11:00:37 pm.
Nagising ako sa nakakabinging sirena.
Pamilyar na sirenang narinig lang namin kagabi.
Napaupo ako sa sofa at agad na pinuntahan si Sam na nagpupungas pungas pa ng mata.
"Dalian na natin." Sabi ko sa kanya at agad syang hinila palabas.
Hindi naman sya nagpapigil hanggang sa makalabas na kami ng kwarto.
Nakita narin naming nagsisibabaan na ang karamihan sa amin.
Nakasalubong ko si Arvic na bumababa.
"Ano nanaman kaya ang gagawin nya?" Inis nitong sabi pero mababakas na kinakabahan rin sya sa mga nangyayare.
Nagkibit ako ng balita habang hila hila parin si Sam.
"Sana ngayon wala man lang mamamatay.." nabulong ko na lamang na alam kong narinig ni Arvic.
"Sana.."
~¤~¤~
11:23:08 pm
Nagtipon tipon kami muli sa isang lugar. Napunta kami sa malawak na park ng campus.
Malay ko kung bakit kami napunta rito. Basta sinundan lang namin yung dalawa.
Anthony's POV
Naglalakad ako sa unahan kasama si Sherwin ng mapansin kong napadpad kami sa park.
"Nasaan na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Aba malay ko sayo. Ikaw ang sinusundan namin." Sabi ni Sherwin sa akin.
Agad akong natigil. Sinamaan sya ng tingin saka bumuntong hininga.
"Sherwin. Wala ako sa mood makipag away sayo. Ikaw ang nauuna sa atin kaya ikaw ang sinusundan namin." Malumanay kong sabi sa kanya.
Ngumuso sya sa akin.
"Hindi ko nga rin alam kung bakit tayo napadpad dito eh. Basta naglakad lang ako." Sabi nya..
Natahimik kami ng makarinig kami ng mabibigat na paa ang naglalakad.
Nagkadikit dikit kami at pinakiramdaman ang paligid.
May naglalakad palapit sa amin!
Si Joker!
Mas napakapit kami sa bawat isa.
Natigil na ang sirena at agad naring natigil sa paglalakad si Joker.
Suot nya ang maskara nyang halos kamukha na ng demonyo. Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman ko.
"2nd night? Not bad na marami rami pa kayong matitibay. At least alam kong hindi nga basta basta ang 9-1." Nakakatakot na boses nitong sabi sa amin.
Pinakinggan lamang namin sya sa mga susunod nyang sasabihin.
"Ngayon maglalaro tayo uli." Kasunod niyon ang mala demonyo nyang tawa. Tawa sya ng tawa. Sana mamatay sya sa kasobrahan nyan ng makaalis na kami dito.
Napaismid ako sa mga tawa nya.
"Matira matibay. Huhulihin ko ang tatlo sa inyo. Kapag may nawalang tatlo alam nyo na kung sino ang napasakamay ko." Sabi nya.
"At kapag hindi mo napagtagumpaya?" Matapang na tanong ni Choi sa kanya.
Muli naming narinig ang kanyang pagtawa.
"Magpapakilala na ako.."
Sabi nito kasabay ang pagsugod nya sa amin dala dala ang dalawang kunai sa magkabilaan nitong kamay.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...