Chapter 17

695 77 1
                                    

Mary's POV

Hindi ko maintindihan kung ano ang trip ni Choi at agad na nagpakuha ng kutsilyo pagkarating na pagkarating palang namin ng hotel.

Habang kami naman ay pinag tulungang iakyat si Rachel sa kwarto nya.

Nang makarating kami sa kwarto nya ay agad naman syang ibinaba ng mga lalaki sa kama nya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pulso nya. Narinig ko ang pagpintig nun. Mahinang mahina na pero buhay pa sya. Alam kong kakayanin nya pa.

Pero iba si Choi. Alam kong kapag may naisip sya ay yun ang dapat na masusunod yun dapat ang gagawin.

Kaya natatakot ako sa kung anong pumasok sa isipan nya dahil alam kong sa word palang na 'kutsilyo' may iba ng kahulugan.

Maya maya ay pumasok si Choi. Dala dala ang pinaka malaking kutsilyo na naroroon sa kusina.

Hinila nya ang kamay ko palabas saka nya ako hinarap.

"Makinig ka Mary. Nasa loob ng tyan ni Rachel ang papel na naglalaman ng pangalan ng killer. Kung sino nga ba ang killer. Nandoon yun sa tyan nya at wala tayong choice kundi ang kunin iyon sa katawan nya ng malaman na kung sino ang killer." Seryoso nyang sabi sa akin.

Napatigalgal ako sa sinabi ni Choi. Napanganga rin ako sa sobrang gulat.

"Seryoso ka dyan, Choi?" Tanong ko sa kanya. Malay mo naman joke joke lang yun diba?

"Mary, mukha ba akong nagbibiro?" Nakataas pa ang isang kilay na sabi nito. Gusto ko syang pagtawanan sa ginawa nyang pagseseryoso ngayon pero hindi ko magawa.

Lalo na ng ilapit nya sa akin ang kutsilyo.

Mas lalo akong matahimik.

Napalayo ako at iiling iling habang dalawang kamay ang syang iwinawagayway ko sa ere bilang pagtanggi sa kung anong ipag uutos nya.

"Wala na tayong Choice, Mary!" Inis nyang sabi sa akin.

"E-eh b-bakit ba kasi a-ako! Bakit hindi nalang ikaw!?" Inis na kinakabahan ko ring sigaw pabalik sa kanya.

Frustrated syang napakamot sa pisngi nya.

"Mary! Lalaki ako!" Sigaw nya.

Kumunot pa ang noo ko dahil sa sinabi nya.

Parang tanga naman tong si----

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling inagaw sa kanya ang kutsilyo.

"Grabe ka! Ni hindi mo man lang pina intindi sa akin!" Nag iiwas tingin kong sabi sa kanya.

Napabuntong hininga sya.

"Kakaiba ka talaga. Alam mo namang nasa tyan malapit sa dibdib eh." Nakanguso nyang sabi.

Napatingin ako sa kutsilyo.

"kung ganun.. papatayin ko si Rachel?" Tanong ko sa kanya at tinitigan sya sa mga mata.

Napayuko sya at kalaunan ay nagsalita.

"Ganun na nga." Sabi nya.

Napahinga ako ng malalim.

"P-pero.. ayokong magkasala sa Dyos. Hayaan na muna natin syang mamatay." Sabi ko sa kanya. Nagpupumilit akong makatakas pa.

Napataas sya ng tingin sa akin.

"Mary. Nahihirapan na yung tao. Patatagalin mo pa ba? At saka nasa paligid lang ang killer. Malamang isa sa mga taong masa loob ang syang nakikinig at nanonood lang sa mga nangyayare sa loob." Inis nyang sabi.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon