Mary's POV
Patuloy parin ang dagsaan ng mga tao sa naging fair ng SSG students.
Kasi naman. Talagang proud na proud ako sa kanila at napaganda nila ang fair na ito. Nakakatakot ngang talaga. Makikita mong maraming oras ang ginugol rito para lamang matapos ang pag kukumpuni ng mga kagamitan.Ang pinaka main subject ng horror fair ay ang ipinagmamamalaking Horror house. Talagang nag bakante pa sila ng isang building para lang magmistulang malaking bahay talaga ang papasukin mo. Halos 30 minutes ka rin daw magpapa ikit ikot para lang makalabas ng Horror House. Ang members at ibang mga volunteer ang syang nananakot sa horro house. Ang galing nga eh. Kahit mapadaan ka lang sa gilid ng bahay na yun maririnig mo na ang mga nakakabinging tilian lalo na ng mga babae sa horror house.
Creepy pa nga daw ang nasa loob nun. Halos candle light na ilaw ang nagmistulang ilaw sa loob ng horror house. May mga pagkakataon pang wala talaga as in kang makikita. Mapipilitan kang mag kapa sa mga madadaanan mo.
Pero ito ang malupit.
May CCTV cameras sa bawat sulok ng Horror house at ito'y live na live na ipinapalabas sa tv na naka dikit sa labas ng school.
Talagang epic ang mga mukha nila lalo na pag isa ka sa mga nanonood.
Hmmm... ano nga ba yung naging usapan namin ni Ben kanina?
Ahhh! Oo nga pala. Naiinis sya sa akin ngayon dahil pinag costume ko sya ng kapre. Nasa taas pa nga sya ng parang puno na gawa sa bakal habang nag e emote na himihithit ng tabacco.
Naks! Ang galing nga eh! Bagay sa kanya!
Napailing na lamang ako habang nakangiti. Maya maya ay nilapitan na ako ng mga kaklase ko.
"Tara, Mary tayo na daw pala ang susunod na papasok dyan!" Pag yayaya sa akin ni Robert. Talagang excited pa syang pumasok kesa sa akin huh?
Napailing iling ako habang iwinawagayway ko ang dalawang kamay ko sa ere.
"Ayoko noh! Kayo nalang ang pumunta doon at manonood nalang ako sa inyo." Nakangiti kong bigkas sa kanila.
"Ooops! Bawal Mary! Bawal yan! Kelangan kasama ka sa loob noh! Kj much! Hmp!" Sabi naman ni Maja at niyakap ang isa kong braso. Napabuntong hininga na lamang ako.
Ano pa nga bang magagawa ko? Tssss.. wala namang magagawa ang mga reklamo ko eh. Isa pa. Me againts them. Marami sila at iisa ko lang. Talong talo ako eh.
Napatango tango na lamang ako.
"Sige na po.. sige na." Napipilitan kong sabi sa kanila saka na sila naghiyawan at igayak na ako sa Main Gate na gawa nila para mag mistulang bahay talaga ang building na ginawa nilang Horror House.
Kami na ang susunod kaya nag handa na kami. Puno parin ng kantyawan, biruan, at tawanan ang buong grupo.
Napangiti ako.. dahil muli ko nanamang nasilayan ang kanilang mga ngiti matapos mangyare ang bangungot na yun..
Pero bakit ako kinakabahan? Parang may mali ngayong gabi.
Nasabi ko yan sa aking sarili. Kinakabahan na kasi ako sa aking nararamdaman. Kakaiba kasi talaga ang pagtibok ng puso ko. Mabilis na pinagpapawisan na ako ng malapot. Hindi rin ako mapakali sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko ng tumalikod na lamang sa kanila at magsimula ng maglakad palayo sa horror house.
Pero huli na. Dahil nakita kong nagbukas na ng kunti kunti ang maindoor ng horror house.
Gumapang ang matinding takot sa aking katawan. Mas lalong naging mabilis ang pag pump ng heart beat ko. Para na akong magkakaroon ng Heart attack.
At dahil nakayakap sa akin si Maja at si Reinalyn ay natangay na rin nila ako papasok ng horror house.
Kahit ayoko.
Other's POV
"Oy! Mabuti naman at nakadating ka rin sa wakas! Kanina ka pa hinihintay ah?" Bungad agad sa akin ni Sherwin habang naka pa meywang sa harapan ko. Bahagya nya ring minulat ng kaunti ang kanyang mga mata habang naka costume sya ng pang tyanak.
"Sorry. May emergency kasi sa bahay." Sabi ko sa kanya.
"Ay sus!" Nasabi na lamang nito at hindi na nakapag salita dahil nakita na naming unti unti ng bumubukas ang pintuan.
Agad kong kinuha ang mga gamit ko.
"Bilisan mo ng mag bihis. Ikaw ang main character rito bilang si kamatayan mula kaninang nag bukas tong horror house wala ka parin." Inis na sabi sa akin ni Sherwin bago na ito naglakad papalayo.
Eh kung patayin kaya kita ngayon mismo rito? Kung makapagsalita akala mo naman kung sino sino lang ako na pwedenh sumunod sunod sa kanya.
I am a killer.
Have my own rule.
Have my own skills.
Making your death more brutal.
May kung anong pumasok sa isipan ko na syang ikinangisi ko ng todo habang nag susuot ng kamatayan costume ko.
Sinuot ko rin ang maskara nito pra syempre hindi ako makilala.
Pero parang mali pa yata ako.
Muli kong tinanggal ang maskara ni Kamatayan. Tinanggal ko rin ang suit ni Kamatayan saka ito inilagay kung saan. Saka ako pumunta sa madilim na sulok. Pumasok ako sa isang classroom kung saan masasabi kong walang naka connect na CCTV. Siguro naman wala ng makakapansin hindi ba?
Agad akong nagsuot ng may kaluwangang jacket na may hood. Nag jogging pants ako para hindi matalsikan ng kung ano mang dugo ng kung sino mang tao ang mapapatay ko ang maong pants ko sa loob nito.
Saka ko isinuot ang maskarang paboritong paborito ko.
Matapos kong masuot ang lahat at maitago ang identity ko bilang isang simpleng estudyante ay napatingin ako sa salamin ng classroom.
Agad na gumuhit sa aking labi ang ngiting mala demonyong handang handa ng pumatay ngayon.
"I'll start the next round."
Wika ko ang mga katagang yan bago ko dahan dahang pinihit ang door knob ng pintuan saka tiningnan ang paligid.
Sakto!
Nasa horror house kami!
Talaga nga namang umaayon sa akin ang tadhana.
Tumingin muna ako kaliwa't kanan bago ako nagmamadaling lumabas sa classroom na iyon at nagtago sa isang madilim na sulok kung saan alam kong kahit isa man sa kanila ay may maliligaw sa kinalalagyan ko.
Maya maya pa ay...
"wahhhh! Wahhh!!!" Sigaw nito habang tumatakbo sa gawi ko.
Walang pag aalinlangan ko syang hinapit sa bewang bago takpan ang bibig nya.
Matapos ay binulungan ko sya.
"Wrong move."
~¤~¤~
A/N: sorry for the late update Guys! Husstle ang may sakit na Author eh. Di ko kayo matiis😂
Yan nalang muna. Pasensya na talaga. Promise pag gumaling ako sunod sunod na uli😊
Muah muah! Tsup tsup!
~AmISaying
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...