Chapter 33

590 57 2
                                    

A/N: labasan na ng mga killers!

Bunyagan time!

Starts now!

(Not litterally na magpapakilala na yung killer. Magbibigay lamang ito ng mga clues and ideas na pwedeng magamit para sa killer na ito.)

Sino kaya sya?

O?

Sino sino kaya sila?

~AmISaying

~¤~¤~

Third Person's POV

Pilit na iniintindi ng lahat na baka pinagkaisahan lamang sila ng killer na pagbintangan si Sheena. Alam nilang matalino--- hindi pala matalino kundi mas mautak sa kanila ang killer. Kayang kaya sila nitong patayin in just a snap of a fingers.

Lahat nasa labas. Liban ka Choi na nasa kwarto ni Sheena.

Nalinis na ang crime scene. Sila pa nga ang naglinis. Inihiga na si Sheena sa kanyang kama at ito'y kinumutan. Kaugalian na kapag may namamatay sa kanila.

Muling pinag aralan ni Choi kung paano nagpakamatay si Sheena.

May laslas ito sa pulso habang naka bigti ito sa ere.

Imposibleng magawa nya yun ng nag iisa. Kung sa mismong pagla laslas ay mamatay na sya. Hindi nya na kaya pang isabit ang katawan nya sa ere at makapag sulat na sya ay kasabwat ng killer.

And that explains it..

Hindi sya basta basta naging kasabwat ng killer. Pinatay pa sya nito.

Napahimas sya sa kanyang noo. Napahawak sya sa kanyang baba. Tila hindi makpaniwala sa isinisigaw ng isipan.

Pero tulad nga ni Vicson. Pinaslang nya na rin ang pwedeng magpahamak sa kanya.

Pero nasaan na nga ba si Vicson?

Itatanong nya palang sana sa mga kasamahan sa baba kung may update na ba kay Vicson ng biglang magsisisigaw ang lahat ng babae sa ground floor na syang ikinamadali nya pababa ng ground floor.

Halos magkanda dapa dapa na sya sa pag takbo sa mahabang pasilyo at halos magpagulong na lamang sya sa hagdan sa sobrang pagmamadali.

Nagkakagulo sa sala. Lahat ng mga kaklase nya ay nakatingin lang sa iisang larawan na syang nakapaskil sa flat screen tv.

Larawan kung paanong brutal ang pagkakapatay kay Vicson.

Mga pako na syang tumusok sa kanyang kuko. Mga kutsilyong tumarak sa kanyang dibdib. Ang bali nitong binti na kitang kitang humiwalay na sa butong nagdudugtong rito at ang basag nitong mukha.

Hindi maatim ng lahat ang ganoong nakikita kaya agad na gumawa ng aksyon si Benedict at agad na tinanggal sa saksakan ang tv. Pero ang mas nakakamangha. Ni hindi man lang namatay ang tv. Para na itong naka permanent sa screen nito.

Sa sobrang inis ni Khentlee ay itinaob nito ang tv saka ito pinabayaang bumagsak at masira sa sahig.

Hindi pa sya natinag at pinagtatatapak pa ang screen nito hanggang sa mabasag.

Doon lamang tuluyang nawala ang larawan sa screen ng tv.

Habang nag iiyakan ang mga babae ay si Mary ang nanguna rito para patahanin ang mga ito sa kusina.

Na syang malaking pagkakamali nya dahil doon. Doon naghihintay ang magandang bungad ng killer sa kanila.

Muling dumagundong ang napakalakas na sigaw ng mga babae sa hotel na kinalalagyan nila.

Muling nagsitakbuhan ang mga lalaki patungo sa kinalalagyan ng hiyaw ng biglang mawalan ng ilaw ang bawat paglagyan ng ilaw.

Para bang kinain sila ng walang hanggang kadiliman. Mas lalong lumakad ang kilabot sa kanilang mga katawan. Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso. Natahimik sila at tila nakikiramdam sa paligid.

Tumingin sila sa labas. Napansin ang maliwanag na buwan na syang nagbibigay liwanag sa dilim na kinalalagyan nila.

Kanya kanyang hawak. Kanya kanyang hila palabas ng hotel at magtipon tipon sa malawak na ground ng campus sa tapat lamang ng hotel. Pinaka gitna ng campus.

Binilang ni Charles Mendoza ang kanilang mga kasama. Kahit papaano ay nakahinga sya ng maluwag dahil walang nalagas sa kanila.

"Anong nangyayare?"

"Nalaman na ba ng Killer ang plano natin?"

"Pesteng killer! Mamamatay na tayo!"

Nahintakutan sila sa mga kanya kanyang naiisip.

At agad na lamang silang nahintakutan ng makita ang isang anino. Kinakabahan sila pero mas nangibabaw rito ang pagtataka.

" Bagong maskara?"

Yan ang iisang katanungang nasa isipan nila. Dahil sa 'Half Brothers' na maskarang nakita nila.

Dahan dahan itong naglalakad palapit sa kanila dala dala ang ChainSaw na gagamitin sa kung sino mang mahuhuli.

"Takboooo!!!" Ang boses ni Benedict ang syang namayani sa katahimikan na gabi.

Pilit nilang hindi pinaghiwa hiwalay ang kanilang mga sarili ngunit hindi nila ma control.

Sa huli namayani ang takot para sa kanilang sarili. Nagsitakbuhan sila sa kani kanilang naisin na lugar na pagtaguan.

May mga pumasok ng gubat. May mga nagsitakbuhan sa building. May mga nagtago sa ibat ibang lugar sa campus.

Magsimula ng matulin na habulin ng killer na may bagong mukha ang isang grupo ng kalalakihang tumakbo papasok ng kagubatan..

Samantala..

"Hmmmm!!! Hmmm!!! Hmmmm!!!" Pilit na sigaw ng isang babaeng na corner ng isang taong hindi nya makilala dahil mula sa likod ay naka akbay ito sa kanyang leeg at nakatakip sa  kanyang bibig ang isa nitong kamay.

"Shhh..." nabigkas nito matapos ay pinakita ang matalas na kutsilyo na kumikinang pa ng tamaan ng liwanag galing sa buwan.

Nagsimulang umagos ang kanyang luha dahil sa nalalapit nyang katapusan. At nagsimulang gumapang ang takot sa kanyang katawan ng dahan dahan sya nitong hilahin papasok sa isang puting kwartong hindi mo maintindihan ang gagawin sayo para sa ikamamatay mo.

Pabalandrang itinuhod sya patalikod nito kaya ito napa luhod at napasalampak sa sahig.

Blurd ang mga mata dahil sa mga luhang natabing roon ay tiningnan nya ang gumaganito sa kanya.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

Lumapit ito sa kanya saka sya nginitian ng matamis. Bagay na syang minahal ng lahat sa kanya.

Pero ang mga ngiting minahal sa kanya. Ang syang magiging ngiti ng may tinatagong sikreto. Tinatagong personalidad.

Lahat lahat sa kanya.

Lahat ay sikreto.

Ibinato sa kanya ang isang maliit na injection. Ginawang dart na syang bumaon sa kanyang braso.

Nakaramdam sya ng hilo. Nahihilo sya dahil sa kemikal na inihalo sa injection.

Bigla syang nakaramdam ng kaba.

Alam nya kasing ito na ang katapusan nya.

~¤~¤~

Author's.

Mamaya nalang uli guys! Iinom lang ako ng gamot:)

Thankie thankie!

^____^

Teka.. hay! Nasaan na nga ba talaga yung libro ko? *buntong hininga*

~AmISaying

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon