Chapter 32

586 60 0
                                    

Benedict's POV

Matapos na mag kwento ni Jasper sa amin ay agad na nag bunyi kaming lahat. Mukha ngang magandang magandang balita ang syang ibinalita samin ni Jasper! Alam nya na kung paano kami makakalabas rito! Makakalaya na rin kami!

"Ang kailangan na lang ay maka pag plano tayo ng maganda para mapatay na rin natin ang killer.

Sabay sabay kaming nag si tanguan saka na kami nag plano para sa gagawing pag takas.

Agad na inisketch ni Jasper ang syang naging daan nya para makapasok rito sa campus. Talagang namangha rin ako sa David na sinasabi ni Jasper na syang tumulong sa kanya upang makapasok ng camphs na ito.

"Ganito... kelangan mas maging alerto tayo ngayon. Hindi natin alam kung ano na ang magiging aksyon ng killer na yun. Baka nga meron na syang plano sa ngayon para hulihin tayo." Wika ni Charles Mendoza. Ngayon lang sya muling nagsalita magmula nung huli naming salita na weirdong weirdo ako sa kanya. Ang sabi sabi ay nakita nya pala kung paano habulin at patayin ng killer si Kath gamit ang manipis na Yarn. Syempre kung ako ang nasa kalagayan nya. Matatakot ako.

Sya rin ang nakakita kung paano namatay sa saksak ng killer si Lyeichelle at nakita nya ang pag hampas ng tubo sa ulo ni Jonalyn kaya sya weirdo at naging tahimik nung mga nakaraang mga araw.

Minsan pa nga ay nakasama namin sya ni Qeannu sa pag hahanap ng ebidensya para matunton ang killer.

Pero sadyang minamalas kami dahil talagang wala kaming mahanap na ebidensya para matunton ang suspect. Malinis at mabilis ang bawat aksyon kaya ganun nalang kami nahihirapan sa paghahanap.

Nagplano kami sa gagawin naming pagtakas mamayang gabi..

~¤~¤~

Someone's POV

Tutok na tutok ako sa bawat galaw ng mga tao sa maraming monitor ng CCTV na syang ikinabit ko sa kabuuan ng lugar na ito.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. May nakapasok na outsiders rito sa laro ko. Well.. pahamak kasi yang David na yan. Dapat noon palang dinispatsya ko na sya eh ng hindi na syang nakakanta.

Aalis na sana ako sa monitor para muling makipag laro ng may mapansin akong mabilis na tumatakbo sa kagubatan papunta sa likuran ng Building A. Pero ang mas ipinagtaka ko ay ang maskara nitong kakaiba.

Ang kaninang pagtataka ko ay napalitan ng ngisi ng makita kong may dala dala syang palakol na syang may tumutulo ng dugo.

Naka maskara sya ng 'Half Brothers' na may dalawang mukha. Ang isa ay malungkot at ang isa ay may nakakatakot na ngiti sa labi.

Napa sandal ako sa kinauupuan ko habang pinapanood ang bawat galaw nya.

Pumunta sya sa bodega at kumuha ng ChainSaw.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko ng makita ko syang lumabas roon habang titig na titig sa hawak nya. Binuhay nya ito saka sya naglaho sa dilim.

Natawa ako ng mapait.

"Tingnan mo nga naman oh.. hindi lang pala ako ang nag e enjoy sa larong ito.."

Matapos nun ay muli kong kinuha ang maskara ko saka binuksan ang pintuang ugnay sa kwartong tinutulugan ko.

May mga passage ako papunta sa kwarto nila. Pero imbis na dimiretso sa kwarto ko. Dimiretso ako sa kwarto ng isang ko pang kasabwat. Malamang.. nakokonsensya na iyon sa ngayon..

*evil grin*

~¤~¤~

Sheena's POV

Umiiyak ako sa isang sulok habang yakap yakap ko ang sarili ko.

9-1: Section Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon