ang lamig lamig na ng gabi.

Hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikita sila Agasa at Kyle.

"Ano ng nangyare? Nakita nyo ba sila?" Bungad na tanong ni Charles Mendoza sa amin. Kami nalang pala ang hinihintay ng mga kaklase namin.

"Wala kaming nakita. Nakarating kami ng auditorium, library, oval, green house, at isang building pero wala kaming nakita." Hinihingal pa na wika ni Reinalyn.

Napatingin sa akin si Mikaella. Tila nag aantay na magsalita ako.

Umiling iling lamang ako. Nawawalan ng pag asa na makita pa namin sila Agasa at Kyle.

Kita ko ang pagpatak ng luha ni Mary dahil isa sa matalik na kaibigan namin si Charles at ang pag takip ni Mikaella ng mukha nito at ang pagtalikod sa amin.

Napayuko na lamang ako. Nag iisip parin ako sa mga posibilidad ng mga nangyayare sa amin.

Natahimik kami..

Hanggang sa nagsalita si Jonalyn.

"Kumain na muna tayo. Mukhang hindi naman tayo pinapabayaan ng killer dahil nakahanda na lahat ng pagkain sa hapag." Mahaba nyang sabi. Walang mababakas na emosyon sa bawat salita nito. Alam nyang mabigat ang bawat nararamdaman ng lahat. Kaya siguro kahit na mag joke ako walang ngingiti.

Dahil siguro sa gutom nagsi sunuran na rin kami kay Jonalyn papunta ng dining area.

Nang makarating ay agaran kaming napa hinto at tiningnan ang masasarap at nakakatakam na nakahanda sa hapag.

Agaran na kumalam ang aming mga sikmura.

"Mabait nga..." nasabi ni Hanna saka na nagsimulang tumakbo sa isa sa mga upuan at doo'y dumampot ng dumampot ng pagkain.

"Oy! Tirhan mo naman kami, Hanna!" Sigaw ni Maja saka na rin nagsisunuran ang iba sa pag upo sa hapag.

Sumunod na rin ako at umupo na rin. Napapagitnaan ako nila Arvic at ni LJ. Kanya kanyang kain na rin ang nangyare sa amin. talagang nagutom kami sa paghahanap sa kanila.

Habang kumakain. Hindi maiwasang magbiruan at mag kwentuhan sa mga nangyare. Iniisip kung sino ang susunod. Syempre nakisali na rin ako para hindi ako OP.

Kinalimutan namin ang anumang nangyare sa nakaraan. Ayaw muna naming balikan ang mga nawala na naming mga kasama. Para sa amin nandito parin sila. Nakikitawa at nakikipagbiruan.

Naputol ang kung ano mang masaya naming salu salo ng may biglaang bumukas ng pintuan ng dining area.

Natigil kami at napatingin sa lalaking kapapasok palang.

Nanlaki ang mga mata namin ng makilala na namin sya.

"Charles!" Sigaw ni Mary at patakbo pa nitong tinungo si Charles para mayakap.

Napangiti ako. Kita ko ang kawalan ng ekspresyon ni Charles. Teka.. parang may mali.

"Charles! Buti naman ligtas ka! Saan ka ba nanggaling!?" Tanong naman ni Anthony na ngayon ay papalapit na rin sa kinalalagyan ni Charles.

Ngumiti ng tipid si Charles.

"Anong nangyare sayo?" Tanong naman ni Kenji.

Kita ko ang pagbaba at pagtaas ng lalamunan nito at parang tagos sa pader kaming tiningnan.

"A-ahh.. D-dyan lang sa tabi tabi. U-una kasi akong nagising sa inyo k-kanina. Kaya naisipan kong maglibot ng campus." Mahina nitong sabi sa amin.

Nagtaka man ako sa sinabi nya dahil gabi na pero naglibot libot pa sya. Ay hinayaan ko na lamang dahil kaibigan ko naman si Agasa. Alam kong mapagkakatiwalaan sya.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon