A/N: and Im back again.. dagsaan ng UD eh?
Sino kaya ang nasa likod ng bagong maskara?
Baka mahirapan ako ag POV ng mag POV ng ibat ibang characters. Kaya mag thi third person ako hangga't gusto ko!
The next victim ay nagtanong pa talaga ako kung sya na ba talaga? Kasi di ko naman masyadong ka close ang mga SOLID. Kaya nagtanong pa ako sa isang member ng SOLID. Naisip ko rin na tutal ay lahat naman tayo dito ay mamamatay saka its just Fiction ay sya na ang isinunod ko.
Wag mag alala. Di naman brutal😂😂😂
~AmISaying
~¤~¤~
Matapos ang ilang minutong pag lalaro.
Biglaan na lamang nawala sa dilim ang killer na nakikipaglaro sa kanila. Natigil ang laro kasabay nun ay ang nakakabinging tunog galing sa speaker ang syang sumunod na namayani sa kabuuan ng lugar.
Nagbukas na rin ang mga poste at naging maliwanag ng muli ang paligid pati na rin ang hotel na syang kinalalagyan nila.
Nang matapos ay nakarinig sila ng boses sa speaker.
"Good evening, Classmate." Bungad nito sa kanila. Kasunod ay ang nakakabingi at nakakapanindig balahibo nitong tawa ang syang nagkalat sa kabuuan ng lugar.
Nanginginig sa takot na nagsilabasan sa kani kanilang mga kinalalagyan ang magkakaklase. Napunta sila sa maliwanag na bungad sa tapat ng hotel nilang nagniningning sa liwanag.
Pinakinggan nila ang mensahe ng killer na syang nagsasalita sa speaker.
"Hmmmm... tagu taguan maliwanag ang buwan.. masarap maglaro sa dilim diliman... pagbilang kong sampu nakatakbo na kayo... isa.. may nawawala.. dalawa... babae sya... tatlo... maghanap ng clue... apat.. wag atat... lima.. nakatago sya... anim.. magsimula na.. pito... buhay nya.. walo... matatapos na... syam... sa auditorium... sampu... makikita.." kanta nito na syang ikinatahimik nila.
Nagsimula silang magsitakbuhan ng mabilis papuntang auditorium.
Doon ay napuna nila ang blankong kwarto. Aakalaing pinag ti tripan lamang sila ng killer kung hindi lang kusang bumukas ang mga naglalakihang kurtina kung saan nandoon nakita nila ang isang malaki, glass plastic na mahirap mabasag. Dahil hindi naman talaga iyon nababasag kahit na hampasin mo ng hampasin ng kung ano ano.
Bigla silang kinabahan. Agad na pumasok sa kanila at parang throwback thursday na nag fashback sa kanila ang nangyare kela Josephina at John Lloyd na syang namatay sa Aquarium.
Para bang tulad noon. Wala nanaman silang magagawa sa kung paano makikipaglaro sa kanila ang killer.
Ang sunod na nakita nila ay ang kinatatakutan nilang killer.
Si Joker.
Naglalakad ito.. palibot sa isang maliit na kahon. Kulay puti ito sa loob na nilagyan lang ng salamin sa harapan para makita nila ang mga mangyayare.
Sunod na nangyare ay may kung ano itong pinindot na remote na pasadyang pinakita sa kanila.
Kulay pula ang pinindot nya.
Sunod nun ay ang pag angat ng makinang may pako sa ilalim. Napaka lawak. Napaka tatalim ng pako na nandoon.
Kinakabahan sila sa mga susunod na hakbang ng killer.
Maya maya pa ay umalis ang killer. Para bang may kinuha ito mula sa likuran ng may kalakihang box.
Mas lalo silang kinabahan ng pabagsak na ibinalandra nh killer ang babaeng tinutukoy nito sa speaker.
"FAYEEEEEEE!!!!" Ang pangalang umalingawngaw sa loob ng malawak na auditorium. Ang boses ni Mikaella ang syang nasasaktang makita ang kaibigang nahihirapan.
Dahil sa mga patak ng pulang mantsa sa uniform ni Faye. Napagtanto nilang ginulpi na muna ng killer si Faye bago nito makikipaglaro sa kanya.
Pero anong klaseng laro?
Nagwawala ang lahat ng SOLID sa loob ng auditorium. Pinagtulung tulungan pa nilang buhatin ang malaking bangkong bakal sa isang gilid saka ito inihagis sa salaming plastic.
Pero ano ang napala nila? Wala? Tumalbog rin ito pabalik sa kanila na syang kamuntik muntikan na nilang ikapahamak.
Pinakalma ng mga babae si Mika na iyak na ng iyak ngayon sa sobrang pag hihinagpis.
Gusto nyang maligtas si Faye na nasa kamay na ngayon ni Kamatayan.
Samantala..
"Ano Faye? Naaalala mo na ba?" Tanong ni Joker sa kanya.
Walang ibang nagawa si Faye kundi ang umiyak ng umiyak.
"P-patawad... p-patawad patawarin mo ako.." umiiyak na sumamo nito sa kanya.
Pero napailing sya. Umiling iling ng paulit ulit saka naglakad lakad.
"Gaano nga ba kasakit ang tapunan ka ng mga masasakit na salita? Loner ng dahil sa tsismis? Palaging umiiyak sa kwarto? Dahil sa mga maling paratang na ipinaparatang sa kanya? Gaano kasakit kaya yun, Faye?" Tanong ng killer sa kanya.
Patuloy sa pag iyak si Faye.
"Kaya ba ganito ang uri ng iyong paghihiganti? Ang patayin kami isa isa?" Matapang nitong tanong sa kanya.
Natawa sya.. sa mga pinagsasasabi ni Faye? Wala syang pinakinggan.
Dahil binalutan na ng galit at poot ang kanyang mapagmahal na puso.
"Hahahhaah! Faye... Faye... Faye... hindi naman ako ganito noon eh. Binago lang naman ako ng galit. Galit na naramdaman ko sa inyo. Galit na syang nag ngingitngit at nagtutulak sa aking maghiganti." Sambit nito bago sya muling tinadyakan sa tagiliran.
Napaubo sya ng dugo. Sa sobrang lakas.. gusto nya ng matulog nalang..
"Pinag isipan ko ng mabuti ang bawat hakbang ko... magmula doon sa nag transfer ako sa school. Palagi nalang akong nagpapapansin. Kapansin pansin ba? Peste! Kayo lang ang nakikita ng lahat! Di hamak na mas matalino ako sa inyo! Bakit nanatili ako sa baba? Bakit? Dahil hindi na patalinuhan ang usapan. Pera.. Pera.. Pera.. lahat kayo... lahat lahat! Pera ang labanan kaya kayo nasa top!" Nag ngingit ngit ito sa galit habang sinasabi iyon.
Naiyuyukom nito ang kamay na natatabunan ng mahaba't maluwang na long sleeve ng hood.
"Sorry..."
"Ano pa ang magagawa ng sorry mo?!" Galit na galit nitong sigaw.
Natahimik si Faye. Natakot.
"At ngayong wala ng magagawa pa ang mga sorry nyo. Mas mabuting makipaglaro nalang kayo sa akin ng mabuti. Sundin nyo ang rules and regulations kung ayaw nyong mapahamak." Nakangising parang demonyo nitong sabi bago binuksan ang malaking salamin ng box.
Malakas na tinadyakan nito si Faye papasok ng box saka ito sinarado.
Kasabay nun ay ang pag labas ng timer sa loob. Meron silang 10 minutes. Ang sabi sa orasan.
Muling tumunog ang matinis na tunog ng speaker.
"Bibigyan ko kayo ng isang pagkakataon. Papasok kayo sa loob kasama ako. Makikipaglaro ka sa akin para maligtas mo si Faye. Ang kaylangan mo lang ay ang button na syang inilagay ko sa mga pakong naririto. Ang kailangan ng taong ito ay ang ibuwis ang buhay nya para lang mapindot ang button na iyon. Tuluyang makalabas si Faye sa kahon. At kung hindi sya magtagumpay. Pagsapit ng sampung minuto. Mawawalan ng Oxygen ang loob ng box." Wika nito sa speaker.
Nagsimula ang bulong bulungan. Kinakabahan sa kung sino ang kayang magbuwing ng buhay para lang sa isang kaibigan.
Naupo sa isang tabi si Choi. Mataman na tiningnan ang mga mangyayare.
Napailing iling sya ng makitang umaakyat na si Izean sa stage palapit sa pintuan papunta sa loob.
'Ang ta t@nga. Hindi man lang nila inisip na kahit anong gawin nila. Mamamatay at mamamatay ang dalawa. Nililinlang lang kayo ni Joker.'
Matapos iwika sa sarili ay mataman nyang pinanood ang mga mangyayare.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...