Third person's POV
Nasaan na nga ba si Charles Agasa?
Yan ang nakapagtahimik sa masayang pagkwe kwentuhan ng dalawa dahil sa naisingit na pagtatanong.
"H-hindi ko rin alam kung nasaan na sya. Basta ang naging huli naming pagkikita ay nung JS Prom pa. Sya ang nagpaliwanag sa akin ng lahat." malungkot at nakayukong pagsagot ni Samantha pagkatapos ng mahabang oras ng pananahimik nila..
Muli silang natahimik. Hindi na rin nila alam kung ano na ang susunod na sasabihin. Ang tanging nasa isipan lamang nila ay kung nasaan na ang binata.
Pero, nasaan na nga ba ito?
Charles Agasa's POV
Kasalukuyan akong naririto sa bahay ng bigla akong makarinig ng paglagabog sa taas.
Nasa mag probinsya lang naman ako ngayon kung saan nagpapahagin hangin lang ako at pinipilit makalimot sa masasamang alaala na naidulot ng Anna Villancia University sa akin at syempre sa mga kaklase ko.
Napatingin ako roon at agad na napatayo ng makarinig muli ng paglagabog sa taas.
"Ano ba yun?" naitanong ko na lamang sa sarili ko saka ko napagdesisyunang umakyat sa second floor upang tingnan at hanapin kung nasaan nang gagaling ang mga paglagabog na naririnig ko.
Dahan dahan ang bawat pagkilos ko hanggang sa makarating na ako sa itaas.
Pinakiramdaman ko ang mga nangyayare. Wala.
Kung ganun.. Ano yung-----
"Long time no see, Agasa."
Halos manginig ako sa kinatatayuan ko.
Pero, bago pa man ako maka react ay may naramdaman na akong ipinisil nya sa bandang batok ko hanggang sa magdilim na ang paningin ko.
Jonalyn's POV
Walang emosyon ang mga matang nakatingin ako sa nakabulagtang katawan ni Agasa.
Akala nya ba matatahimik na ang buhay nya? Well, tapos na ang mga maliligayang araw na ibinigay ko sa kanila para sa pinaka mahaba kong palugid.
Halos ilang buwan rin akong nagpakalayu layo at nagtago.
And I think its better na tapusin na ang buhay ng mga natitira.
Kung hindi ko lang palaging pinababatayan si Agasa ay hindi ko pa malalamang nababalak syang magsumbong sa mga pulis para sa nangyare sa klase namin.
No, hindi ako natatakot makulong pero kamusta naman si tito? Ayokong sya ang sumalo ng lahat ng problemang nagawa ko.
Kaya imbis na hindi na sya mapahamak ay mapapahamak pa sya.
Im sorry, Agasa. Pero, masyado kang madaldal. Kakanta ka pa sa mga pulis at yun ang hindi ko maaatim na gawin mo.
Tsk. Ka awa awa. Imbis na hindi na sana kita papatayin. Im sorry to tell you na mangyayare na nga ang dapat na mangyare.
Because, ako'y nababalik sa kwento.
At wala ng makakapigil sa aking patayin ang syang tunay na sumira ng buhay ko.
Humanda ka sa muli nating pagkikita...
Allen.
Samantha's POV
Matapos naming magkwentuhan ay its time to say goodbye na ang peg naming dalawa ni Glaiza.
Pero, bago sya umalis ay nagkausap pa kami ng kaunti sa labas ng bahay.
Palagi nyang inuulit ulit sa aking pumunta na raw ako bukas sa bahay nya dahil ipapakilala nya na raw sa akin yung boyfriend nya.
Kaloka na this! Hindi parin nagbabago si Glaiza! Maharot parin as always!.
"Oyy! Basta ah! Bukas kelangan nandoon ka na ng 6 pm! Wag kang male late! Ipapakilala ko pa sayo si the one ko!" paalala nya sabay tawa sa akin.
Natawa nalang rin ako sa kanya.
Binuksan ko na ang gate saka na ako kumaway sa kanya.
"Sige sige. Hindi ko yan kakalimutan." nakangiti kong sabi sa kanya saka ako muling ngumiti.
Napangiti na lamang sya saka na kumaway sa akin.
"Hay! Talagang talaga! Hahanapin kita bukas!" pagpupumilit pa nila.
Napatango tango na lamang ako.
"Oo na po. Pupunta na nga eh. Paulit ulit? Paulit ulit?" sabi ko.
"Oo. Oo." sabi nya rin ng paulit ulit kaya muli kaming napatawa.
"Its getting late na. Umuwi ka na at kanina ka pa may sapak sa utak." pagpapauwi ko sa kanya.
Para naman syang nanigas sa sinabi ko.
"Oh no! Si boyfie! Nakalimutan ko na ngayon pala yung therapy nya! Hala!" sabi nya saka sya nag trantums ng parang bata sa harapan ko.
Napangiti naman ako sa pagkikilos bata ni Glaiza.
"Sige na! Babay!!!" sabi nya saka na sya nagtatatakbo papasok ng kotse nyang nakaparada sa harapan ng bahay ko. Nandoon rin naman yung driver nya sa loob eh kaya no worries.
Kumaway nalang ako.
"Ingat!" naisigaw ko saka na ako pumasok sa loob ng bahay ng makita ko ng umandar na ang sinasakyan ni Glaiza paalis.
Benedict's POV
Nakangiti ako ng malaki ng ibigay nila mama at papa sa akin iyong passport ko kasama na ang ticket plane ko pauwi ng Pilipinas.
"Salamat talaga! Mama! Papa!" masaya kong sabi saka sila niyakap. Rinig ko ang mahina nilang pagtawa bago ako kumalas.
"O sya. Sige at maiwan ka na muna namin. Mag impake ka na at matulog ng maaga dahil bukas ay uuwi na tayo ng Pilipinas." sai sa akin ni papa.
Hinalikan naman ako ni mama sa pisngi.
"Good night na." sabi nito sa akin.
"Good night din po sa inyo. Thank you na rin po." sabi ko.
Tumango na lamang sila saka na sila lumabas ng kwarto ko.
Nang makalabas sila ng kwarto ko ang syang pagmamadali kong magtungo sa aparador ko at kinuha ang maleta ko.
Nagtupi na ako ng mga damit ko habang maingat silang inilalagay sa maleta ko.
Matapos ay ko ipinuwesto ko na ito sa gilid ng kama ko para ready na bukas.
Ngiting ngiti parin akong nahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko kung ano ang maiging reaksyon ni Sam kapag umuwi na ako bukas ng mag ring ang phone ko.
Tiningnan ko ang screen at agad na rin namang sinagot ang caller ng rumehistro ang naa wacky nyang mukha sa screen ng cellphone ko.
"Jona!" bungad ko kaagad ng sagutin ko na ang phone.
[Pupunta si Samantha sa bahay nila Glaiza bukas ng 6pm.] she said.
Napakunot naman ako ng noo.
"Nakaligtas pala si Glaiza noon?" takang tanong ko sa kanya.
[Yes] maikli nyang pagsagot.
"So whats the big deal?" takang tanong ko sa kanya.
[Sabi sa akin ng inutusan kong nagmatyag kay Samantha ay ipapakilala daw ni Glaiza yung boyfriend nya kay Sam bukas ng gabi.] sabi nya.
"Then??? Anong problema eh ipapakilala lang naman pala si Sam?" tanong ko sa kanya.
[Boyfriend ni Glaiza si Allen. At kapag nagkataon na pumunta nga si Sam doon. Hindi ko maipapangakong hindi sya masaktan dahil may kutob akong may mangyayareng hindi maganda.] sabi nya.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Wait, uuwi narin naman ako bukas eh." sabi ko at tiningnan ang oras ng flight namin bukas pauwi.
Agad akong nanlumo. Parang nanlambot yata ang katawan ko ng makita ko kung anong oras pa ang alis namin bukas.
[What time ka ba uuwi?] she asked.
"7 pm... Oh god!" naibulalas ko.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...