SOMEONE'S/JONALYN'S POV
(Ayts! Nakalimutan kong ako pala yung killer rito^___~ hihihi)
Naririto na ako ngayon sa kwarto ko. Iniisip ko ang mga nangyare kanina noong kumakain ako sa Seoul.
As in real?
Walang halong joke talagang nakita ako ni Ben kanina!
Ahhhhhhhh!!!
Halos maibato ko na ang mga gamit ko rito sa kwarto. Nagwawala ako dahil baka ngayon palang nalinawan na sya na ako si Joker.
Napa sapo ako sa noo ko. Sinabunutan ko ang buhok ko at saka nagpathulog sa kam ko.
Kalat kalat ang lahat ng gamit ko sa sahig. Basag na mga vase. Mga gamit ko. Mga damit na syang dala dala ko.
Naiinis kong tinawagan si tito.
[Oh? Bakit ka napatawag, iha?] Tanong nya sa kabilang linya.
Napabuntong hininga ako.
"Nakilala ako ni Ben. Diba sinabi ko sayong nandito rin sya sa Korea? Kung minamalas ka nga naman nagkita kami sa Seoul!" Nanghihina kong bigkas sa kanya sa cellphone.
[What!?] Sabi na nga ba at ganyan rin ang magiging reaksyon nya eh.
Natahimik na lamang ako. Kahit rin sya sa kabilang linya ay wala ng nasabi.
"Paano yan, tito? Baka mabulilyaso ang mga plano ko. Ayokong makulong ng hindi man lang sila nakikitang mamatay! Hindi ko kaya tito!" Nagsimula ng magsitulo ang mga luha ko. Ayoko ng ganitong feeling pero nagsisimula nanaman akong umiyak. Peste!
Narinig ko ang pagbubuntong hininga ni tito sa kabilang linya.
[Dont worry. Hindi ka naman makukulong dahil under age ka pa. Saka baka naman nagkataon lang na naisip ni Benedict na baka nabuhay ka sa campus.] Sabi nya.
"Pero tito. Isa sya sa mga bumuhat sa akin papasok ng kwarto ko. Wala na akong buhay nun! Patay na ako nun!" Umiiyak kong sabi sa kanya.
[Calm down, A (Ey). Pag isipan mo yan ng mabuti. Ikaw ang nandyan sa Korea. Walang wala si Benedict sa rami ng napatay mo. Nasa kalagitnaan ka na. Ngayon ka pa ba susuko?] Matigas nyang sabi sa akin.
Natahimik ako. Natigilan. Hindi ko maintindihan pero ang mga words ni tito ang syang nakapag bukas ng aking pag iisip.
Pinakinggan ko lamang sya sa kabilang linya sa mga susunod nya pang sasabihin.
[Sa Friday na ang Christmas ball dito. Ano? Pupunta ka ba?] Tanong nya.
Napakunot ako ng noo.
"Christmas ball? Wait. Three days nalang? Ang bilis naman." Nasabi ko.
[Yes, marami kasing magbabakasyon saka ang mismonh SSG members ang nag isip ng ball na yan. So ano? Sasama ka?] Sabi nito sa akin.
"Nope. Ayaw." Nakangisi kong sabi sa kabilang linya. May bigla kasing nag pop sa mind ko.
Gugulatin ko sila sa mismong party na yun.
[Awww... parang noong nakaraan eh gustong gusto mong umuwi rito tapos ngayon umaayaw ka na?] Natatawang sabi ni tito sa kabilang linya.
"May surprise kasi ako sa kanila." Sabi ko sa kanya.
[Huh? Eh paano yun? Hindi ka nga uuwi dito diba?] Takang tanong nya.
"I have connections." Nasabi ko na lamang sa kanya saka na ibinaba ang cellphone.
Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko saka masayang tinungo ang banyo.
BINABASA MO ANG
9-1: Section Of Death
Mystery / Thriller[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great pain and suffer" ~Qeannu 46 students Who's the killer? who do you think will survive? who do you thi...